Chapter 4

2177 Words
Nasa mukha ni Brandon ang pagkabagot na para bang kanina pa siyang naroon at naghihintay. Tuloy ay napatingin ako sa wristwatch ko. Wala pang limang minuto noong mag-alas singko. Saan ba siya galing? Kung sa trabaho ay malamang na five din ang out niya. At kagaya ng sinabi niya kaninang umaga, magkaiba ang way namin sa trabaho kaya papaanong nandito na siya kaagad? Ako ba talaga ang sinusundo niya? Pero kung hindi ako, sino naman? Sa pagnguso ni Brandon ay napatingin ako sa magkabilaang gilid ko. Marami ang dumadaan ngunit lahat sila ay nilalampasan lang ako. Hindi na maiwasan na mangunot ang noo ko. Ano 'to, pinapasundo na naman ba ako ni Kuya? Pero akala ko ba ay kina Travis at Trevor niya ako hinabilin? Bakit nandito si Brandon? Siya pa tuloy itong pinagkakaguluhan ng tatlo. Hindi lang sila dahil may iilan sa mga babae ang napapatingin sa kaniya. Sa porma ba naman nito. Nakasandal ang likod niya sa gilid ng kaniyang sasakyan. Nakapamulsa naman ang dalawang kamay niya. Ang white button down shirt niya ay bagay na bagay sa kaniya. Humahapit iyon sa kakisigan niya kung saan pa ay nakatanggal ang dalawang paunang butones sa suot niya. Kita ang sumisilip niyang dog tag necklace. "Wew? Si Shantal? Wala siyang boyfriend, ah?" asik ni Diana at saka pa ako nilingon. "Oo nga! Bawal 'yang mag-boyfriend! Pero ako pwede, ehehe..." ani Francine. "Ako rin. Mine mo na ako, walang bayad. Free lang," dagdag ni Hazel. Ako yata ang nahihiya sa pinaggagagawa nilang tatlo ngayon. Bakit ba sila ganiyan? At bakit ba kasi ang gwapo ni Brandon para sa kanila? Oo at gwapo nga siya. Ang buhok niya na medyo mahaba na ay sumasabay sa ihip ng hangin. Seryoso ang mga mata niya, may halong pagkairita. Hindi ko alam kung saan siya naiinis, sa akin ba o sa tatlong kaibigan ko. Matangos ang ilong ni Brandon na kung hindi ako nagkakamali sa pagkakadinig kina Kuya ay may lahi siya. Mapula at manipis ang kaniyang labi. At mas lalong nakakaloka ang pagkakadepina ng panga niya na gaano man iyon natatabunan ng maliit na balbas ay tanaw ko ang pagkakaigting no'n. Sobrang mature niyang tingnan. Kaedad lang siya ni Kuya, siguro ay nasa early thirties na siya. Pero kahit mga kabataan ay mukhang nagkakagusto sa kaniya. Gaano man siya ka-badboy tingnan ay head turner pa rin siya. Kitang-kita ang mga tattoo niya sa braso dahil sa pagkakatupi ng polo niya hanggang sa siko. Hindi ko alam kung kailan pa ako naka-appreciate ng itsura ng isang lalaki, kay Migs naman kasi ay hindi naman. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na pumuri ng lalaki maliban sa mga kpop idol ko. Malakas akong napatikhim upang bawiin ang poise ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako hindi humihinga. Mayamaya pa nang malingunan ko ang gilid ko kung saan ay may huminto roon na pinapantayan ang pagkakatayo ko. Nakita ko si Migs, rason para manlaki ang mga mata ko. Hindi ko siya nakita ngayong araw kaya akala ko ay hindi siya pumasok. Magkalayo kami ng department pero minsan o palagi siyang gumagawi sa cubicle ko para kumustahin ako. Iniiwasan ba niya ako? Well, wala naman iyon sa akin dahil hindi ko naman iyon napapansin. "Migs!" tawag ko rito nang mabilis din siyang lumiko para makalayo. Napakurap-kurap ako. Galit ba siya? Galit ba siya dahil hindi ako pumayag na magpahatid sa kaniya kagabi? Tapos ay malalaman niyang sa iba ako nagpasundo? Umawang ang labi ko sa kawalan. "Are you just going to stand here and stare at him like you're jealous woman?" Baritonong boses ni Brandon ang nanuot sa pandinig ko dahilan nang pagkakaatras ko sa kinatatayuan ko. Huli ko nang natanto na nasa harapan ko siya. Mabilis ko siyang binalingan at nakita ang dobleng iritasyon sa mukha niya. Galit siya. Bakit? At ano raw? Jealous? Ako, nagseselos? Kanino? Napakurap-kurap ako hindi lang sa laman ng sinabi niya, maging sa pag-e-english niya. Ngayon ko lang siya narinig na mag-english and God knows kung nasaan na naman ang panga ko ngayon. Mas lalo siyang naging gwapo dahil doon, isabay pa na nakakunot ang noo niya. Sa paninitig niya sa akin ay ilang beses ulit akong napaatras ngunit madali namang nahila ni Brandon ang kamay ko. "Ba—bakit ka ba nandito?" usal ko sa labis na gulat. Hindi ko lang gusto na pati ako ay naaabala ng presensya niya. Kumibot ang labi niya. "Ayaw mo?" "Huh?" Nangasim ang mukha ko. Anong ibig niyang sabihin? Imbes na sumagot ay dagli siyang natawa. Napansin ko pa na matamang naghihintay sina Diana, Francine at Hazel sa susunod na mangyayari. Huminga nang malalim si Brandon. "Busy si Travis ngayon. Si Trevor naman ay nag-overtime sa Coffee Brew Project kaya pinasuyo ka nila sa akin." Hindi ko gusto pero para akong nabuhayan ng loob. Humaba ang nguso ko at ilang ulit kong pinigilan ang kagustuhan kong ngumiti. Mahina akong tumikhim at hindi na malaman kung ano na ang gagawin o sasabihin. "Kaya kung okay lang sa 'yo ay bilisan mo dahil may lakad pa ako mamaya," aniya sa seryosong boses. Natauhan ako, wala rin sa sarili nang sumama ako sa kaniya palapit sa kotse niya. Samantala ay sinundan naman kami ng tingin ng tatlo. Wala silang imik dahil pare-parehong nakanganga sila ngayon. Nakita ko ang pag-alma ni Diana nang pagbuksan ako ng pinto ni Brandon. Marahil ay gusto niyang magtanong pero nananatili silang napanawan ng kaluluwa. Malamang bukas ay papaulanan nila ako ng mga tanong. Isinarado ni Brandon ang pinto sa gilid ko at mabilis din siyang pumasok sa kabila. Wala na siyang pinalampas na segundo at kaagad niyang pinausad ang kotse paalis kaya natanto kong totoo ngang may lakad siya. Nagmamadali siya. Saan kaya ang lakad niya? Wala na akong dapat na pakialam pa roon 'di ba? Nilingon ko ang gilid ko, mula sa bintana ay tinanaw ko ang langit. Sa ganoong oras ay papalapit na ang dilim. Dapat nga ay nasa kaniya-kaniya ng bahay ang mga tao. Ano kaya ang mga ginagawa nila kapag ganitong oras sa labas? Nakita ko ang ilang establishment sa gilid ng kalsada, may mga kainan doon at puno ng mga tao. Sa iba ay mga convenience store na marami ring tao. Mga magbabarkada, may magpapamilya at mayroon ding mga couple. Kung ako siguro ang naroon ay baka ako iyong tipo ng customer na mag-isa sa gilid. Umimpis ang labi ko sa ilang natatanaw. Trabaho at bahay lang kasi ako. Literal na walang alam sa mundo. Lalo sa galaw ng ibang tao. Tahimik lang ako buong biyahe dahil wala rin naman akong masasabi. Isang beses kong binalingan si Brandon nang mapansing malapit na kami sa Villa El Amor. Dito niya ako inihahatid dahil alam niya sigurong wala akong kasama sa bahay namin. Naabutan ko naman siyang nakatingin sa akin. "Sa—saan ang lakad mo?" curious kong tanong, para rin may kasagutan ang tanong ko sa kaninang tumatakbo sa utak ko. Bumagal ang usad ng sasakyan dahil sa ilang kotse na nakapila sa harapan namin papasok sa villa. Bulgar akong tinitigan ni Brandon at halos hindi ko malaman kung dapat na ba akong mag-iwas ng tingin. "Bakit mo tinatanong?" Nagtaas siya ng kilay habang tinitimbang niya ang emosyon ko. "Wala naman. Curious lang." "Sa bar," maikling sabi niya ngunit sapat ng rason para umahon ako sa pagkakasandal ko sa passenger's seat. Buong atensyon ko ang ibinigay ko sa kaniya. "Talaga? Pwede bang sumama?" Sa sinabi ko ay dagling nangunot ang noo niya. Natanaw ko ang pagdaan ng iritasyon sa mukha niya kaya wala sa sarili nang makagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Bakit ka sasama?" Hindi naman siya nagalit bagkus ay malumanay ngayon ang boses niya. "Bawal ka roon..." "Gusto ko lang sumama. Ang saya siguro roon, ano? Sabi nila Diana, sa bar din daw ang punta nila," tuluy-tuloy kong pahayag. "Pero bawal ka roon," pagpupumilit niya. "Kung isasama mo ako, hindi mo naman siguro sasabihin kay Kuya 'di ba?" Lumarawan ang pagsusumamo sa mukha ko. "Huwag mo na lang sabihin sa kaniya." Nagtiim bagang si Brandon. "Malalaman niya rin sa iba. Parang hindi mo alam na nagre-report ang mga guard at katulong sa bahay ninyo kapag sinabi kong doon ka tumuloy ngayon." Sa narinig ay nawalan ako ng pag-asa. Bumagsak ang balikat ko at nag-iwas ng tingin. Napasimangot ako. Bumalik ako sa pagkakasandal ko at humalukipkip. Mayamaya lang nang magulat na lang ako dahil imbes na pumasok sa villa ang kotse ay mabilis niya iyong pinaharurot. Nilampasan namin ang villa kaya nilingon ko iyon sa bintana. Sunod kong nilingon si Brandon na seryosong nakatingin sa harap. Nagulantang man ay sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko. Nakita iyon ni Brandon kaya mas lalo lang nagkaisa ang makakapal niyang kilay. Wala siyang sinabi bagkus ay tahimik lang niyang tinatahak ang daan. Hindi ko alam kung saan ang bar na papupuntahan niya. Tumahimik na lang din ako pero laking gulat ko ulit nang makitang huminto kami sa isang restaurant imbes na sa isang bar. Nanlalaki ang mga mata ko nang balingan ko si Brandon. Abala niyang tinatanggal ang seatbelt ngayon. "Akala ko ba ay sa bar tayo pupunta?" tila nanlulumo kong sabi. "Sa bar nga. Pero hindi naman pwede na hindi ka muna kakain," anas niya at nauna nang bumaba ng kotse. Umawang ang labi ko pero kaagad ko ring binuksan ang pinto sa gilid ko para sundan siya. Naunahan niya ako at ngayon ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Lalo lang akong naliyo nang magkatapat kami. "May contact ako ng guard ninyo. Baka kaya ko siyang pakiusapan," pahayag ni Brandon. "Ba—bakit ka may contact nila?" Kumurap-kurap ako nang makitang nakadungaw siya sa akin. Hanggang dibdib lang ako ni Brandon kaya masakit sa batok ang pagkakatingala ko sa kaniya. Siya naman ay nakayuko habang tinititigan ako. Wala siyang expression kung 'di panlalamig. "Hindi ko rin alam," sabi niya at saka hinila ang kamay ko papasok sa restaurant. Sumunod ako sa kaniya. Sa paglalakad namin ay nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang hawak-hawak ang wrist ko. Hindi naglaon nang igiya kami ng isang waitress sa isang bakanteng upuan na good for two person. Mabilis lang siyang um-order, alam niya ang mga pagkain doon na parang palagi siyang nandito. Hindi ko lang alam kung siya lang ba mag-isa, o may mga kasama pa siyang iba. Matapos umalis ng waitress ay tiningnan niya ako. Magkatapat ang upuan namin. Sa pabilog na lamesa ay tila ba hindi sapat ang espasyo namin sa gitna dahil nahihirapan akong huminga. Minabuti ko na lang din na pasyalan ng tingin ang paligid. Maganda ang nasabing restaurant, isang fine dining restaurant. May iilan ng tao roon at hindi punuan. Marami sa kanila na purong naka-business attire na mukhang rito pa sila nagkasundo na mag-meet. Wala akong makita na mga babaeng mas mababa ang edad sa akin. Mas marami pa rin ang mga lalaki roon, may iba naman din na kaedad ko lang pero kagaya ni Brandon ay mukhang abala rin sa buhay-trabaho. Sa paglinga-linga ko ay ramdam ko ang mainit na paninitig ni Brandon sa akin na damang-dama ko pang tumatagos iyon sa katawan ko. Lihim akong napalunok at piniling yumuko na lang. "May first date ka na ba?" biglang tanong niya na naging mitsa para matulala ako sa mga kamay kong nasa kandungan ko. First date? Paano ako magkakaroon kung wala naman akong boyfriend? Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniya pero laking pagpipigil ko sa sarili. Ayokong ipangalandakan sa kaniya na para akong bata na nangangapa sa galaw ng mundo kahit pa alam kong may idea na siya. "Hindi ko alam kung... date bang matatawag iyon..." Naalala ko na madalas akong sinasabayan ni Migs kapag lunch break at sa tuwing nangyayari iyon ay dinadala niya ako sa isa ring restaurant. "Lalaki ba?" Nag-angat ako ng tingin kay Brandon. Titig na titig siya sa akin at matamang naghihintay ng sagot ko kaya tumango ako. Kaagad namang umigting ang panga niya at tumalas ang paninitig niya sa akin. "Dalawa lang kayo?" segunda niya. Tumango ulit ako. "Saan? Kumakain kayo sa labas ng building ninyo?" Muli ay tumango ako. "Alam ba ito ni Leo?" marahas ang pagsasalita niya, rason para pagtinginan kami ng ilang kalapit na mesa. Nanlaki ang mga mata ko. Napansin ko ang galit sa parehong mata ni Brandon. Ewan ko kung para saan iyon pero nauna na akong kabahan dahil na rin sa tanong niyang iyon. "Hi—hindi. Hindi naman na siguro niya dapat pa iyong malaman. Isa pa, wala lang naman iyon sa akin. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, hindi ko masabi o maituring na date iyon dahil wala naman akong nararamdaman kay Migs." "Migs..." pag-uulit niya na sa hinaba yata ng sinabi ko ay iyon lang ang narinig niya. "Promise, wala talaga!" histerya ko at natatakot nang baka isumbong niya ako kay Kuya. "All right. Naniniwala naman ako." Kumibot ang labi niya kung saan ay sumilay pa roon ang multo ng isang ngiti. "But as of now, this serves as our first date. Ito lang dapat ang ituturing mong first date mo. Ito lang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD