CHAPTER 9

1536 Words
KRESHA’S POV Nagising ako na katabi ko si Kyle. Nanlaki ang mata ko. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Nakahing ako ng maluwag nang mapagtanto ko na may damit kaming dalawa. Mabuti na lang at walang nangyari sa amin. Akmang babangon na ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Kasunod noon ang pagyakap niya kaya naman natumba ako at napahiga. Nanatili siyang nakapikit habang nasa dibdib ko ang mukha niya. Muli ko siyang pinagmasdan. Bakit ako pa? Bakit ako pa ang napili mo? Kung alam mo lang na madumi akong babae at isa rin akong kabit. Siguradong hindi mo magugustuhan kung sakaling malalaman mo ang tungkol sa buhay ko. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam bakit ako pumayag sa gusto niya? Gusto niya akong ligawan kahit na patago pa raw. Hindi ko alam kung alam na niya ang tungkol sa taong pinangakuan ko ng sarili ko. Hindi ko naman pwedeng bawiin ang lahat. Kaya sobra aklong nalilito dahil alam kong mali ang ginagawa kjo ay dinagdagan ko pa ang kasalanan ko. “Good Morning,” sabi niya at niyakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Hindi pa rin ako sanay. Napangiti na lang ako na makitang nanatili siyang nakapikit. Inaantok pa siya? Alas singko pa lang ng umaga kaya naman nag-stay ako ng ilang minuto bago ako tumayo at maghilamos. Nang matapos ako ay nagulat ako ng bigla niya akong higitan kaya napaupo naman ako sa ibabaw niya. “I love you,” sabi niya. Hindi ko alam pero napangiti ako dahil ang cute niya. Napatayo ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha iyon at nakita ko ang pangalan ni Vince. Kaya naman napatingin ako kay Kyle na nagtataka. Lumapit siya kaya agad kong pinatay ang tawag. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. Hindi ako umimik at tinignan lang ang cellphone ko. “He’s calling,” sabi ko sa kaniya bago itinago ang cellphone ko sa bulsa ko. Nakita ko naman na natahiumik siya. “Bakit hindi mo sinagot?” tanong niya kaya naman nagtataka akong tumingin sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin bago hinawakan ang mukha ko. “It’s okay. You’re not mine yet. You can do whatever you want for now,” nakangiting sambit niya at pinisil ang ilong ko. Tumayo naman siya at pumasok ng banyo. Naiwan ako habang nakatulala sa kaniya. Seryoso ba siya? Bakit ba siya ganito? Hindi siya kagaya ng mga nakikilala kong lalaki. Para siyang si Vince kung kumilos. Medyo nalilito n ako sa nararamdaman ko . Did I like him? Pero kakakilala ko pa lang sa kaniya. Bakit ganito agad ang nararamdaman ko. Alam ko namang maling-mali na patulan ko ang isang tao habang niloloko ko sila parehas. Kahit ako sa sarili ko ay naguguluhan rin ako. Hindi ko kayang tanggapin na tama siya. Na tuluyan na akong nahulog sa akniya. Huminga ako ng malalim bago tinignan ang number ni Vince. Akmang tatawagan ko sana ssiya ng bigla siyang tumawag. Kaya naman this time ay sinagot ko na ang tawag niya. “Hon? May problema ba? Kanina pa kita tinatawagan,” sabi niya pa kaya naman lumunok muna ako bago nagsalita. “Medyo busy lang ako, Hon. Ang daming ginagawa dito. Puno ang cafe,” sabi ko pa sa kaniya. “Okay, Hon. See you. I love you,” sabi niya pa bago pinatay ang tawag. Nakahinga ako ng maluwag pero nakokonsesnya ako dahil nagtatago ako ng lihim sa kaniya. Niloloko ko siya. Kaya naman hindi ko magawang maging masaya kahit na gustuhin ko man. Dahil alam kong may sinasaktan akong tao. Anon ba ang dapat kong gawin? Masyado na ring magulo ang isip ko. Akala ko ay makakatakas na ako sa stress sa problema sa Manila ng ilang linggo pero bakit parang dumagdag ang stress ko dito sa Palawan? Bakit ba ganito? Ilang minuto ang limpas nang lumabas si Kyle at nakabihis na. Pupunta kasi kaming Coffee Shop. Sabay na kami pupunta doon. Wala namang chismosa doon. Kaya safe kaming magkakasama magkape. Ilang minuto pa ang lumipas nang marating namin ang coffee shop. Kaunti pa lang ang tao kaya naman pumasok na kami.Nagulat ako nang biglang may delivery boy na nag-abot sa kaniya ng pandesal at coco jam. “Saan mo ba yan binibili?” tanong ko sa kaniya at nagtatakang tumingin. “Pina-deliver ko ito. Malapit lang naman,” sabi niya pa bago ngumti. Kumuha naman kami ng pandesal at kumain na. Maya-maya pa ay dumating ang kape namin. Nagkwentuhan lang kami ng ilang oras doon. Hindi ko namalayan na alas otso na pala. Tumayo si Kyle at nagpaalam na magbabanyo lang kaya naman lumabas ako saglit. Inaliw ko ang sarili sa mga halaman na ansa labas ng coffee shop. Mabuti na lang at malawak ito at pwede ka pang maglakad-lakad. Busy ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Patricia, “Ma’am!’ sabi niya pa kaya naman nagtataka akong tumingin sa akniya. Nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin. “Ma’am, nasa parking lot po si Sir Vince,” sabi niya na ikinagulat ko, “Ano? Paano nangyari na andito siya? Sigurado ka ba/’ tanong ko pa at biglang kinabahan. “Yes, Ma’am. Hinahanap niya po kayo,” sambit niya pa kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Agad akong tumakbo papalabas ng coffee shop. Nilibot ko ang buong parking lot. Pero hindi ko siya nakita. s**t! Papasok na sana ako nang makita si Jay. “Jay, asan si Sir mo?” tanong ko s kaniya. “Ma’ama, nasa loob na po hinahanap kayo,” sabi niya rin. “Bakit hindi mo sa akin sinabi na pupunta siya?” tanong ko sa kaniya. “Ma’am, pasensya na po. Request ni Sir,” sabi niya at kumamot ng ulo. Kaya naman nagmamadali na akong pumasok ng sa loob. Habang papalapit ako ay malakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Andito rin si Kyle. Kaya naman hindi sila pwedeng magkita. Dumoble pa ang kaba ko nang makitya ko nga si Vince na papasok ng banyo. Agad ko siyang hinila kaya agad siyang lumingon. “Hon,” nakangiting bungad niya nang makita ako. “Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka man lang nagsabi?” tanong ko sa kaniya habang pilit na tinatago ang kaba ko. “I want to surprise you,” sabi niya at ngumti muli. Magsasalita pa sana ako nang bigla kong makita na bubukas ang pinto. Agad ko siyang hinila palabas ng coffee shop. “Honey, are you okay?” tanong niya sa akin. “Nagugutom na ko, Hon. Tara?” tanong ko sa kaniya at pumasok kami ng kotse,. Hiniram naman niya kay Jay ang susi at siya na ang nag-drive. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis kami. Sinisilip ko ang likod dahil baka sumunod si Kyle. “I miss you,” sambit niya. Ngumiti naman ako bago nagsalita. “Hon, hindi ba at busyy ang sched mo this week? Mabuti at nakarating ka?’ tanong ko sa kaniya kahit na ang totoo ay dinadasal ko na busy nga siya. “Yes, but I mieesed you. Aalis rin ako bukas,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Nanginginig man sa nerbyos ay hindi ko na lang pinahalata. Sana nga ay makaalis siya para hindi sila mag-abot ni Kyle. “So, kailan ka uuwi?” tanong niya sa akin habang busy sa pag-drive. “Malapit nang matapos ang renovation. Baka next week,” sabi ko at tumingin sa paligid. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa pinakamalapit na restaurant. Agad kong kinapa ang cellphone ko pero wala sa bulsa ko. Napapikit na lang ako nang maalala ko na iniwan ko sa bag ko iyon . “Hon? Pwedeng makahiram ng phone?” tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya pero binigay naman niya agad. “What’s wrong?” tanong niya sa akin. “Naiwan ko yung phone ko sa bag na nasa VIP seats,” sabi ko sa kaniya. Agad ko namang kinontak si Kris at sinabing pakikuha na lang ng bag ko dahil andon ang laptop at cellphone ko. Binalik ko naman agad ang cellphone niya. “Let’s eat/” tanong ko sa kaniya bago siya ngumiti. Nagkwento lang siya tungkol sa mga nangyari sa kaniya nang wala ako kung gaano siya ka-busy kaya di siya minsan nakakatawag sa akin. “How’s your stay here? Nabisita mo ba ang farm?” tanong niya sa akin. Natigilan ako. Bigla na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko nang banggitin niya ang farm. “Ah yes, Hon., Kaso hindi maganda, Hindi ko bet dahil ang daming tao,” sabi ko pa bago uminom ng ice tea. “Really? Sayang lang dahil busy ako atb hindi ko mabisita ang farm. I want to meet the owner too,” sabi niya kaya nasamid ako bigla. “Atre you okay, Hon?” nag-aalalang tanong niya sa akin at inabutan ako ng tissue. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Ang hirap palang magtago. Lalo na kung magkalapit lang sila ngayon. Ang problema ko, paano ko sila haharapin parehas? Sino ang pipiliin ko? Sobra akong nalilito. Hindi pa ako makapag-decide sa ngayon dahil magulo ang isip ko.Sana lang ay makapag-isip na ako bago parehas silang mawala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD