Nagising si Andy dahil sa ingay ng cellphone niya. Napatingin siya sa may bintana at nakitang madilim pa. Kinuha niya ang cellphone para tingnan kung anong oras na, nakita niyang alas-onse pa lang ng gabi. Tiningnan naman niya kung sino ang tumatawag at agad na sinagot nang makitang si Savanna ito. “Hello, Savanna, napatawag ka?” Nagtaka siya nang hindi ito agad nagsalita. Napaupo na lang siya nang marinig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya. “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?” sunod-sunod niyang tanong dito. Nagising din si Alec nang marinig nito ang boses niya. “Babe, what happen? Who’s that?” tanong nito habang kinusot-kusot nito ang mga mata. “P-Pwede mo ba akong sunduin ngayon, Andy?” Humihikbi na naman ito ngayon. Mas lalo tuloy siyang nag-aalala sa kaibigan

