CHAPTER 14

1560 Words
KRESHA’S POV Palabas na ako ng coffee shop nang salubungin ako ni Senia. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. “Hoy, Mars! May hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong niya pa kaya naman mas lalo akong nagtaka. “What do you mean?” tanong ko sa kaniya. “ Anong meron sa inyo ng gwapong lalaking iyon?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya. Hindi ko alam pero sa ngayon ay kailangan ko ng kaibigan ngayon. Gulong-gulo na talaga ako sa mga nangyayari sa akin. Huminga ako ng malalim bago tinignan siya. Na-gets naman niya at sumunod siya sa akin sa kotse. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa malapit na restaurant. Ayoko kasing may makarinig sa amin. Baka makarating pa kay Vince. “May problema ba, Mars? Bakit kailngang dito pa tayo? Hindi ba pwedeng doon sa cafe mo?” tanong niya at lumingon-lingon pa. Tumingin lang ako s kaniya bago umiwas ng tingin. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano ko nga ba sisimulan. Or kung saan ako magsisimula. “Sa iyo ko lang sasabihin ang lahat dahil nagtitiwala ako sayo,” sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na mas lalo siyang na-curious. “Yung lalaking iyon, siya ang may-ari ng Farm na pinuntahan ko sa Palawan. Si Kyle,” panimula ko. “Anong meron sa kaniya? Bakit siya andito? Bakit ka niya sinusundan?” tanong niya naman. “Mars…” sambit ko habang nakatingin sa akniya. Nag-aalangan akong sabihin sa kaniya. Alam ko naman na hindi niya ako i-judge. Pero nahgihiya ako sa ginawa ko. “Don’t tell me na may gusto siya sayo?” tanong niya. Hindi na ako sumagot pa. Dahil hindi ko rin kayang itanggi iyon dahil iyon ang totoo. “OMG! So totoo nga? Na may gusto sa iyo yung gwapong iyon?” sabi niya pa at hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Pero hindi kami pwede,” sambit ko agad naman siyang nagsalita. “Alam ko na yan, dahil na naman kay Vince na hindi ka kayang pakasalan? Mars naman eh! Hanggang kailan ka aasa sa kaniya? Hindi mo pa napapansin na binibigyan ka na ng tadhana ng tamang tao?” sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya. “Tama ka si Vince ang dahilan. Pinigilan ko noong una, Mars. Pinigilan ko na huwag mahulog pero sa tuwing pipigilan ko mas lalo lang nalala,” sabi ko. Mas lalo na man siyang nagulat sa sinabi ko sa kaniya. “You mean in love ka na rin sa kaniya?” hindi makapaniwalang tanong ni Senia. Hindi na naman ako sumagot. Ayokong tanggapin na in love na nga ako sa lalaking iyon. “Kung in love ka na nga sa akniya bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Hindi ba ang sabi mo, sinabihan ka ni Vince na kung sakaling makahanap ka ng taong mamahalin mo ay pakakawalan ka niya?” tanong niya kaya naman tumango ako. Pero hindi ko kayang iwanan si Vince nang ganun-gano na lang lalo na ngayon na alam kong anak niya si Kyle. “Hindi. Hindi kami pwee,” sabi ko bago tumungo. “Bakit naman? Ayaw mong iwanan si Vince? Teka lang, Mars. Ipapalala ko lang, may asawa siya. Hindi siya mag-iisa kung sakaling makahanap ka ng iba,” sabi niya pa. “Hindi naman iyon ang dahilan. May isang dahilan kung bakit hindi kami pwede ni Kyle,” sabi ko sa kaniya., “So ano nga iyon?” tanong niya na tila naiinip na sa sagot ko. “Galit siya sa kabit. Kinasusuklaman niya ang katulad ko,” sabi ko sa kaniya. “Do you mean, hindi niya alam ang tungkol sa inyo ni Vince?” tanong niya pa. “Sa tingin mo sasabihin ko iyon sa kaniya? Gayong alam kong lalayuan niya ako?” sabi ko sa kaniya. “Mars, bakit hindi mo kasi subukan munang sabihin sa kaniya? Kung talaganmg mahal ka niya, maiintindihan niya at tatanggapin ka pa rin niya,” sabi niya pa. Tumawa ako ng mapakla. Hindi niya ako matatanggap kung malalaman niya na ako ang kabit ni Vince. “Anak siya ni Vince,” sabi ko na ikinatigil ni Senia. Alam ko na nagulat siya sa sinabi ko. Dahil ganon rin ako noong malaman ko ang totoo. “Mars, nag-joke ka hindi ba?” tanong niya sa akin habang nakatingin. Tumingin ako sa kaniya ng seryoso. “Seryoso ka talaga na anak nin Vince yung gwapong iyon?” tanong niya sa akin. Tumango lang ako bago ngumiti ng mapakla. “Kaya paano niya matatanggap ang katulad ko kung ako mismo ang sumira sa pamilya nila? Na ako ang kabit ng daddy niya?” sabi ko pa. “Anong plano mo?” tanong niya sa akin. “Hindi ko alam, Mars. Masyadong magulo. Sinubukan ko nang takasan siya pero nagulat ako nang bigla siyang sumulpot na lang,” sabi ko pa. “Mars, hindi kaya nakatadhana na mangyari ito? Na magkakilala kayo ni Kyle? Hindi kaya sign na ito para tigilan mo na si Vince?” tanong niya pa kaya naman napatingin ako sa kaniya.. “What do you mean?” naguguluhang sambit ko. “Mars, look. Kung talagang tinakasan mo na iyon bakit nagkita pa rin kayo?” tanong niya pa. Medyo na-gets ko siya sa sinabi niya. May point siya. Hindi kami magkikita kung hindi nakatadhana. “Bakit hindi mo muna subukang sabihin sa kaniya? Alam kong maiintindihan ka naman ni Vince,” sabi niya pa. Hindi ko alam pero sa tuwing iisipin kong sabihin sa kaniya ay parang nawawalan ako ng boses kaya naman hindi ko magawang sambitin man lang ang tungkol sa bagay na iyon. “Natatakot ako,” sabi ko sa kaniya. “Mas matakot ka kung hindi mo masabi ang totoo sa kanila at magpatuloy ito hanggang sa lumalim. Ang masaklap pa ay malalaman niya sa iba iyon,” sabi niya kaya naman mas lalo akong nalinawan. May point siya. Mabuti na lang at nasabi ko sa kaniya ang lahat dahil kung hindi baka mas lalo akong ma-stress ngayon. “Susubukan ko pa rin sabihin. At sana lang ay makaya ko kung ano ang magiging resulta nito,” sabi ko pa. “Mars, kaibigan mo ako! Baka nakaklimutan mo na may kaibigan kang maganda na handang makinig sa lahat,” sabi niya pa. Kaya naman napangiti ako sa kaniya. “Mars, thank you,” sabi ko at niyakap siya. Niyakap rin naman niya ako. Ngayon kahit papaano nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Kaya naman ayos na sakin dahil alam kong may matatakbuhan naman ako kung sakaling walang pumili sa akin. Nagbalik ako sa cafe. Gaya ng inaasahan ay marami ang tao. Kaya naman minabuti ko nang tumulong na. Uupo na sana ako nang may tumawag sa akin. “Faith,” sambit niya kaya naman napalingon ako. Nakita ko naman si Vince na papalapit. Ngumiti ako sa kaniya. “Kanina ka pa?” tanong ko at lumingon-lingon sa paligid. “May meeting ako with Mr. Alcantara,” sabi niya pa. Pinaupo ko naman siya sa VIP seats para doon sila mag-usap. Aagd namn akong pumunta sa loob para iutos ang kape niya. Alam nila kung paanong timpla ang gagawin kapag si Vince ang iinom. Matapos iyon ay agad akong lumabas. Kapag labas ko ay nakita ko naman si Vince habang may kausap. Andiyan na pala ang ka-meeting niya. Kaya naman hindi na ako lumapit pa sa kaniya. Hinayaan ko na lang na mag-usap sila. Umupo ako sa isang seat habang tinatanaw ang mga costumer. Mabuti na lang at malaki ang Cafe ko kaya hindi nagsisiksikan ang mga costumers. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko naman na may text si Kyle. Papunta siya? Agad akong naalerto sa sinabi niya. Hindi pwede dahil andito ngayon si Vince! Hindi ko alam ang gagawin. Ito ang pinaka-ayaw ko. Mabuti na lang at nag-text siya dahil sinabi ko na iyon sa kaniya na kailangan muna niyang magsabi na pupunta siya. Mahirap na magkasalubong sila. Agad akong lumabas ng cafe at agad siyang tinawagan. Sinagot naman niya agad. “Huwag kang tumuloy sa Cafe. Nasa hotel ako ngayon. Masama ang pakiramdam ko kaya umuwi ako,” sabi ko sa kaniya. “Ganoon ba? Uminom ka na ba ng gamot?” tanong niya sa kabilang linya. “Ma’am Faith, may naghahanap po sa inyo,” sabi ng isang waiter kaya naman napapikit ako. “Nasa Cafe ka? Akala ko ba nasa hotel ka? May problema ba?” tanong niya pa. Hindi ko alam kung paano ko ito lulusutan. Bahala na. “He’s here,” sabi ko sa kaniya. “Okay, I will come some other time. Take care,” sabi niya pa bago binaba ang tawag. Hindi ko alam pero parang galit siya sa tono ng pananalita niya. Bigla naman akong nakonsensya. Nagselos ba siya? Nalungkot ako bigla. Bakit ba ako ganito? Hindi ba dapat ay makonsensya ako kay Vince dahil niloloko ko na siya? Kung hindi sana nagpaliwang si Kyle sa akin edi sana ay wala na akong problema ngayon. Kung hindi na sana ako nakinig sa kaniya ay wala na sana siya ngayon sa buhay ko. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ako pumasok sa loob ng cafe. Wala na doon si Vince pati na rin ang kausap niya ay umalis na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD