CHAPTER 7

1528 Words
KRESHA’S POV Days passed. Mula nang malaman kong isang kabit ang pinaka-ayaw ni Kyle umiwas na ako. Ayokong ma-encounter niya pa ang katulad ko. Hindi ko alam ang sasabihin kung sakaling mahuli niya na isa rin akong kabit. Mula rin nang araw na iyon pinilit ko nang kalimutan siya. Ayokong lumalalim pa ang pagkakaibigan naming at mauwi sa hindi magandang pangyayari. Palabas na ako ng hotel. Balak ko sanang sa coffee shop muna ako hanggang mamayang alas-diyes. Nang makalabas ako, dumiretso ako sa parking lot. Sobrang tahimik ang buong lote. Kaya naman hinanap ko kung saan ipinark ni Jay ang kotse. Nakita ko naman iyon sa dulo kaya naman naglakad na ako papalapit doon. Pero hindi pa man ako nakakalapit nang biglang may humila sa akin kaya napasigaw ako. Tinakpan naman niya ang bunganga ko. Ilang saglit pa ay isinandal niya ako sa kotse. Doon ko nakita kung sino siya. “Kyle?” hindi makapaniwalang sambit ko. Seryoso siyag tumingin sa akin habang unti-unting lumalapit ang mukha niya. Kaya naman napapikit na lang ako. Ilang minute ang lumipas pero walang labi ang dumapo sa labi ko. Kaya naman napadilat ako nang magsalita siya. “Iniiwasan mo ba ako?” seryosong tanong niya. Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa gulat ko. “Bakit? Anong dahilan mo para iwasan ako?” dagdag niya pa. “Hindi, hindi kita iniiwasan. Busy lang ako kaya-“ Pinutol niya ang sasabihin ko at biglang nagsalita. “Busy ka ng apat na araw? Para saan?” Hindi na naman ako nakapagsalita. Bakit ba kasi inaalam niya pa? Isa pa pa, alam naman pala niyang iniiwasan ko siya bakit niya pa tinatanong? Hindi ba pwedeng iwasan na lang rin niya ako? “Mag-usap tayo,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naming kinuha iyon at nagsalita. “Ano ba! Pwede bang iwasan mo na lang din ako? Mas mabuti na iyon para sa atin,” sabi ko na ikinagulat niya. “Bakit? Anong dahilan mo?” tanong niya pa. “Bakit kailangan pa bang bigyan ko ng dahilan para iwasan ka? Hindi ba pwedeng huwag na lang tayong magpansinan?” tanong ko naman sa kaniya. Bakit ba hindi na lang niya tanggapin ang desisyon ko? Bakit kailangan niya pang alamin kung bakit ko siya iiwasan? “No, just give me a reason para gawin koi yon,” sabi niya kaya naman nagtaka ako.Bakit baa yaw na lang niya akong iwasan? “Hindi na kailangan ng rason. Bakit noon? Hindi naman tayo magkakilala-“ “I like you,” sabi niya na ikinatigil ko. Hindi agad nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya kaya naman ilang minuto akong natigilan. “I like you, kaya bigyan mo ako ng rason para iwasan kita,” sabi niya pa. Tinignan ko siya at kita ko na seryoso naman siya sa sinabi niya. “Kalokohan! Paano ka magkakagusto sa isang lingo mo pa lang nakilala? Ganioyan ka ba karupok?” tanong ko sa kaniya. “You still don’t know me?” tanong niya na ikinagulat ko. “What do you mean?” tanong ko sa kaniya dahil naguguluhan ako. Anon a naming pakulo ang gagawin niya? “A months ago, in the boys restroom,” sabi niya. Unti-unti kong inalala ang lahat. Nanlaki ang mata ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Seryoso pa rin siyang nakatingin. Hindi ko alam ang dapat kong i-react. Don’t tell me siya yung lalaking hinawakan ko para lang tigilan na ako ni Brent. Muli akong tumingin sa akniya. Seryoso talaga siya? That time, hindi ko pwedeng ipakilala si Vince sa kaniya kaya naman kumapit ako a braso ng isang lalaki. Hindi ko naming inaasahan na siya iyon. “Yes, I’am that guy,” sabi niya pa para i-confirm sa akin iyon. “So, how did you know me?” tanong ko pa sa kaniya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin habang nakatingin rin ako sa kaniya. “I like you, that’s why I find you,” sabi niya pa. Hindi ako nakapagsalita. Naguguluhan pa rin ako. Pinlano rin niya ba ang lahat ng ito? “Pinlano mo rin ba ang lahat?” tanong ko sa kaniya. “Hindi. Nakatadhana na talaga na magtagpo tayo,” sabi niya kaya nagtaka na ako. “Kaya sabihin mo sa akin ang dahlia para iwasan kita. Hindi kita basta-basta iiwasan dahil nagpakahirap akong hanapin ka lang,” sabi niya pa kaya naman hindi na ako nakapagsalita muli. “Kung wala, hindi kita iiwasan,” sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kaniya. Seryoso ang bawat tingin niya sa akin. Ang ganda ng mata niya. Ito yung palagi kong tinitignan sa tuwing makikita ko siya. “Can I court you?” tanong niya na ikinagulat ko. Bakit ang hilig niyang manggulat. Kanina lang umamin siya tapos ngayon manliligaw siya? Bigla kong naisip si Vince. Agad kong kinuha ang kamay ko na ikinagulat naman niya. “Sorry,” sabi ko pa bago akmang aalis nang magsalita siya. “Bakit? Anong dahilan mo? May boyfriend ka na ba?” tanong niya na mas nagpalakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko pwedeng sabihing may boyfriend ako dahil ayaw naming ni Vince na may ibang nakaalam. Kung sasabihin kong may boyfriend ako baka kung ano ang gawin niya. Malaman niya pa na isa akong kabit. “Hindi tayo pwede,” sabi ko sa kaniya. “Bakit?” tanong niya muli sa akin. “Hindi mo na kailangang nalaman pa,” sabi ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis. Hindi na natuloy ang pag-alis ko at pumasok muli ako sa loob ng hotel. Ano ba kasing pumasok sa kokote niya at ako pa ang napili niya? Hindi kami pwede dahil alam kong magagalit rin siya kung sakaling maklalaman niya na isa akong kabit at nanira rin ako ng pamilya. Nakabalik ako sa kwarto ko at dumiretso sa bintana. Nakita ko ang kotse niyang papaalis na. Tinanaw ko na lang iyon hangang sa mawala iyon sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit ako nanghihinayang. Hindi na dapat ako ma-attach sa iba dahil malapit na rin namang hiwalayan ni Vince ang asawa niya. Hindi ko rin alam bakit ako nalungkot nang iwanan ko siya doon. Bakit ba kasi hinayaan kong ma-involve ako sa kaniya. Mas malaki tuloy ang problema ko. Kailangan ko na talaga siyang iwasan. Dahil baka malaamn pa ni Vince at kung ano ang magawa niya kay Kyle. Ayoko namang dumating sa punto na may masasaktan pa. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ako bumalik sa kama. Tinignan ko ang cellphone ko at puno iyon ng messages. Puro kay Vince pero may isang message doon na nakaagaw ng atensyon ko. Unknown number. Binuksan ko iyon. “Hindi ako titigil hanggang hindi mo sinasabi kung bakit kita iiwasan.” Iyan ang sabi sa message. Kaya naman medyo natakot ako. Dahil baka mahanap niya si Vince at malaman ang totoo. Masisira ang buhay ko pati na rin ang pamilya ko kung sakaling mangyari iyon. Bakit ba dumating pa siya sa buhay ko? Hindi ba niya alam na ginugulo na niya pati ang pribadong buhay ko? Bakit ba kasi ako pa ang nagustuhan niya? Sa dami ba naman ng pwedeng magustuhan ako pa talaga? *** Maaga akong gumising at pumunta sa coffee shop. Nang makarating ako ay bumungad naman sa akin si Kris. Dumiretso ako sa VIP seats. Hindi pa man ako nakakaupo nang biglang lumapit si Kris sa akin. Nagulat ako nang iabot niya ang pandesal na may coco jam. “Ma’am, pinaabot ni Mr. Kyle,” sabi ni Kris kaya naman napalingon ako kung asan siya. Nakita ko siya sa may table habang busy sa laptop niya. “Hindi raw po niya maiabot sa iyo dahil ayw niyang tanggihan niyo yung pandesal,” sabi niya pa kaya naman napatingin ako sa pandesal na may coco jam na kasama. Hindi ko alam kung bakit napangiti na lang ako. Ang sweet kasi ng ng dating. Kung ang karaniwang manliligw ay may flowers, chocolate ang bear. Sa kaniya naman pandesal na may coco jam. Muli ko siyang tinignan. Busy pa rin siya sa pag-type sa may laptop niya. Hindi siya katulad ng iba na kahit alam nang ayaw niyang nilalapitan siya ng iba ay lalapit pa rin siya. Kakaiba ang kilos niya. Alam niyang ayoko nang ganito pero ginagawa niya pa rin. Ang pinagkaibahan lang ay hindi siya nalapit sa akin. Pinapaabot na lang niya sa iba. Kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Seryoso talaga siya sa sinabi niya liligawan niya ako. Pero hindi naman kami pwede. Nangako na ako kay Vince na sa kaniya ako. Kapalit noon ang buhay ng tatay ko. Mabait na tao siya, ako ang nagkusa na sumama sa kaniya. Hindi niya ako pinilit sa kahit na anong gusto niya. Ang lahat ng iyon ay ako ang may gusto at sarili kong desisyon. Kaya hindi ko naman siya pwedeng iwanan na lang basta. Kaya wala akong magagawa kundi ang iwasan na lang si Kyle para sa ikabubuti ng lahat. Masasanay naman kami na bumalik sa dati. Hindi ko nga siya kilala noon kaya hindi malabong makaya naming ibalik kung ano ang dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD