Kinagabihan ay ang party na sa club house ng beach nila Joshua. Iba’t-ibang klase ng alak ang nakahilera sa lamesa at kaniya-kaniyang drinks na lang ang pwedeng kuhanin. Ang mga pinsan at mga kaibigan ni Joshua ay hindi naman ganoon karami pero sapat na para maging sobrang saya ng gabi na ‘to. Siguro ay mga nasa singkwenta kaming katao na narito ngayon sa club house. May DJ din at sobrang lakas ng tugtugan. May ibang guests din naman na narito sa beach ngayon pero ang club house ay exclusive muna para sa amin ngayong gabi kaya bawal na may pumasok na hindi kakilala. “Iinom ka ba ng marami? This will also be the first time na makakasama kita sa isang party,” sambit ni Joshua. “You know that I can’t drink too much for now since I need to maintain my body. Marami pa namang next time na maka

