KRESHA'S POV
"Ma'am, kape niyo po," sabi ni Kris at inilagay ang kape ko sa table.
"Thank you," nakangitng sambit ko habang inaabangan ang tawag ni Vince. Kagabi isang text lang ang na-recieve ko sa kaniya at tulog na ako noon kakahintay ng text o tawag niya.
Busy ba talaga siya?
Hinigop ko ang mainit na kape bago tumayo. Nagsisidatingan na ang mga trabahador para ayusin ang ibang part ng coffee shop. Bukod sa pinapa-renovate ko ay pina-expand ko rin. Sayang rin ang space na pwede pang magamit.
Pabalik na sana ko ng upuan ko nang makita ko si Mr. Reyes. Agad naman akong natigilan. Anong ginagawa niya dito?
"Good Morning!" bungad niya sa akin agad akong napatingin sa kaniya.
Kahit na gusto kong tanungin ano ang ginagawa niya dito nanahimik na lang ako. Costumer pa rin siya kahit na anong gawin ko.
Ayoko namang mareklamo ang coffee shop ko dahil lang sa personal na problema ko sa kaniya.
Ngumiti ako ng matipid bago nilagpasan siya.
"Galit ka pa rin sa akin?" nakangiting tanong niya. Kahit na di ako nakatingin ay ramdam ko sa tono ng boses niya.
"I'm sorry, Im busy right now," sabi ko sa kaniya at ngumiti ng matamis.
Ano ba kasing ginagawa niya dito?Bakit ba ang hilig niyang sirain ang araw ko? Bumalik ako sa upuan ko at binuksan ang laptop ko. Muli kong binalikan ang cellphone ko at tinignan iyon. Wala pa rin siyang text o tawag. Nagdadalawang isip ako kung tatawgan ko ba siya o hindi.
Ayoko namang ipakita na masyado akong nagseselos sa asawa niya. Ayoko rin isipin niya na nagtatampo ako dahil maghapoin at magdamag ay dalawang text lang ang natanggap ko galing sa kaniya.
Wala akong magagawa dahil ito ako. Hindi ako ang legal kaya wala akong karapatan na magereklamo.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ko binalika ang cellphone ko sa bag ko.
Hayaan ko na nga muna. Baka marami siyang ginagawa sa office. Ayoko naman na nakaka-istorbo ako sa trabaho niya,.
Mag-focus na lang siguro ako sa coffee shop ko ngayon dahil ang damingh dapat asikasuhin. Napatingin ako sa gawi ko nang makita kong nakatingin siya sa akin.
Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa harap ko kaya anman napatyingin ako sa kniya ng wala sa oras. Tinignan ko siya nang nagtataka. Anong problema niya?
Nagulat ako ng ilapag niya ang isang ballot ng pandesal sa harap ko na may kasamang coco jam.Napataas ang kilay ko.,
“Mukhang stress na stress ka. Umaga pa lang. Masarap ito ipares sa kape,” nakangiting sambit niya kaya naman muli kong tiningnan ang pandesal na nasa lamesa.
“Thank you,” sambit ko at kinuha iyon. Nang mahawakan ko ay mainit pa ang pandesal. Bigla kong naalala si Vincent. Ito kasi ang palagi niyang sinasabi sa akin. Mahilig rin siya sa pandesal na may coco jam.
Kakagat n asana ako ng mapansin kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Bigla akong napatigil at dahan-dahang kumagat. May saltik ba siya? Bakit ba nakatitig siya? Anong meron?
“About what happened yesterday, you can visit the farm today. Kung hindi ka busy,” nakangiting sambit niya habang nakatingin sa akin. Tumingin naman ako ng seryoso sa kaniya.
“Wala nang gaanong tao ngayon, so makaakbisita ka ng malaya na hindi nakikipagsiksikan sa iba,” nakangiting sambit niya.
“I will try,” maiksing sagot ko bago ako muling kumagat ng pandesal. Nakatingin pa rin siya kaya anamn inalok ko na siya.
“Kain?” tanong ko sa kaniya nagulat ako ng kumuha siya ng isa. So kaya pala siya nakatingin lang sa akin dahil gusto rin niya?
“Hindi ka ba nag-almusal?” tanong ko nang mapatigil siya sa ginagawa niya.
“Kakain n asana ako, kaso nakita kita. Baka mas gusto mong kumain kaya binigay ko,” sabi niya habang nagpatuloy sa pagsandok ng coco jam. Bigla naman akong nahiya dahil almusal pala niya ito kinuha ko pa.
“It’s okay, we can share,” sabi niya at nakangiti sa akin bago niya kinain ang pandesal.
Hindi ko tatanggihan ang offer niyang ito. Masarap naman talaga. Bigla ko tuloy na-miss si Vince. Siya lagi ang kasabay kong kumain nito sa umaga. Kumain lang kami ng tahimik habang busy na nakatingin sa labas.
“So, hihintayin kita. Ako mismo ang mag-tour sa iyo,” nakagiting sabi niya.
Ngumiti na rin ako. Hindi naman pala siya pilyo gaya ng iniisip ko. Mabait siya kahit papaano.
“Thanks for the pandesal,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Bigla naming nagbago ang nakangiting mukha niya kanina. Bigla itong naging seryoso. Abnormal ba siya? Kung kailan ako ngumiti tsaka naman siyia nagging ganiyan.
Yan ang problema ko sa kanoiya. Minsan talaga di ko mabasa ang nasa isip niya. Nakakaloka siya.
“Ang ganda mo pala kapag nakangiti?” tanong niya habang seryoso pa ring nakatingin sa akin.
“Loko!” nahiya naman ako bigla sa sinabi niya. May pagka loko lang talaga siya.
Nagulat ako ng pisilin niya ang ilong ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
“Ngumiti ka na lang para lagi kang maganda,” sabi niya kaya naman mas lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
So, hindi pala ako maganda kapag naka-seryoso? Siraulo yon ah!
“Maghihintay ako,” sabi niya bago lumabas ng coffee shop.
“As aka!” sigaw ko pa bago ngumiti at umupo sa chair.
“Mukhang close na kayo ni Kyle, Ma’am,” sabi niya. Nagulat naman ako nang Makita ko siyang nasa likod ko.
Nakita niya ba ang pagngiti ko? Bakit ba ako nangiti? Natatawa kasi ako sa kaniya.
“Hindi naman, he just inviting me on farm,” sabi ko pa bago umupo. Napansin kong may natirang isang pandesal. Kaya naman kinain ko na iyon bago lumamig.Isang piraso na lang di pa niya kinain.
Matapos kong kumain, napagdesisyonan kong pumunta muna sa hotel. Magbihis muna ako bago ako pumunta sa farm. Hihiramin ko na lang siguro ang kotse. Mas gusto ko kasi ang mag-drive para ma-feel ko ang paligid.
Mabilis akong nakarating sa hotel at naligo ulit. Nanlalagkit na kasi ako. Nakakahiya naman kung didiretso ako sa farm nang amoy pawis. Nang matapos ay paalis n asana ako nang Makita ko si Kyle na ansa lobby.
Anong ginagawa niya dito?
“Kyle? Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko. Paano naman niya nalaman na andito ako?
“I’m here to fetch you,” sabi niya na ikinagulat ko.
“So paano mo nalaman na andito ako? Isa pa, may dala akong kotse,” sabi ko sa kaniya. Nagulat ako nang biglang pumasok si Jay. Kaya napataas ang kilay ko. So kakuntsaba niya pala niya si Jay?
Wala na akong lusot, gusto ko mang tanggihan nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papasok ng kotse.
No choice kaya pumasok na ako. Tahimik kaming umalis nang hotel nang magsalita siya.
“Kailan ka uuwi ng Manila?” tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit naman gusto niyang malaman?
“Hindi ko pa alam, after ng renovation,” sagot ko dahil yun talaga ang plano ko. At alam na iyon ni Vince.
Hindi na siya nagtnaong pa at nag-focus na lang sa pag-drive. Hindi ba siya napapagod? Ang layo ng bahay niya at farm niya dito para sunduin pa ako.
May pagka-weird talaga siya. Gaya ng karaniwang ginagawa ko ay tumingin ako sa labas at nilasap ang hangin. Nakaka-overwhelm lang kasi na makalanghap ako ng ganitong hangin lalo na at ilang lingo lang naman ako dito.
Hindi ko napansing nakarating na pala kami. Nang makarating ay agad akong bumaba. Nagulat ako ng nakasara ang farm. Napatingin ako sa kaniyahabang nagtataka.
“Bakit naksara ang farm?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Dahil alam kong darating ka, baka aayw mo ng maraming tao kaya temporary close muna siya,” sabi niya at itinuro ang nakasulat sa gate. Dumaan naman kami sa likod kung saan nadaan ang mga tauhan.
“Loko ka! Bakit mo ginawa yan? Ayo slang sa akin na may mga tao,” sabi ko pa sa kaniya.
Tumingin siya sa akin bago muling nagsalita.
“Hindi ba umalis ka kahapon dahil maraming tao?” tanong niya sa akin kaya naman bigla kong naalala ang nangyari kahapon.
Umalis ako dahil naiinis ako sa kaniya. Napapikit na lang ako.
“Busy ako kahapon, sumakit rin ang tiyan ko. Kaya hindi na ako nakapag-tour,” pag-deny ko sa kaniya bago ngumiti ng napipilitan.
“Kaya buksan mo na, hindi mo kailangan gawin yan. Sayang ang kikitain ng farm mo,” sabi ko pa at naglakad.
“Sigurado ka?” tanong niya ulit kaya naman ngumiti ako bago tumalikod. Nakakahiya naman. Tinarayan ko pa siya kahapon. Tapos ipapasara niya pala ang farm para lang makapag-tour ako.
Nakakahiya talaga!
Nakarating ako sa mga café. Naglakad-lakad ako habang tinatanaw ang mga puno sa di kalayuan. Ang sarap sa pakiramdam. Parang gusto ko ditong manirahan.
“Gusto mo mag-harvest?” tanong niya habang may dalang basket. Bigla akong na-excite. Matagal ko na kasing pangarap na mag-harvest sa mga farm gaya nito. Ngumiti ako bago kinuha ang basket. Sinundan ko naman siya kung saan kami mag-harves. Pero hindi ako nagpahuli at kumuha agad ako ng pictures.