Paano kung mapunta kami sa parehong mundo?

530 Words
Nagsimula kaming magkakilala ni Ace noong gabing nilibing mga magulang ko. Lasing ako nun at halos wala sa sarili. Akala ko totoo kasi umiiyak padin ako eh. Bigla akong nadapa sa lupa habang may lalaking tumatakbo at nasagi ako. "Ano ba yan di kasi tumitingin sa daanan!" Padabog kong sabi habang pinapagpag ang shorts ko. "Sorry miss nagmamadali kasi ako." Sagot niya. Tinulungan nya akong makatayo at pagkatingin na pagkatingin ko sa mukha niya biglang nanghina ang tuhod ko. Para bang naging jelly ace sa lambot nito kaya bumagsak ulit ako. "Isay talaga bang mauubos natin yan?" sabay turo ni Ara sa mga pinamili naming inumin ni Mara. "Ano kaba mare para ka namang hindi nagmana sa tatay mong manginginom" hagikhik na sagot ni Mara sakanya. Madalas tumatambay si Mara dito sa bahay kaya naging close nadin sila ng best friend ko. "Dalian natin ha? Gusto ko ng matulog eh". Sabi ko sa sakanila. Pagkatapos makaubos ng ilang bote umakyat nako sa kwarto ko at nagpaalam na matutulog na. Gusto g gusto ko na makita si Ace at tanuning anong ginawa nya at nangayari yun kanina. Dati nung pangalawang gabi kong napanaginipan si Ace. Akala ko baliw na 'ko o akala ko multo siya at nagpapakita siya sa panaginip ko. "Bat ba andito kana naman sa panaginip ko?" Sigaw ko sakanya dahilan ng pagkagulat nya. "Ikaw na naman? Teka, naalala mo 'ko kagabi?" sagot nya. "Oo naman no! Gulat ako pag gising ko may mga pasa sa tuhod ko dahilan ng pagkabangga mo sakin!" Padabog kong sagot. Pero bakit? Natatandaan namin ang isa't isa. Sa lahat ng taong napanaginipan ko siya lang ang bukod tanging hindi blurred ang mukha. "Love naeexcite talaga ako kanina nung makita kita" Ace. "Pero pano mo nagawa yun love?" Sabi ko sabay hawak sa kamay niya habang naglalakad kami sa daan na walang katapusan. "Hindi ko din maexplain love eh. Habang nag ddrive ako sa mundo ko nakita ko yung restaurant na kung saan ka nagttrabaho tapos pumasok ako." Nagtatakang sagot nya. "Love iba yung mukha mo. Yun siguro yung mukha mo sa mundo mo." Ngiti ko. "Hindi love gulat ako hindi mo 'ko nakilala kaya pala iba pala mukha ko nung nagkita tayo. Oo nga pala love bakit ka nahimatay kanina? Tapos bigla nalang sumakit ulo ko tapos pag mulat ko nasa kotse na ulit ako." Sabi nya. Love sa totoo lang hindi ko din alam. Hindi ko din alam anong nangyari. Mukha ayaw talaga tayo pagtagpuin ng tadhana. "Ma'am okay napo ba kayo?" Tanong ng guard ng resto namin. "Opo kuya okay na po ako. Salamat po" ngiti ko sakanya. Pag pasok ko nakita kong pinapagalitan si Mara ng boss namin. "Saan kaba kumukuha ng kapal ng mukha na pumasok sa trabaho na amoy alak pa?!" galit na sabi nito. Dali dali akong pumunta para sana depensahan si Mara pero biglang may lalaking lumapit sakanya at hinila ang kamay nito. "Wag na wag mong pagtataasan ng boses ang kapatid ko!" aniya turo sa boss ko. Nagulat kaming lahat at pag tingin ko kung sino yun tapos biglang nagsalita si Mara "Ano ba dito kapa magiiskandalo iuwi mo nalang kaya ako Ace" sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD