Why am I here again?
Inikot ko ang tingin ko sa buong lugar. "Why do I keep on coming here?" tanong ko sa sarili. Iba na naman ang damit ko. This is a man's clothing again. I looked at the other side of the bed and see nothing but myself.
I saw myself in the mirror. Sabog na ang mukha ko dahil sa magulo kong buhok. I am not wearing my bra again. Hinanap ko ang damit ko pero hindi ko makita. I was about to curse when I saw again the beautiful girl.
Parang nawawala talaga ang problema at alalahanin ko kapag nakikita ko ang painting na iyan. Tumayo ako at lumapit sa painting. How can someone paint his future daughter and why do I feel like I am the mother of that daughter because of her face?
"Pretty, right?"
I couldn't agree more because it is really pretty. "And it kind of looked like me," dagdag ko sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin. I can't see emotions on his eyes, he is just staring at me.
"Why are you staring at me like that?" I asked with a hint of inis dahil sa titig. Naalala kong wala nga pala akong bra. Tatakpan ko na sana ang dibdib ko pero naisip kong hindi pala dapat. I will seduce this man to get that painting.
"You are not quiet pretty and you looked like you have just come out from a 5 rounds s*x," seryosong sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"What?" I asked horrifically. What is he saying? Is he insane? Anong kagagaling lang sa s*x? This man is exaggerating everything.
"Are you planning to stay here for long?" tanong niya. Naalala kong condo niya nga pala ito kaya umiling ako.
"Where are my clothes?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako pwedeng lumabas na nakaganito lang. Tama na iyong kahapon. Hindi ko kasi namalayang hindi pala ako nakapagpalit ng damit at damit niya ang naisuot ko nang lumabas ako.
Mabuti na lang at may mabait na ginang sa elevator. She handed me a jacket that could cover my almost naked body kaya medyo nawala rin ang hiya ko. "And I have a clothes here kahapon," sabi ko sa lalaki.
"In my closet," seryosong sabi niya. His closet? Bakit naman nandoon sa closet niya? Sinundan ko siya ng tingin nang umiwas siya ng tingin. Akala ko ay pupuntahan niya ang closet niya pero lumabas lang ito ng kwarto.
Ngayon ko lang din napansin ang basa pa niyang buhok. So, he just took a bath? Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya at pinakialaman na lang ang mga gamit niya rito sa loob. Wala siyang balak sabihin kung saan ang closet niya e 'di ako na ang bahalang maghanap.
I opened the other door which I know is not a bathroom. I can already tell which one is his bathroom here. When I opened the other door I saw a collection of his shoes. Different kinds of shoes but it only has one color. Black.
Kaya hindi ko rin napansin kanina na bagong ligo siya ay dahil sa itim na naman ulit ang suot niyang damit. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang mga damit ko dahil ito lang naman ang naiibang kulay sa closet niya.
Pumasok na rin ako sa banyo niya para maligo. Mabilis lang ang ginawa kong ligo dahil nakakahiya na. Kinuha ko na rin ang natitirang damit ko sa closet niya dahil alam kong hindi na ako makakabalik dito.
I was about to look for my phone pero nakita ko ang bag ko sa sofa. My phone is in there. Hindi ko alam kung nasaan na ang car ko. Maybe nasa bar pa iyon. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta na naman dito.
As far as I can remember ay nasa sasakyan pa ako. And then the next thing I know is that nagising na lang ako sa kama niya. Nang lumabas ako sa kwarto niya ay kita ko ang tingin niya sa bitbit kong damit.
"I am going," paalam ko. I don't want to say things because I don't really like talking especially if I don't like the person pero kailangan kong magpaalam sa kaniya bilang pasasalamat sa pagbantay sa akin.
He didn't say anything kaya lumabas na ako. I will get that painting but not now. Huwag muna sa ngayon. I need to think of a clever plan first.
Nagulat ako nang makita ang kotse ko sa baba. I was about to open it when I realized I don't have the key with me. Hinanap ko rin sa bag ko kung naipasok ba but I didn't see anything kung hindi card at phone ko lang and a lipstick.
I am sure that, that man has my key. Bumalik na naman ako sa itaas para puntahan siya. Hindi man lang sinabi nang hindi na ako pabalik-balik pa. Isang pindot ko lang ng doorbell niya ay lumitaw na agad ang mukha niyang walang emosyon.
I handed my hand to him. "In the room," sabi niya at pumasok. Akala ko ay kukunin niya pero hindi. Ilang minuto akong naghintay sa labas pero wala akong nakitang mukha niya. Nang tuluyan na akong pumasok ay nakita kong nagluluto siya ng pagkain niya.
Bwiset talaga.
Padabog akong naglakad papasok sa kwarto niya. Mabilaukan sana siya mamaya. Inis akong lumingon sa kaniya at napailing na lang. Gago talaga. Hindi man lang ako binigyan ng pansin. It's like he doesn't care at all.
Hindi muna ako umalis at pinagmasdan lang siya sa ginagawa niya pero hindi siya lumingon sa akin. Parang hindi niya ako napapansin o sadyang ayaw niya lang talaga akong pansinin.
Naupo na lang muna ako sa maliit na sofa niya dahil napagod ako sa pagbalik dito. Almost of the interior design of this condo is black. He likes black that much, huh? Hindi ko na napansin na maayos na pala ang lahat.
Tapos na siya at kita ko ang kaunting gulat sa mukha niya nang makita ako. I showed no emotions at all. Bagay na bagay nga talaga sa kaniya ang black because black has no emotions at all like him.
Walang sabing umalis na ako sa condo niya. "Ciao, mi amigo," mahinang sabi ko nang makalabas na. Hoping na sa susunod na araw ay hindi na ako makakabalik pa rito.