Papasok na sana ako ng coffee shop nang mapahinto ako. Nakita ko na anamn si Kyle na nasa loob. Wala ba iyang ginagaw at panay ang punta niya dito? Huminga muna ako ng malalim bago pasimpleng pumasok. Hindi ako nagpahalata na pumasok ako. Dahan-dahan ang bawat lakad ko para di niya iyon mapansin.
Mabuti na lang at hindi niya ako matatanaw sa VIP seats kaya naman safe akong makakatambay doon. Malapit na ring matapos ang pina
pagawa ko. Baka next week makakauwi na ako ng Manila.
Nang makaupo ako ay nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at di niya ako nakita. Inilabas ko ang laptop ko bago iyon binuksan.
Hindi pa ako nakakapag-start mag-check nang inventory sa Cebu nang biglang dumating si Kris. Napatingin ako sa dala niya. Pandesal na may coco jam. Hindi ko alam pero hindi naman nakakasawa ang coco jam na ito. Napatingin ako sa inuupuan ni Kyle. Seryoso lang siyang nagbabasa ng magazine habang nainom ng kape.
“Kay Sir Kyle poi to galling, Ma’am,” sabi niya naman niya kaya napatingin ako kay Kyle na seryoso pa ring nagbabasa ng magazine habang nainom ng kape.
Ano ba kasi ang gusto niyang palabasin? Para na akong mababaliw kakaisip kung ano ang pinaplano niya. Masyado na kasing nakakapagtaka na ganito lang ang ginagawa niya.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na dapat siya iniisip. Dapat ay maging masaya ako dahil hindi siya nalapit sa akin. Pero bakit naman ganito? Bakit parang ang bigat-bigat? Tinignan ko na lang siya sa malayo.
Ano bang ginagawa mo? Bakit ganito ka? Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang mapatingin siya sa akin. Agad akong tumingin sa laptop na nasa harap ko.
Akala ko ay lalapit siya pero nagulat ako nang tumayo siya at lumabas ng coffee shop. Muli ko siyang tinanaw palabas habang dala ang ellphone niya at bag na maliit. Aalis na siya agad nang walang sinasabi sa akin?
Muli akong napailing. Mali itong iniisip ko. Ano bang nangyayari sa akin?
Nag-focus ako sa ginagawa ko. Nadako ang tingin ko sa may pandesal na may kasamang coco jam. Wala sana akong balak kainin iyon dahil baka kung ano ang inilagay niya. Hindi naman niya siguro iyon gagawin?
Agad akong kumuha ng pandesal at nilagyan iyon ng coco jam. Bahala na. Hindi ko matanggihan itong pagkain. Isa pa maaga akong umalis kaya hindi ako nakakain sa hotel. Magpapa-deliver na lang siguro ako para mamaya.
Nang maubos ko ang limang pandesal ay nag-focus na ko sa ginagawa ko. Ilang oras akong nagugol ng oras doon bago ko naisipang pumunta sa pinakamalapit na restaurant.
“Kris, ikaw muna dito,” sabi ko sa kaniya.
“Okay po, Ma’am,” nakangiting sagot niya sa akin bago ako umalis.
Hindi pa man ako nakakalabas nang biglang makasalubong ko si Kyle. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Nagulat ako nang higitin niya ako papalapit.
“Kyle…”
“Ito ba talaga ang gusto mo? Ang parehas tayong nahihirapan habang tinatanaw ang bawat isa sa malayo?” tanong niya sa akin habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
“Kyle, sinabi ko na. Hindi tayo pwede. Kaya please, tigilan mo na ako,” sabi ko sa kaniya.
“You like me, right?” tanong niya na ikinagulat ko.
“Kyle, tigil na please,” sabi ko pa sa kaniya.
“I know you l;ike me too. Then tell me what’s wrong?” tanong niya muli na mas lalong nagbogay ng stress sa buhay ko.
“Hindi tayo pwede. Bakit kailangan mo pang itanong?” tanong ko pa sa kaniya.
“Dahil mahal kita, El! At gusto kong malaman ang dahilan kung bakit hindi tayo pwede,” sabi niya pa. Para akong hinaplos sa sinabi niya. Bakit ba siya ganito? Sa tuwing magsasalita siya ang iba ang dating sa akin.
Masyado akong natatamaan sa mga sinasabi niya. Tagos na tagos ang bawat salitang sinasabi niya sa akin.
“Just tell me, bakit hindi tayo pwede? Dahil ba sa magulang mo? Kakausapin ko sila,” sabi niya pa. Ano bang sinasabi niya? Bakit ba ang seryoso niya masyado?
“That’s not love. Maybe that is infatuation,” sabi ko sa kaniya.
“No, I love you. And I know that you also know that,” sabi niya pa.
“Kyle, marami pang iba diyan. Huwag ako dahil hindi tayo pwede,” sabi kong muli sa kaniya.
“Bakit hindi? Ano bang problema at hindi mo sa akin masabi? Makikinig ako, El. Sabihin mo kung bakit,” sabi niya pa habang seryosong nakatingin sa akin.
“Dahil nangako na ako sa isang tao, hindi na pwedeng mabago pa iyon,” sabi ko nakita ko namang natigilan siya sa sinabi ko. Kahit na ako ay natigilan sa sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya na sabihin iyon. Nadala lang ako.
“May boyfriend ka?” tanong niya pa kaya naamn napa-atras ako. Hindi niya pwede malaman iyon. Pero mas mabuti na siguro na malaman niya na isa akong kabit para kamuhian niya ako at iwasan niya ako.
“Wala, because,” pinutol ko ang sasabihin ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko.
Hindi ko pa kayang sabihin na isa akong kabit, kerida o pangalawa. Gusto kong sabihin sa kaniya pero walang nalabas sa bibig ko.
“Hindi kita gusto.”
Yan ang lumabas sa bibig ko. Iyan na lang ang naisip kong dahilan para tantanan na niya ako. Kahit na alam kong masasaktan ko siya ng sobra. Kailangan kong gawin para na rin sa ikabubuti ng lahat.
Akala ko ay maniniwala na siya pero nagulat ako ng tumawa siya.
“Liar,” sabi niya at nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
Nanlaki ang mata ko at tila ba huminto ang mundo ko nang gawin niya iyon. He kissed me. Biglang tuminbok ng mabilis ang puso ko habang magkalapat ang mga labi naming dalawa. Sobrang lapit ng mukha niya at kita ko ang bughaw na mga mata niya na mas lalong nagpapahina sa akin.
“Now, tell me that you don’t love me,” sabi niya nang humiwalay ang labi niya sa labi ko.
Hindi ko first time mahalikan pero first time kong maka-encounter ng nakaw na halik bukod kay Vince. Parang ngayon palang nag-loading ang ginawa niya sa akin. Ngayon ko lang na-realize ang lahat.
“B-bakit mo ginawa iyon” nautal na tanong ko habang nakatingin pa rin sa kawalan. Hindi ko alam ang ire-react ko.
"Now, tell me. You don't love me?" tanong niya ulit.
Bigla ko siyang sinampal ng malakas na ikinagulat niya.
"Hindi mo dapat ako hinalikan!" sigaw ko sa kaniya.
"Answer me, El," sabi niya habang seryoso pa rin.
"Kailangna ko nang umalis," sabi ko pa bago ako akmang papasok ng kotse nang bigla na naman niya akong higitin at halikan.
Sa pangalawang pagkakataon, hindi na ako nakapalag sa kaniya. Para bang huminto ang oras at nawalan ako ng lakas na lumaban pa. Magkalapat ang aming mga labi habang seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko siya itulak? Bakit hindi ko magawang itulak siya? Bakit nawala yung lakas ko? Bigla akong nanghina?