“Sigurado ka na bang maayos ka na, Babe?” tanong ni Alec kay Andy habang namamasyal sila sa paborito nilang park. Magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad. Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang umuwi siya sa bahay nila pero hanggang ngayon ay nagtatanong pa din ito kung maayos na ba talaga siya. Palagi nitong sinisiguro na maayos na talaga siya. Bahagya naman siyang natawa. “Ilang ulit mo na ‘yang tinatanong sa akin, Babe. Hindi ka ba nagsasawa?” Napabuntong-hininga ito. “I just wanted to make sure that you’re okay now. Baka kasi mamaya ay hindi ka pa pala okay.” Hinaplos niya ang pisngi nito saka ngumiti. “I am fine, okay?” Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa din siya dahil alam niyang labis ang pag-aalala nito sa kanya noong nakaraan. Tumingin siya sa harapan. “Tangga

