HINDI MAINTINDIHAN ang nararamdamang pagkailang dahil sa dalawang taong nasa unahan. Naglalakad sila na parang mag-ina, habang nasa likuran ako ng mga ito.
"What do you want for lunch, Shantie?" masuyong saad ng ginang.
"How about chinese cuisine, tita?"
Mapapanisan na yata ako nang laway sa kakasunod sa kanila ngunit para lamang naging hangin ang papel sa pagsama sa dalawa.
"Oh, Zarina! Ayos lamang ba sa'yong doon kumain?" tanong ng matandang babae.
"O-Opo."
"Tita, I'm a bit tired because of these shopping bags," anito saka itinaas ang dalawang kamay na mayroong bitbit na pinamili.
"Maybe we could call the driver or...oh, Zarina, puwedeng ikaw na lamang magdala ng mga shopping bags? Madali kasi talagang mapagod 'tong inaanak ko."
"S-sige po."
"Thanks, ninang!"
Padarag na binigay sa'kin ang gabundok na pinamili ng dalaga, kalaunan ay umabrisiete sa braso ng ginang saka dumiretso kami sa kainan na napupusuan ng mga ito.
Madaling inasiste ng mga tagasilbi pagkatapos ay iginiya sa malaking mesa, doon ay sari-saring pagkain ang inihain sa'min. Hindi ko malaman kung anong gagamiting kutsara dahil ang mayroon lamang doon ay manipis na kahoy. Hindi pa 'ko nakakakita ng kahit anong tulad ng mga ginagamit nila.
"I'm really starving, Tita Marian. I might eat a lot of it!" ani Shantal na ikinatawa naman ni Donya Marian.
Pinapanood ko lamang sila habang pinaghiwalay ng mga ito ang kahoy saka ginamit upang makakuha ng pagkain sa hapag. Napapalunok ako subalit hindi makakibo sa dalawa, sapagkat panibagong kahihiyan na naman ang sasapitin.
"Bakit hindi ka kumakain, hija? Ayaw mo ba ang pagkain?" anang matandang babae kapagkadaka.
"Maybe she doesn't know these food, ninang?" saad ng dalaga saka tumaas ang gilid ng labi animo nanunuya.
"H-hindi po ako m-marunong gumamit nang..."
"Oh, that's sad," ani Shantal.
Walang kibong tumawag ng waiter ang ginang upang kuhanan ako ng kutsara at tinidor. Ilang oras na halos nagtagal sa restawran ngunit hindi kinakausap ng dalawa, maging sa buong durasyon na naroroon kami sa naturang lugar, hanggang sa nagpasiya na lamang na bumalik sa mansiyon.
"Zarina, mag-ingat ka sa pagdadala ng mga shopping bags ko. Mahal ang mga 'yan," kapagkadaka'y saad ni Shantal.
"O-oo."
"Shantal, hija. Did you call my son?" putol ng ginang.
"Yes, tita. I told him to go home early. Sinabi ko rin na isinama natin si Zarina," anito habang nanunuya ang klase ng tingin sa gawi ko.
Hindi malaman kung dapat matuwa sa pagsama sa kanila o pagsisihan ang mga nasayang na oras dahil walang ginawa ang dalawa lalo ang dalaga kundi pahirapan sa mga bagay na mayroong kinalaman dito. Tulad na lamang ng pagdadala ng mga pinamili ni Shantal, maari namang ibigay sa drayber ngunit mas nasisiyahan ang babaeng nakikita akong nagkakanda hirap sa pagdadala ng mga ito.
Mabilis kaming nakarating sa mansiyon at kaagad bumungad si Ma'am Lydia mula sa tarangkahan, kalauna'y naunang lumabas sina Donya Marian kasunod si Shantal. Samantala, nahuli sa dalawa sapagkat binitbit kong lahat ang mga pinamili nang dalaga upang ipasok sa sala. Doon ay panandaliang nahinto dahil naabutang kayakap ni Derreck ang babae habang kababakasan ng kasiyahan ang mukha ng ginang na sadyang nakatunghay lamang sa gilid. Hindi maiwasang may bumundol na kirot sa puso, ngunit mabilis na isinantabi ang mga iyon upang 'di na tuluyang makadagdag sa nararamdamang panibugho.
Nang mapansin ng binata ay mabilis pa sa alas-kuwatrong bumitaw si Derreck saka marahang inilayo si Shantal. Kapagkadaka'y sinalubong ng lalaki, halos kumunot ang noo at kaagad dumiretso ang mga mata sa kasalukuyang bitbit.
"Bakit ikaw ang nagbibitbit niyan? Kaninong mga shopping bags 'yan?" pambungad na tanong ni Derreck animo hindi nagustuhan ang nasaksihan.
"Uh, a-ano...Derreck." hindi magkandatuto saka nag-aalinlangang tumingin kay Shantal rason upang lalong lumalim ang gidgid sa noo ng binata .
"Hijo, I was the one who asked some favor from Zarina," ani Donya Marian ngunit hindi maipinta ang hitsura habang nakatingin sa kinatatayuan ko.
"No, tita. Don't you ever patch lies for the sake of that girl. Naging mabait lamang si tita, si Zarina talaga ang nakiusap na siya ang magdadala ng mga shopping bags ko. She insisted it." anang babae kasabay nang pagtaas ng kilay.
"Totoo ba 'yon, Zarina?" balik-tanong ni Derreck.
Hindi halos makakibo ngunit akmang sasagot at pabubulaanan sana ang lahat sapagkat ayon sa turo ni Nanay Luisa noong nabubuhay pa, dignidad at pagiging matapat na lamang ang mayroon sa'ming mga kapos palad kaya hangga't maari, kailangang itama ang lahat at hindi puwedeng magsawalang kibo.
"Naku, Zarina! Sinabi ko naman sa'yo, ako na'ng magbibitbit nitong mga pinamili nina Ms. Shantal, para ilipat sana sa kabilang sasakyan. Nabigatan ka pa tuloy..." singit ni Ma'am Lydia mula sa kung saan.
"W-wala naman po kayong sinabing..."
"See? We didn't ask anything from her instead she volunteered. In fact, Tita Marian was trying to be close to Zarina," muling tugon ni Shantal habang nakapameywang.
Kumibit-balikat lamang ang matandang babae tila sumasang-ayon sa tinatahing kasinungalingan ng kaniyang inaanak. Kahit hindi maintindihan ang mga sinasabi nila'y malakas ang kutob na panay hindi totoo ang mga iyon, ngunit upang hindi na lumaki ang gulo ay nagsawalang-kibo na lamang.
Nag-aatubiling kinuha ng mayordoma ang mga dalahin saka mabilis na lumigid patungo sa nakaparadang sasakyan ng mga ito.
"Kumain ka na ba?" masuyong tanong ni Derreck 'tila iniba na lamang ng binata ang usapan upang hindi na masyadong lumaki ang isyu.
"We actually ate. Tingin ko naman nasarapan si Zarina sa mga pagkaing ini-order ko. 'Di ba, hija?"
"Uh, o-opo. M-maraming salamat po, D-donya Marian."
Ngumiti si Derreck sa ginang. Samantala, taliwas sa mga mata ni Shantal na halos tumirik dahil sa mga pinapakawalang irap.
"Walang ano man, hija."
"Salamat, mama." anang binata.
'Di maiwasang mangamba dahil hindi ko kakikitaan ng sinseridad ang mga ipinapakita ng matanda. Kahit anong pangungumbinse sa sariling magugustuhan ng ginang, tila mas malabo pa yata sa katotohanang kailanman hindi magiging kabilang sa estadong nais para sa'kin nang lalaking mimamahal.
"And son, we're about to leave. Bumisita lamang kami nitong si Shantal, para makita ka at maka-bonding na'rin si...Zarina," anito saka matamang tumingin sa gawi ko.
Nagpaalam si Shantal at walang pakundangang yumakap sa binata, habang hinarap ako ng ginang saka sapilitang nakipagbeso subalit ni hindi man lamang dumikit ang pisngi.
"Take care of my son." aniya ngunit natigilan ng mayroong ibulong ang ginang bukod sa mga salitang iyon matapos manatiling nakadikit sa'kin.
"Mabuting umalis ka na bago pa maging miserable ang buhay mo." bulong ng matandang babae ngunit nang lumayo ang ina ni Derreck ay awtomatikong masuyo ang ngiting naka-plaster sa labi kabaligtaran ng mga pagbabanta nito.
Halos 'di makaimik hanggang sa tuluyan silang makaalpas. Maya-maya'y pumulupot ang mga bisig ni Derreck sa beywang mula sa'king likuran saka malambing na humalik sa balikat.
"Masaya akong nakikita kang nakikisama kina mama'. Darating ang panahon, magugustuhan ka rin nila, honey."
Bahagyang lumingon sa binata saka nagkunwaring masaya at positibo ang namumuong samahan ngunit sa likod ng isip ay katakut-takot na agam-agam dahil mas alam sa sariling hindi lamang 'yon ang maaaring sapitin.
ARAW NG SABADO, walang pasok ang binata kaya't nagpaabiso si Derreck na dadalaw sa mansiyon ng mga magulang. Humiling ang inang tumungo ang lalaki sa kanilang pamamahay sapagkat mayroong kaunting pagsasalo kasama ang ilang mga kaibigan ng Vera-Garcia mula sa kinabibilangang alta-sosyedad.
Hindi halos mapakali sa loob ng maliit na silid sapagkat nagpasiya si Derreck na muling isama sa pagsasalo. Tahasan ang aking pagtanggi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot sa pangyayari noong huling dumalo sa kasiyahan nina Donya Marian.
Naputol ang pag-iisip nang marahang kumatok ang binata mula sa nakapinid na pinto.
"Aalis na tayo, Zarina. Handa ka na?" tanong nito.
"S-susunod na..."
Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay inayos ang gusot sa suot na bestida saka sinabayan ng malalim na paghinga bago tuluyang tumungo sa nakaparadang sasakyan. Halatang kanina pa nakaayos ang lalaki at tanging ako na lamang ang kaniyang hinihintay. Matapos lumulan ay mabilis binuhay ng drayber ang makina.
"Huwag kang mag-alala, mabilis lamang tayo do'n. Gusto lamang ako makita ni mama at papa', pagkatapos no'n ay uuwi na rin tayo sa mansiyon."
Hindi ako kumibo imbis ay marahang tumango bilang tugon. Ayokong isipin ng mga magulang ni Derreck na inilalayo ang kanilang anak dahil hindi sila sang-ayon sa pakikipagrelasiyon ng lalaki sa isang tulad ko.
KALAUNAN AY matiwasay kaming nakarating sa mansiyon, magmula pa lamang sa bungad ay may mangilan-ngilang mga sasakyang nakaparada tulad noong huling pagsasalo. Biglang nabalik ang kabang pumupuno sa puso dahil sa pamilyar na senaryo, subalit nahinto ang mga negatibong iniiisip nang mayroong mainit na palad na humaplos sa'king pisngi.
"Hindi na ulit mangyayari 'yon, Zarina. Ipinapangako kong hindi ako aalis sa tabi mo. Tara?"
"D-derreck..."
Masuyong inalalayan palabas ng sasakyan, kapagkadaka'y dumiretso kami sa bulwagan kung saan makikita ang ilang mga panauhin. Mayroon akong namukhaan na sadyang dumalo noon sa pagsasalo, kung kaya hindi maiwasan na maging kakaiba ang klase ng tinging ipinupukol sa'kin.
"Mr. Garcia, I'm very much happy to see you," anang isang lalaking nakasuot ng disenteng coat.
"No pressure, Mr. Montenegro." anang binata saka masuyo akong inilapit sa kaniya.
"I heard about the rumors. My daughter Bridgette, was also in awe when she discovered about your affair with..." anito kalauna'y tumapon ang tingin ng matanda sa gaw ko. Bahagyang tinignan ang ekspresiyon ni Derreck.
Nakatiim-bagang at tila nagpipigil sa maaaring takbo ng kanilang usapan. Kuryosidad ang pumupuno sa'king utak kung ano ang mga sinasabi ng ginoo.
"If you'll excuse me, Mr. Montenegro. Mukhang mas dapat mong tutukan ang problema at kasong kinakaharap ng angkan mo laban sa mga Xi, bago ang ibang bagay."
Tumawa ng pagak ang matanda ngunit kakikitaan ng pagkadismaya ang kaniyang mukha bago nagpaalam sa'ming dalawa, o mas tamang sabihing kay Derreck lamang.
"D-derreck, ayos ka lamang ba? Anong sinabi sa'yo ng lalaking 'yon?" nag-aalalang saad ko sa binata ngunit imbis sagutin ang aking tanong ay lumambot ang ekspresiyon ng lalaki, saka mabilis lumapat ang kaniyang mga labi.
"Wala, tungkol lamang sa negosyo."
Tinunton namin ang pinakagitnang bahagi ng mansiyon kung saan naroroon ang mag-asawang Garcia kasama ang inaanak na si Shantal. Lumipad ang mapang-uyam na tingin sa gawi ko, maging ang ilang mga ginang na nasa umpukan.
"Hijo, I'm glad you came here," paunang bati ni Donya Marian.
Iginiya ang binata palapit sa kanilang sirkulo, samantala naiwan akong nakasunod lamang sa bandang likuran kahit panay ang lingon ni Derreck upang alalayan palapit sa kaniya.
"My son, I want you to meet, Facundo Urduja of Urduja Corporation." ani Don Raul.
"Nice meeting you, Facundo." magalang na tugon ni Derreck.
Hindi ko malaman kung saan ipapaling ang tingin, sapagkat bigatin ang mga taong nasa umpukan. Lalong nadepina ang malaking agwat ng estado naming dalawa sapagkat hindi ko halos maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.
"Would you like to introduce the young lady beside you?" anang tinawag na Facundo.
"Oh, I would like you to meet my---" nakangiti ang binata.
"Facundo, I'm very much elated to know that you've spent time with us. By the way, here's my inaanak...Shantal Magno."
Nakuha ang buong atensiyon ng lalaki maging ang mga kasamahan sa umpukan.
"Derreck, hijo... your Tita Magda wants to greet you," muling tawag ni Donya Marian.
Hindi malaman ng binata kung sino ang unang iintindihin, rason upang panandaliang lumayo muna sa sitwasiyon.
"Zarina, I'm really sorry. Kailangan ko lamang lapitan sina Tita Magda," bulong nito.
Kinukumbinse ng binatang makisalo sa umpukan ngunit ako na mismo ang kusang tumanggi kaya't tuluyang iginiya ng matandang babae si Derreck patungo sa mga panauhin. Para akong nginangatngat nang selos lalo't mapapansing ipinapares si Shantal sa kasintahan. Tutol man ang isip subalit walang magagawa dahil sa kakapirasong katayuan o papel sa buhay ng lalaki.
Bahagyang lumayo sa mga bisita saka naghanap nang mauupuan upang sa gayon ay hindi makakuha ng kakaibang atensiyon sa mga naroroon.
"Tequila or vodka, miss?"
"A-anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong sa lalaking tumabi sa'kin sa gilid.
"Hindi mo na 'ko nakikilala?"
Matamang tumingin dito, saka lumiwanag ang bukas nang aking mukha ng mapagtanto ang pamilyar na binata.
"Andrew? Tama! Ikaw si Andrew!"
"You got it right. Anong ginagawa mo rito sa gilid? Nasaan si Garcia?"
Natahimik nang mabanggit ang pangalan ng kasintahan.
"Nakikipag-usap sa mga kamag-anak niya."
"I see. Gusto mo bang umupo muna sa gilid habang naghihintay kay Derreck?"
"P-puwede?"
Ngumiti ang binata saka marahang hinawakan ang aking bisig para alalayan sa mga upuang nakapuwesto sa gilid. Para akong nabunutan ng tinik nang makakita ng kakilala sa naturang pagtitipon bukod sa kasintahan. Masayang kausap si Andrew dahilan upang malibang sa kaniyang mga kuwento ngunit naputol ang masayang huntahan nang mayroong pumwesto sa'ming harapan.
"Well, well, the tiny mice is playing while the cat is not around!" sarkastikong saad ni Shantal kapagkadaka.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Who are you, miss?" singit ni Andrew na tila naguguluhan na'rin sa mga nangyayari.
"Pinapatunayan mo lamang kung saan ka talaga nanggaling, Zarina. Paano na lamang kung malaman ni Derreck na habang nakikipag-usap siya sa mga kamag-anak niya, nandito ka sa gilid at nakikipagharutan sa isa pang malaking isda."
"Watch your language, lady..." pagtatanggol ni Andrew ngunit imbis magpatinag ay lalong tumawa ang dalaga.
Naging mas malala ang sitwasiyon at tampulan nang bulungan, hanggang sa nagkaroon ng komusiyon nang lumapit ang ina ni Derreck.
"What is it again? Nagpapasimula ka na naman ba nang kaguluhan, Zarina?"
"H-hindi ko po alam ang mga sinasabi ninyo..." nabubulol na saad sa matandang babae.
"Look, Tita Marian. She's flirting with some other guy. One of Apostolos, would you believe?" tumaas ang sulok ng labi nito.
"Tignan mo nga naman. Napapabilib mo 'ko, hija. Alam na alam mo kung sino ang kakapitan mo..." anas ni Donya Marian habang nababahiran ng sarkasmo ang kaniyang tono.
Mahahalata sa mukha ni Andrew ang labis na pagkadisgusto sa kung paano nila pagsalitaan dahilan upang hawakan ng binata at akmang ilalayo sa dalawa subalit natigilan kami.
"Dude, you should know your territory." seryosong saad ni Derreck na nanggaling mula sa likuran nina Shantal.
Lumuwang ang hawak ni Andrew nang magsalita ang binata. Maya-maya'y naramdaman ko ang padarag na paghila ni Derreck sa'kin palayo sa kaibigan nito.
"Dude, we're just catching up. I didn't do anything to Zarina," paliwanag ni Andrew ngunit bingi na yata ang binata dahil sa nakakapang galit sa ekspresiyon ng kaniyang mukha, dahilan para lumayo ang kaibigan nito.
"I just saw Zarina, flirting with him." anas ni Shantal kalaunan.
"I can't believe this, hijo. Harap-harapan pa talaga ang kawalang moral ng babaeng 'yan! Don't tell me you're going to tolerate this?"
"H-hindi po totoo 'yan, kaibigan ko lamang po si S-sir Andrew."
Kitang-kita ang matatalas na irap na nanggagaling sa dalawa ngunit ang mas ikinakabahala'y ang magiging reaksiyon ni Derreck. Kayang-kaya kong lunukin ang pang-iinsulto nila, subalit kung ang lalaki na mismo ang maniniwala'y parang wala nang dapat pang ipaglaban.
"Tita Marian is absolutely right. She'll just bring disgrace to your name, Derreck."
"Will you shut up!"
"Derreck, Shantal is just concern---"
"Stop it mama! Let's go, Zarina!" mariin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng binata.
"P-pero, hijo!"
Tuluyan kaming lumayo sa pagdiriwang hanggang sa makarating sa nakapirming sasakyan.
"Sakay..."
'Di ko mapigilan ang lumalandas na luha sa'king mga mata dahil sa nangyari kanina. Parang may' kung anong bigat sa pusong nakadagan magpasahanggang ngayon sapagkat halata sa binatang naapektuhan siya ng mga masasamang paratang patungkol sa'kin.
"D-derreck, m-maniwala ka... wala akong alam sa mga sinasabi nila. S-sinamahan lamang ako ni S-sir Andre--"
"Zarina, sakay. Ayoko munang makarinig ng kahit anong paliwanag!"
Kumawala ang luha sa mata ngunit pilit inaayos ang sarili. Hindi ko alam kung paano kakalamayin ang loob lalo't ang nag-iisang taong inaasahan na dadamayan ako hanggang huli'y unti-unti na ring naniniwala sa mapanghusgang mata ng karamihan.
Nang makarating sa mansiyon ay dili kibuin ni Derreck kahit nang makapasok sa loob. Didiretso sana ang binata sa ikalawang palapag ngunit pinigilan ang huli.
"Derreck, mag-usap tayo..."
"Anong kalokohan 'yon, Zarina? Nawala lamang ako ng ilang minuto."
"Wala kaming ginagawang masama! Nangamusta lamang si Ser Andrew! Wala akong alam sa ano mang ibinibintang nila."
"Kaibigan ko pa? Zarina, ipinagtatanggol kita kina mama' at sa lahat ng mga taong nanghuhusga sa'yo, dahil kung sino man ang lubos na nakakakilala sa'yo, ako 'yon! Tapos papatunayan mo lamang sa kanila na...."
"Iyon ang hindi ko maintindihan! Kilala mo 'ko pero naniniwala ka sa kanila! Papatunayan na ano? Mababang uri ng babae? Magdalena sa gilid ng kabaret?" panunumbat sa binata habang hindi magkamayaw ang mga luhang lumalandas sa pisngi.
"I didn't say that. Ang akin lamang, sana iniwasan mo munang makipaglapit sa ibang lalaki. Mainit ka sa mata ng mga bisita nina mama." mataas ang boses ni Derreck ng mga oras na 'yon.
"Buong akala ko, iba ka sa kanilang lahat! Wala akong inaapakang tao at malinis ang konsensiya ko! Hindi ako pumapatol sa mga lalaking nagpapakita lamang ng yaman nila!"
'Di maipaliwanag ang sakit na ibinibigay ng mga salitang binibitiwan ng binata. Mas masakit palang marinig ang mga 'yon sa taong nagkaroon na nang malaking tipak sa puso mo. Si Derreck ang itinuturing kong tagapagligtas, tagapagtanggol at kanlungan ng mga panahong muntik mapariwara sa kamay ng mga taong ganid sa laman at pera, ngunit mas mahirap pala kapag pipilitin mong pumasok sa mundo niya. Doble ang putik na ibabato sa'yo ng mga kapwa nito nakatapak sa rangya ng lipunan.
Hindi na hinintay ang mga sasabihin ng lalaki dahil tuluyang tinalikuran ang binata upang magkulong sa silid. Maiging bumalik na lamang sa Santa Fe, mabuting magpakalayu-layo sa mga taong walang ginawa kundi apihin ako, pagsamantalahan ang aking pagiging salat sa kaalaman, ngunit paano?
MATAPOS ANG BUONG GABING hindi nagkikibuan, halos 'di ako dinalaw nang antok hanggang sa abutin ng madaling araw. Iniisip kung paano haharapin ang bukas kung sakaling makita ang binata.
Nagpasiyang tumungo sa beranda subalit natigilan mang makita ang lalaking nakasuot ng roba habang nakatayo sa gitnang bahagi ng naturang parte ng mansiyon. Malalim ang iniisip at parang problemado kaya't nagpasiya akong 'wag na lamang tumuloy. Akmang iiwas nang magsalita ang binata kinalaunan.
"Alam kong ikaw 'yan, Zarina..."
"M-magpapahangin sana."
Lumapit ang binata sa kinatatayuan ko dahilan upang kumislot ang puso sa kaba. Bahagyang binasa ng lalaki ang ibabang labi na lalong nagpadagdag sa kakisigan niya. 'Di maiwasang mapatulala kay Derreck, hindi talaga pumapasok sa utak na kasintahan ang ganito kakisig at mala-adonis na binata.
"Nagtatampo ka parin ba?"
Piniling manahimik sapagkat ayokong pahabain ang kung ano man ang nangyari kagabi.
"H-hindi lamang ako makapaniwalang maniniwala kang ginawa ko ang bagay na 'yon."
"Maiintindihan mo rin ako kapag natatabunan ka nang matinding emosiyon. Kapag nakita mo ang taong minamahal mo sa piling ng iba."
"Ilang beses ba 'kong dapat magpaliwanag na hin--"
"Nagselos lamang ako. Pasensiya na..." marahang litanya ni Derreck saka masuyong hinaplos ang aking pisngi.
Naamoy ko ang pinaghalong alak at pabango ng binata na lalong nagbibigay sa'kin nang kakaibang init. Tagusan ang titig ni Derreck, tila binabasa ng kaniyang abuhing mata ang bawat nilalaman ng aking kalooban.
"Zarina, patawarin mo 'ko kung napag-isipan kita ng masama. Hinding-hindi na mauulit..."
"D-derreck, m-mahal kita." mahinag usal kapagkadaka'y napayuko sa labis na hiya dahil ako ang unang umamin sa tunay na nilalaman ng puso.
"Tama ba narinig ko?"
"P-papasok na 'ko sa kuwarto, medyo inaantok narin ako..."
Nagmamadaling tumalikod ngunit pinigilan ng binata at halata ang kasiyahan sa kaniyang ekspresiyon.
"Anong sinabi mo? Gusto ko ulit marinig."
"W-Wala..."
"Zarina, gusto ko ulit marinig..." anito sabay sapo sa'king baba upang tuluyang magkasalubong ang aming mga mata.
"M-Mahal kita..."
"Hindi ko marinig..."
"Ang sabi ko...m-mahal kita."
"Mahal din kita, Zarina Gallon." masuyong saad ni Derreck habang hindi matatawaran ang ngiti. Panandaliang uminog ang aking mundo sa mga salitang itinugon ng binata na lalo pang sumidhi nang maglapat ang aming mga labi.
Ang bawat pag-arko ng kaniyang labi at mapanuksong dila na sadyang nagtatampisaw sa loob ng aking bibig ang nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa'king p********e. Maya-maya'y inilapag ni Derreck ang kopitang hawak ngunit walang patid ang labanan ng aming mga labi at mapaghanap na kamayn a dumadako sa bawat parte at sulok ng katawan.
"I wanna carry you on my bed," hingal na saad nito.
Muntik mapahiyaw ng mayroong pagmamadaling binuhat ng binata saka ipinasok sa mansiyon. Hindi magkandatuto nang umakyat ang binata at ang direksiyon ng kmga hakbang ay patungo sa kaniyang malawak na kuwarto.
"D-derreck, b-bilisan mo..." nahihibang na pakiusap sa lalaki.
"Y-Yes honey..."
Nang makarating sa harap ng nakapinid na pinto'y nagmamadaling pinihit ng lalaki ang seradura, kalaunan ay binagsak ang aking katawan sa malambot na kama.
"Akin ka lamang, Zarina. Higit sa kanino man, akin lamang..." parang nahihibang na saad ng lalaki saka kumubabaw ang bigat nang kaniyang buong katawan.
Hanggang sa nagsimulang magtampisaw sa kaligayahan ang aming mga katawan sa init ng bawat isa. Hindi ko mabilang kung ilang beses niyang inangkin sa magdamag ngunit ang tanging malinaw sa'kin ay hindi ko kayang mawala ang lalaki. Tuluyan nang nahulog ang buong pagkatao kay Derreck Vera-Garcia.
"Ohhh, D-derreck b-bilisan mo pa...ang sarap."
"You like it?" halos umungol ang lalaki sa aming pag-iisa ngunit wala na 'kong makapang salita sa hibang na sitwasyong kinasasadlakan.
Hindi malaman kung saan papaling ang ulo dahil sa kagustuhang marating ang hindi maipaliwanag na ritmong kami lamang ang nakakaalam.
"D-Derreck, ohhh! S-sige pa, bilisan mo!"
Mas umindayog ang lalaki at hindi mapigil ang kakaibang halinghing hanggang sa tuluyang maabot ang kasukdulan sa piling ng isa't-isa.
"I love you, Zarina..."
Niyakap ng binata nang buong higpit ngunit ang tangi na lamang naalala'y ang mainit nitong bisig.
NAGKAAYOS NANG TULUYAN at mas naging malapit sa isa't-isa, matapos ang nangyari ng gabing iyon. Naging bukas ako sa nararamdaman para sa binata. Matiwasay ang lahat sa'min ngunit hanggang sa una lamang pala ang kasiyahang idudulot no'n, sapagkat hindi matanggap ng mga tao sa paligid partikular ang kaniyang magulang at maging ang babaeng inirereto ng matanda para sa unico hijo ng Vera-Garcia ang lahat ng mga magagandang samahang nabuo naming dalawa.
Sinintas ko ang sapatos na binili ni Derreck at masiglang dinala ang mga bagay na dadalhin sa pagtungo ko sa opisina nang binata. Araw ng Lunes, ngunit hindi masyadong nakapaghanda ang lalaki ng kaniyang mga kagamitan. Maghapon kasi kaming naglibot sa mall at namasyal kahapon, rason upang mawala sa isip ng binatang ayusin ang mga papeles niya. Itinawag ni Derreck kanina at nakisuyong dalhin ang mga iyon kung kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa.
Lumabas sa silid at didiretso sana sa bungad ngunit natigilan nang makita ang babaeng naka-dekwatro sa sofa habang niririkisa ang mga mamahaling display sa mansiyon. Kakaiba rin ang klase ng tinging ibinibigay ng mga kasambahay rito.
"A-anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang saad sa babae.
"Di ba? Sinabi ko naman sa inyo kaibigan ko ang nakatira rito, mga mahadera!" singhal ng babae sa mga kasamahan na tila tutol sa pagtapak ng babae sa mansiyon.
"Ano sabing ginagawa mo rito?" tumigas ang aking tono.
"Ganyan ka ba sumalubong ng dati mong kasamahan sa trabaho, Zarina?"
"Nakikiusap ako, Honey...'wag kang manggulo rito. Wala kang makukuhang kahit ano."
"Hoy, teka,teka! Aba! Porket nakatira kana ngayon sa mansiyon nag-iba na 'yang ugali mo, ha? Baka nakakalimutan mo, nanggaling ka rin sa putik?" singhal nito.
Napatingin ako sa mga kasamahang nagbubulungan saka mabilis silang tumalilis sa kusina. Pinilit magpakahinahon bago matamang tumitig sa babaeng kaharap dahil hangga't maaari'y iniiwasan ko ang ano mang eskandalo.
"Paano ka nakarating dito?"
Ngumisi ng nakakaloko ang babae saka lumapit at marahang umikot sa kinatatayuan ko tila niririkisa ang aking kabuuan.
"Mukhang ang laki talaga ng nagagawa nang pera sa pagkatao mo, Zarina. Mamahaling damit, sapatos, at bag..." aniya saka bahagyang hinawakan ang kwelyo ng damit na suot bago muling humarap sa gawi ko.
"Diretsahin mo 'ko, sino ang nagpapunta sa'yo rito? Anong gusto mo?"
"Relax, mas malaking isda ang nabingwit ko kaysa sa'yo kaya 'wag kang masyadong atat. Dinalaw lamang kita, huwag kang mag-alala..."
Matagal kaming naglabanan ng tingin bago ngumisi nang nakakaloko ang babae pagkatapos ay sinukbit ang dalang bag. Tumaliko si Honey at akmang tutungo sa hamba ng pinto ngunit sumulpot roon ang nakaposturang ina ni Derreck.
"Hi Zarina, nagkausap na ba kayo nang kasamahan mo sa trabaho?" tanong nito ngunit hindi kakikitaan ng kahit anong sinseridad sa mga salita.
"Naku, Madam', salamat pala sa pagdala sa'kin dito. Mukhang maayos naman ang buhay ng kaibigan ko rito kumpara sa casa. Naka-jackpot ng isda..." ani Honey na binuntutan pa nang tawa.
"Really?" nakalarawan ang pandidiri at nang-uuyam na tingin ngunit parang naumid ang dila ko para depensahan ang sarili.
Nanatili sa puwesto hanggang sa magpaalam si Honey, halos gusto kong lumubog sa kinatatayuan ng mga oras na 'yon. Naiwan na lamang ang matandang babae na kasalukuyang inaayos ang mga naka-display sa sala. Hindi ko maiwanan ang ginang dahil baka maging negatibong impresiyon na naman patungkol sa'kin ang maari niyang ibato.
"Derreck Vera-Garcia, gaano mo kakilala ang anak ko?" anito kapagkadaka.
Hindi ako makakibo at parang naestatwa sa kinatatayuan sapagkat hindi magawang sagutin ang tanong ni Donya Marian.
"Alam mo Zarina, hindi ako nag-aalala noong una kitang makita dahil kilala ko ang anak ko pagdating sa babae. Madali siyang magsawa sa kahit anong bagay, lalo sa babaeng..." nahinto ang dapat sana'y sasabihin nito saka tuluyang humarap sa kinatatayuan ko.
"Katulad mo. Pero masyado yata kitang minaliit, masyado ko yatang minaliit ang kakayahan mong paikutin ang anak ko."
"M-Mahal ko po ang anak ninyo...m-mahal ko po si--"
"Pinapatawa mo ba 'ko, hija? Alam nating dalawa kung ano ba talaga ang gusto ng mga babaeng katulad mo..."
Gusto ko na lamang lumubog sa lupa dahil sa kahihiyang tinatamasa sa kamay ng ina nang lalaking minamahal.
"Sabihin mo sa'kin kung magkano, para matapos na 'to. Nakakabahala na masyadong nagtatagal ang kahibangan ng anak ko sa babaeng walang breeding."
Kumuha ang ginang ng malapad na papel saka mayroong sinulat na kung ano roon. Halos maestatwa at panay patak na lamang ng luha ang tanging nagpapagising sa'kin sa katotohanang kailanman hindi maaaring maging pantay ang aming estado.
"H-Hindi ko po matatanggap 'yan. M-Mahal ko po ang anak niyo..."
"Ayaw mo nang limang milyon? Sige, dagdagan natin..."
"H-Hindi po..."
Kitang-kita ang pagtiim-bagang ng matanda dahil sa'king pagtanggi subalit walang dumapong kamay sa'king pisngi bagkus ay walang pakundangang umalis na lamang ito ngunit tumatak ang mga salitang iniwan ni Donya Marian.
"Hindi ka kailanman magiging katulad namin. Hindi rin magtatagal, anak ko mismo ang magpapalayas sa'yo sa mansiyong 'to..."
Matapos makaalis ang ginang ay parang nanghina ang tuhod at basta na lamang napasalampak sa sofa. Di maproseso ng utak ang mga pagbabantang narinig sa matanda. Halos tulala sa kawalan ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas nang mapaigtad dahil sa tawag mula sa kabilang linya.
"Hello?" pamilyar na boses ang rumehistro.
"D-Derreck?"
"Hon, kanina pa kita hinihintay rito sa opisina. Akala ko ba pupunta ka ng maaga?"
"Ah, pasensiya na...p-paalis na nga sana ako." pinipilit maging normal ang tono ng boses.
"Ayos ka lamang ba? Hihintayin kita rito kasi po na-mimiss ko na si Mrs. Garcia." anang lalaki sa malambing na boses dahilan upang matawa ngunit kabaligtaran sa mga matang dinadaluyan ng luha.
"M-miss na din kita."
"Mas miss kita..."
Matagal bago ako nakasagot sa binata dahil pinipilit ang sariling kalamayin ang loob.
"S-sige na, aalis na 'ko."
"Sure, honey."
Nang naputol ang linya ay doon pa lamang ibinuhos ang tinatagong luha at hagulgol dahil iisipin ko pa lamang na mawawala ang binata'y para yatang tatakasan ng katinuan.
'Mahal na mahal na mahal kita, Senyorito'