CHAPTER 6

1556 Words
KRESHA’S POV   Gabi nang makauwi ako sa hotel. Napagod ako sa maghapong paglilibot sa buong farm ni Kyle. Hindi na rin ako nakadaan pa sa coffee shop dahil mas mapapalayo ang sasakyan kung dadaanan pa namin iyon.   Nagtataka ko pa ring tinignan si Kyle dahil hindi pa siya naalis at tila ba nakatayo lang habang nakatingin sa akin.   “Hindi ka pa ba aalis?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya bago nagsalita.   “Pumasok ka na, tsaka ako aalis,” sabi niya. Napataa ang isang kilay ko sa sinabi niya.   “Okay, thank you,” sabi ko pa bago ngumiti.   Gaya kanina natahimik at nagbago ang mukha niya. Nakakaloko talaga siya. Sa tuwing ngingitian ko siya lagi siyang ganiyan. Kaya minsan ang sarap ngumiti na lang lagi para naman matulala siya.   Pumasok ako nang may ngiti sa labi. Nakakatawa kasi siya hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing maalala ko na natutulala siya sa tuwing ngingiti ako.   Maya-maya lang ay nakarating ako sa kwarto ay agad akong naligo. Feeling ko kasi ay ang lagkit ko na. Matapos kong maligo at magbhisi ayy humiga ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko. Nakita ko naman na may mga missed calls na si Vince. Naiinis ako dahil maghapon niy akong kinalimutan kahapon. Kaya naman hindi ko siya tinext pa. Humiga na lamang ako at natulog.   Nagisingako sa tunog na nanggaling sa cellphone ko. Agad ko iyong kinuha. Nakita ko naman na may new text.   “Good Morning.”   Kahit na inaantok pa ako ay pilit akong nag-reply. Agafd ko naman iyon isinend bago ako bumalik sa paghtulog.   Ilang minuto ang lumipas nang biglang tumunog muli ang cellphone ko. Wala akong nagawa kundi ang bumangon at tignan kung sino na naman ang nag-text. Laking gulat ko nang makita ang unknown number. Nag-reply siya sa tinext ko kanina.   “What?”    Nanlaki ang mata ko nang ma-realize kong wrong send ako. Hindi pala si Vince ang nag-text kundi si Kyle.   Napapikit na lang ako sa kahihiyan. Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at nag-reply ako ng tulog?   Hindi ko na iyon pinansin pa bago ako bumangon. Nang matapos ako, lumabas na ako ng hotel. Sana naman huwag ko na siya makita ngayong araw. Nang makalabas ako, agad naman bumungad sa akin si Jay. Binati lang niya ako bago ako pumasok sa kotse.   Nakarating kami sa coffee shop. Sa labas pa lang ay nakikita ko na si Kris na inaasikaso ang mga costumer. Pumasok ako ng coffee shop. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala siya. Dumiretso ako sa VIP seats.    Nagsimula kong i-check ang mga inventor. Maayos naman ang mga documents na pinasa ni Kris kaya napangiti ako. Hindi pa ako nakakatayo nang magsalita si KRIS.   “Ma’am, andito po si Miss Arianne,” sabi niya kaya naman napatingin ako at kasama niya si nga si Arianne.    “Miss Castro, nai-send na ni Dad ang lahat ng documents na kailangan mo,” nakangiting sabi niya pa bago iniabot ang isang paperbag.   Nagatataka naman akong tinignan iyon.    “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.   Ngumiti naman siya bago sinenyasan ako na buksan ang paper bag. Nagtataka man ay binuksan ko na lamang iyon.  Pagbukas ko, nakita ko ang isang leather jacket. Nagulat naman ako ng makita iyon. Ibig sabihin ay nasa kaniya pala ang jacket ko? Nabaliw ako kakahanap kahapon kung saan ko iyon naiwan sa farm. Mabuti na lang at naibalik ni Kyle. Dahil for sure magagalit si Vince kapag nawala ko ang jacket niya. Naalarma ako nang maaalala ko ang singsing na bigay ni Vince sa akin .   Natigilan ako bigla at agad na hinanap ang bulsa ng jacket. Nakahinga ako ng maluwag nang makapa ko ang singsing. Gumuhit ang ngiti a labi ko nang makita ko ng buo iyon. Agad ko ring sinuot iyon sa daliri ko.   Ilang oras ang lumipas nang maisipan kong umuwi na lang muna para magpahinga. Hindi pa ako nakakalabas nang matanaw ko si Kyle sa labas ng Coffee shop. Ano na namang ginagawa niya dito? Hindi ba siya napapagod? Nagtataka akong lumabas at tumingin sa kaniya.   "Kyle?" tawag ko sa pangalan niya.   Agad naman siyang napalingon sa akin bago ngumiti ng makita ako    "Anong ginagawa mo diyan?" takang tanong ko.   "Hinihintay ka. Busy ka ba?" tanong niyang muli kaya naman napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Bakit na naman niya kaya ako hinihintay? Don't tell me isasama niya ako sa farm ulit ng ganitong oras?   "Actually, pauwi na ako," sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman ako sa kaniya.   "Tara," sabi niya sa akin kaya naman nagulat ako nangbigla niya akong hilahin.   "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.   "Basta sumama ka na lang," sabi niya bago niya ko pinapasok sa kotse niya.   Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya. Saan na naman niya ako dadalhin? Huminga na lang ako ng malalim bago naghintay ng paghinto ng kotse niya. Ilang saglit pa ay hminto ang kotse niya. Bago pa ako makababa ay nakaharang na agad siya sa labas ng pinto at may dalang panyo.   Nagataka naman agad ako. Ano to? Kikidnapin niya ako?   "Close your eyes," sabi niya sa akin kaya naman nagtaka ako. Pero pumikit na rin ako ng itaas niya ang panyong hawak niya.   Ang dami naman niyang pakulo. Para saan na naman ito? Bakit ganitong effect pa siyang naalalaman?   Huminga na lang aako nang malalim bago nagtiwala sa kamay niyang nakahaawak saa braso ko. Inaalaalayaan niyaa ak sa paglaalakad. Paara akong nagbubuwis ng buhay paraa laang makarating kung saan man niya ako lupalop ngmundo dadalhin.   Ilang minuto pa ang lumipas nang alisin niya ang piring sa maata ko. Namangha ako sa bumungad sa akin. Ang ganda!  Nasa mataas kaming bahagi habang tanaw ang lawa at kita ko ang sunset doon. Ang sariwa pa rin ng hangin dito kaya mas lalong gumanda ang pakiramdam ko nang malanghap ko iyon.   "Did you like it?" tanong niya sa akin. Napangiti naman aako bago tumango sa kaniya.   Hindi ko napansin naa maay maaliit naa bahay paala dito kaming nadaanan. Muli akong tumingin sa kaniya. Itatanong k sana kung kanino iyon nang magsalita siya.   "Kay Mom itong rest house," sabi niyakaya naman hindi na natuloy ang pagtatanong ko. Basta ang sarap sa pakiramdam ngayon. Nakaka-relax ng utak.   Muli kong dinama ang sariwang hangin.    "Mukha kasing na-stress ka na, " natatawang sabi niya. Hindi ko iyon pinansin at kumuha agad ako ng litrato.   "Bakit ang hilig mong kumuha ng litrato?" nagtatakang taanong niya sa akin.   Tuumingin naman ako sa kaniya ng seryoso. Bago ao nagsalita.   "Para matandaan ko sa buhayko na may ganitong pangyaayari," sagot koo naman sa kaniya. Nakita kong nagtataka siya kaya ngumiti ako para hindi na siya magtanong pa.   Pero nagulat ako ng huminga siya ng maalalim. Agad naman akong tumingin ng nagtataka sa kaniya.   "I was remembered someyhng like this annd to that photo," sabi niya kaya naman nagtataka akong tumingin muli sa kaniaya haabang hinihintay ang susunod naa sasabihin niya.   "May problema kaa ba?" tanong ko sa kaniyaa. First time ko siyang makitang ganito.    "Probema ng magulang ko ay prroblemaa ko rin,:" sabi niya pa. Mukhang malalim ang pinaghuhugutan niya.   Hindi kasi halata sa kaniya na may problema siya dahil lagi siyang nakangiti.   "I was twenty years old twhen my dad left us," sabi niya kaya naman na-curious ako bigla.   "Then after a year, he's came again. But I know that they will never get back to the old them," sabi niya pa. Seryoso lang akong tumingin sa kaniya.   "Until now, I was found out that he has another woman," sambit niya bigla naman akong kinurot dahil nataman ako.   Tumingin naaman siyaa sa akin kaya natigilan ako. Nagulat ako ng ngumiti siya. Paano siyaa nakakangiti ng ganiyan?   "Masyado kang seryoso," natatawang sabi niya pa. Kaya naman agad na tumaas ang kilay ko. Ginagago ba ako nito?   "So, hindi totoo ang lahat ng sinabi mo?" tanong ko sa kaniya.   "Of course, totoo yon. My Dad is on his mistress. Uuwi siya sa amin kung gusto niya," sabi niya pa.   Hindi na ko nakakapagsalita pa. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong sabihin. Dahil isang katulad ko ang kalaban niya. Sa isag katulad ko na kabit, nasira ang pamilya niya.   Nagbalik ako sa reyalidad nang bigla niyang kurutin ang ilongko naa ikinagulat ko naman.   "Huwag mo masyadong isipin iyon. Matatapos rin ang lahat ng problema nila," sabi niya habang natawa.   Tinignan ko naman siya kahit na hindi ko alam kung tama pa bang makipagkaibigan ako sa kaniya?   Nagulat ako nang muli niyang hawakan ang kamay ko at hilahin niya ako papasok sa may rest house. Mas lalo akong nagulat nang makapasok ako at makita ko ang loob noon. Hindi ko inaasahan na malaki pala ang loob. Kaya naman natahimik lang ako sa ganda ng loob ng rest house nila.   Sinamahan ko pa siyang mag-ikot. May maliit na kusina kang makikita sa dulo. Pero malaki ang sala. Kapag dumungaw ka sa bintana ay makikita mo ang lawa. Ang ganda ng loob hindi mo aakalain na ganito kaganda dahil kung titignan sa labas ay para lang siyang maliit na bahay.   Napalingon naman ako sa likod ko nang makita ko siyang nakaupo lang habang nakatnaw sa ibang bahagi ng bahay.   Kung anu-ano na naming iniisip nito. Kaya naman nakaisip ako ng paraan para mawala ang iniisip niya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD