CHAPTER 4

1595 Words
KRESHA's POV Maaga akong gumising para sana mag-jogging. Since alas-otso pa naman ang meeting ko ay minabuti ko nang mag-ikot-ikot muna dito sa baba ng hotel. Busy ako sa pagja-jogging ng biglang tumunog ang cellphone ko. Huminto ako sandali para sagutin ang tawag. "Good Morning, Hon," sabi niya sa kabilang linya. "Good morning, Hon. Nandito ako sa field," sabi ko naman sa kaniya bago umupo sa malapit na bench. "Did you ate you breakfast?" tanong niya pa kaya naman napangiti ako dahil sobrang concern niya sa akin. "Not yet, maybe after this," sagot ko naman sa kaniya. "But -" "Yes, Hon. I will eat breakfast. After this, okay? Don't worry," nakangiting sambit ko pa kahit na hindi niya naman ako nakikita. "Okay, Hon. I need to go now," sabi niya. Natigilan naman ako nang patayin niya ang call. Napangiti ako ng mapakla. Dahil alam kong hindi naman talaga aalis. Alam kong andon ang asawa niya kaya niya pinatay agad ang tawag. Muli kong nilagay ang cellphone ko sa blusa ko bago ako muling nag-jogging. Nilakasan ko ang tugtug ng earpods ko para makalimutan ko sandali ang nangyari. Wala kong karapatang magreklamo. I'M JUST HIS MISTRESS. Nagpatuloy ako sa pag-jogging kahit na may namumuong luha sa mata ko. Misan iniisip ko. Kung hindi ba nagkasakit si Papa ay mangyayari ang bagay na ito? Utang ko ang buhay ng Papa ko kay Vincent. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ang Papa ko. Kaya unti-unti rin nahulog ang loob ko sa kaniya dahil sa kabaitan niya. Never siyang humingi ng kahit na anong kapalit. Hindi ko intensyong manira ng pamilya. Pero ang sabi niya ay hindi na sila maayos ng asawa niya noong mamatay ang panganay na anak nila. Nagloko rin ang asawa niya kaya hindi na siya umasa pang magkakabalikan sila. Hindi lang niya sinabi sa anak niya dahil ayaw niyang lumaki ang anak niya ng sira ang pamilya nila. Kaya nagtiis ako sa sitwasyon namin. Hindi ko na siya kinulit pa dahil ayokong ma-pressure siya. Nang marating ko na ang dulo ng field ay tumigil ako. Muli kong tinignan ang cellphone ko. Nakita ko ang oras kaya naman agad na akong nagmadali papasok ng hotel. Muntik ko nang makalimutan ang oras. May meeting pa pala ako ng alas-otso sa mismong farm. Nang makapasok ay nagpahinga ako bago ako nag-asikaso. Ayokong ako ang ma-late sa first meeting namin. After an hour nakapag-ayos na rin ako. Sinuot ko ang komportable na damit ko. Farm naman ang pupuntahan namin kaya okay lang na di formal attire. Maya-maya ay lumabas na rin ako pero hindi pa man ako nakakalabas ng elevator nang biglang tumuog ang cellphone ko. Nakita ko naman na si Kris ang natawag kaya agad ko iyong sinagot. "Kris?" anong ko sa kabilang linya. "Ma'am, nasa labas na po si Jay, hinihintay kayo. Siya na po ang bahalang maghatid sa inyo sa coffee farm," sabi niya. Matapos naming mag-usap, nagpaalam na ako. Paglabas ko ng hotel ay bumungad sa akin si Jay. Pinagbuksan niya pa ako ng kotse bago ako pumasok. Habang tinatahak namin ang daan patungong Farm, naaliw ako sa mga dinadaanan namin. Ang sarap ng hangin na nalalanghap ko. Na-miss ko talaga ito kaysa sa Manila na puro pulution ang hangin. Matapos ang ilang oras namin sa biyahe, napatingin naman ako sa kaniya nang bigla siyang tumigil sa pag-drive. "Jay?" nagtatakang tanong ko sa kaniya habang hinihintay na sumagot siya. "Ma'am, Andito na po tayo. Hindi po tayo pwedeng pumasok sa loob dahil puno rin ng mga sasakyan ng torista," sabi niya kaya naman bumaba na ako. Pagbaba ko, umihip ang sariwang hangin na dumampi sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam na makalanghap ako ng ganito. Maya-maya pa ay may lumapit sa amin kaya naman napatingin aklo sa kaniya. "Miss Castro, I'm Ariane Vargas. My Dad's busy that's why I'm the one who's here," nakangiting sambit niya pa kaya naman napangiti ako sa kaniya. "Ah yes, he said it yesterday," nakangiting sagot ko naman sa kaniya. "So, let's go? Since the owner of this farm is already here," sabi niya na ikinagulat ko. Agad akong napatingin sa relo ko. Wala pang alas-otso. Hindi ako late sa usapan namin. Bakit ang aga naman ata? Nakita ko naman na nakangiti siya sa akin bago muling nagsalita. "Don't worry, Miss Castro. Maaga lang siyang dumating rito dahil ang aga ng ibang torista na dumating. But it's okay," nakangiting sambit niya pa. "Oh, I see," nakangiting sambit ko sa kaniya bago kami pumasok. Namangha ako nang makita ko ang loob. Kahita na marami ang sasakyan na ankapark ay hindi naman kami nahirapan dahil malawak naman ito. Nang makapasok kami ay mas lalong namangha ang mata ko dahil sa nakita ko. Ang lawak at ang ganda. May mga cafe naman dito sa loob kaya pwedeng kumain ang mga torista dito. "What do you think, Miss Castro?" tanong niya. Medyo nailang naman ako sa sinabi niya. "Kresha na lang, wala pa naman tayo sa meeting." sabi ko sa kaniya. Isang pagngiti naman ang ginawa niya. "Okay po," nakangiting sabi niya sa akin bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso kami sa isang Cafe. May isang table na nakahanda rito para sa amin. "Miss Kresha, pwede po bang maghintay muna tayo saglit dahil may kausap pa po siya sa kabilang cafe?" tanong niya sa akin. "Sure, no problem," nakangiting sagot ko sa kaniya bago ako tumingin sa kabilang side ko. Ang ganda ng tanawin. May mga torista rin na nagiikot sa bawat lane ng farm. Hindi lang pala coffe farm ito. Marami ring mga gulay ang nakatanim at hina-harvest nila. "Mamaya pwede natin ikutin ang farm," nakangiting sambit ni Ariane. Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya bago muling tumingin sa labas. Ang presko ng hangin dito ang sarap sa pakiramdam. Nakakagaan ng feelings lalo na at ang lungkot ko ngayon. "Are you okay?" tanong ni Ariane kaya naman napalingon ako sa kaniya. "Yes," nakangiting sagot ko bago muling tumingin sa mga torista. Ang totoo, medyo kinakabahan ako na ma-meet ang may-ari ng farm. Hindi ko alam kung bakit Kaya inaaliw ko ang sarili ko s amga torista na nakikita ko para naman mawala kahit papaano ang kaba ko. Wala naman sigurong pangit na mangyayari. Ayoko lang ng may maging issue kami. Mabait naman raw si Mr. Reyes. Nagbalik ako sa reyalidad nang magsalita si Arianne. "Miss Kresha andito na si Mr. Reyes," sabi niya kaya naman umayos na ko para sana maghanda. Inayos ko ang srili ko bago humarap sa kaniya at inabangan ang pag-dating niya. Pero nawala ang mga ngiti ko nang makita ko kung sino ang Mr. Reyes na tinutukoy niya. "Ikaw?!" sambit ko. Nakita ko na naamn siyang ngumiti nang makita ako. "Miss Kresha, kilala mo siya?" tanong ni Arianne sa akin. Nakatingin lang ako ng nagtataka sa kaniya. "You again," sabi niya habang nakangiti sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil kahit na gwapo siya hindi uumbra sa akin ang mga ngiti niya. "Mr. Reyes she is Miss Kresha. The owner of EKF coffee shop," sabi ni Arianne. Umayos ak bago tumignin ng tuwid sa kaniya. "Nice to meet you, Mister Reyes," nakangiting sambit ko kahit na naiinis ako na ankita ko siya. "Nice to meet you too, Miss El," nakangiting sambit niya kaya naman natigilan ako sa sinabit niya. "What?" tanong ko sa kaniya. Tama ba ang pagkakarinig ko na El ang tinawag niya sa akin? "Miss Kresha," pag-ulit niya habaang nakangiti. Ang weird niya. El ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Imposible namang alam niya ang first name ko? Bihira ko ipalagay iyon lalo na kung hindi naman gaanong importante ang mga documents. Tinignan ko pa rin siya ng naguguluhan. Nakangiti lang siya kaya naman kita ang dimples niya at nakangiti rin ang mga asul na mata niya. Nagsimula kaming mag-usap. Maayos naman ang bawat pagsasalita niya at kilos niya. Mabuti na lang at hindi niya ako kinulit gaya ng nasa airport kami. Mr. Kyle Reyes pala huh? Nang matapos kami ay akmang lalabas na ko ng farm nang bigla siyang nagsalita. "Aalis ka agad? Hindi ka ba muna dito iikot? I can tour you," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin. "No, thanks. Nagmamadali na rin ako," sabi ko pa at umalis na. Hindi ko na hinintay pang magsalita siya. Baka kung ano na anaman ang sabihin niya. Kasasabi ko lang kanina na ayoko ng may issue kami ng may-ari pero ito pala. Hindi pa kami nag-meet ay may issue na agad. Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa parking lot ay sinalubong agad ako ni Jay. "Ma'am, akala ko po ay mag-iikot muna kayo sa Farm?" tanong nyia kaya naman lumingon ako. Ang ganda sana rito mag-stay kaso ayoko siyang makita. Dahil ayokong ma-stress sa kaniya ng bongga. "Next time na lang, two weeks pa naman ako dito," sabi ko sa kaniya bago pumasok ng kotse. So kaya pala same flight kami ng lalaking yun dahil siya pala ang ka-meet ko? Kung alam ko lang na siya ay hindi ko na pina-adjust ang flight ko. Pinapaayos ko kasi ang coffee shop ko rito. Kaya matatagalan rin ako dahil matagal na iyon at hindi ko pa rin napapaayos dahil busy ako. Andito na rin naman ako bakit hindi ko na lang asikasuhin habang hindi pa ako nauwi sa Manila. Napatingin ako sa cellphone ko. Nalungkot aklo ng walang text o missed calls akong nakita. Busy siguro si Vince. Napangiti na lang ako ng mapait. Bago ibinalik sa bag ko ang cellphone ko at tumingin na lang sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD