--
Tagusan ang aking titig sa kabuuan habang nakatingin sa sariling repleksiyon mula sa tapat ng mamahaling sasakyan ng binata. Kanina pa hindi mapakali dahil sa nalalapit na pagtungo sa mansiyon ng mga magulang ni Derreck. Hnihintay ang lalaki na sadyang nasa loob at kasalukuyang kinukuha ang biniling regalo para sa mga ito.
"Let's go?" anang binata kapagkadaka.
"D-derreck, kinakabahan ako,"
Masuyong ngumiti lamang ang binata bilang tugon, hinawakan ang siko upang alalayan papasok sa nakaparadang sasakyan. Habang-daan ay nanatiling walang kibo sapagkat 'di komportable lalo sa suot na panyapak, maging ang hapit na kasuotan ngunit ang mas ikinakabahala'y ang magiging reaksiyon ng mga taong madadatnan sa kasiyahang iyon.
"Ayos ka lamang ba?" putol ni Derreck habang nakatutok ang mga mata sa dinaraanan.
"N-natatakot ako sa magiging kalalabasan nito,"
"Nakilala ka na rin naman ni mama' noon. Nagsabi ako sa kanila bago tayo pumunta sa party,"
Mababakas ang kalmadong ekspresiyon sa kaniyang mukha saka mahigpit nitong hinawakan ang nanlalamig na kamay. Hindi maaaring maitago ang totoong nararamdaman ngunit imbis kumibo ay pinilit libangin ang mga mata sa mga nagtataasang gusali.
Vera-Garcia Mansion
Natanaw ko ang malaking mansiyon na lalong nakadagdag sa pag-alala. Halos sumisigaw ng karangyaan ang bawat sulok ng pamamahay. Ni hindi ko rin maihakbang palabas ng sasakyan ang mga paa dahil sa literal na panginginig ng tuhod.
"Relax, Zarina. Everything will be fine," turan ng binata.
Tulad nang dati'y wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Derreck ngunit kung ang pagbabasehan ay ang kaniyang mga kilos, masasabing kinakalamay nito ang aking kalooban.
Nang tuluyang makarating sa tapat ng malaking gate ay kaagad naulinagan ang malakas na tugtugin, mamamataan din maging mga magagarang sasakyan na halos pumuno sa malawak na hardin ng Garcia. Parang nakalutang ang mga paa habang papasok sa solar ng mansiyon, kapagkadaka'y idinantay ni Derreck ang kaniyang braso sa balikat tila nagbibigay suporta.
"D-Derreck, gusto ko ng umuwi," anas ko.
"Zarina, tumingin ka sa'kin. Wala kang dapat ikabahala, nandito lamang ako,"
Akmang aatras ngunit mariing niyapos ng binata saka marahang iginiya sa pinakaloob, hanggang salubungin kami ng mga kasambahay na sadyang nakatoka sa pag-aasiste ng mga panauhin.
"Magandang gabi po, senyorito," bati ng isang matandang naka-uniporme.
"Yaya Sonya, ang tagal po nating hindi nagkita,"
Inalis ni Derreck ang braso mula sa pagkakadantay upang yapusin ang ginang. Mababakas ang kasiyahan sa mukha nito ngunit natigilan ang matanda ng magawi ang mata sa kinatatayuan ko.
"Yaya, si Zarina po, girlfriend ko," pagpapakilala ni Derreck na halos walang makakapang pag-aalinlangan sa tono.
"Nobya mo? Aba'y nagbibinata na yata talaga ang alaga ko!"
Naputol ang huntahan nang masiglang batiin ni Manang Sonya, doon pa lamang nakahinga ng maluwag lalo't magiliw ang bukas ng kaniyang mukha. Kalaunan ay tuluyang dumiretso sa sala kung saan naroroon ang pinaka-sentro ng pagsasalo.
"Where's mama' and papa?" tanong ng binata.
"Nasa loob, kasama ang kaniyang mga amigo at amiga. Nariyan din ang mga kaibigan mo, hijo!" imporma ni Manang Sonya.
"Thank you, yaya!"
Masuyong inalalayan ni Derreck sa beywang, sapagkat halata ang pagiging hindi komportable sa suot na sandals dahil medyo may kataasan nga ang takong, idagdag pa ang kahihinatnan ng mga mangyayari mamaya.
Nang makarating sa bungad ay hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga matang nakatutok sa'ming dalawa. Halos nakuha namin ang atensiyon ng lahat maging mga kaibigan ng binata. Hindi makatingin ng diretso sa mga panauhin at ang tanging nagpapabalik sa'kin sa huwisyo ay ang mahigpit na hawak ni Derreck sa isang kamay.
"D-Derreck, umuwi na lamang tayo. Nakikiusap ako,"
"Shh. Don't worry, honey, I won't ever leave you," pang-aalo nito.
Nahihiyang inilibot ang paningin sa mga taong naroroon, ngunit ang unang napansin ay ang mga magulang ng binata at ang babaeng nasa tabi ng ina ni Derreck. Si Shantal.
Pinagpapawisan ang aking noo at nanginginig sa kaba ang aking mga labi lalo nang tuluyang nakalapit sa mga ito, animo mayroong mga naghahabulang daga dahil sa malakas na kabog ng dibdib.
"Mama, Papa, I'm glad you came back home," mababanaag ang kaseryosohan sa tono ng binata.
Nagtinginan ang dalawang matanda ngunit mas naunang nakabawi ang ginang. Napilitang ngumiti ang ina ni Derreck saka marahang niyakap ang anak, subalit naiwan ang mga mata ni Donya Marian sa gawi ko. 'Di ko malaman kung saan ipapaling ang buong mukha dahil sa kahihiyan at takot.
"By the way, Mama, you happened to meet Zarina, right?"
Naiilang na tumango ang ginang tila sinusukat ng tingin ang aking kabuuan.
"Yeah, I remember her,"
"Who is this young lady?" anang ama nito.
"She's my girlfriend, Papa,"
Natigilan ako nang kunin ni Derreck ang aking kamay saka mahigpit na dinama. Kitang-kita ang lumarawang gulat sa mukha ng mag-asawa ngunit kaagad ding nakabawi. Hindi ko malaman ang marapat sabihin sa mga taong naroroon, lalo sa mga magulang ng binata.
"Ah, I see," muling saad ng ginoo.
"Hi Zarina,"
Bumati ang ina ng binata ngunit halatang napipilitan lamang base sa kaniyang ekspresiyon. Ni hindi malaman kung matutuwa o lulukot ang mukha ng donya.
"K-Kumusta po kayo?"
"I'm fine, hija, I'm just curious, if where did you two meet?" diretsang nakatingin ang ginang sa kinatatayuan ko ngunit napayuko dahil sa totoo lamang hindi maintindihan ni isang sinasabi nito.
"Uhm, she was introduced by my friend and kinda helped her to find a better career here in Manila,"
Mahahalata ang nagdududang tingin ng mga magulang ni Derreck ngunit hindi na lamang kumibo, hindi rin maalis ang tagusan at tila nanunukat na mga mata. Sa mga oras na iyon ay parang gusto kong lamunin ng lupa dahil sa mga mahihinang bulungan ng mga panauhin.
" Siya nga pala hijo, I bet you've already met Shantal. Pinapunta ko siya sa bahay mo noong nakaraan," iniba ng matanda ang usapan,hanggang sa umeksena ang babaeng tinutukoy kabilang narin ang ina ng dalaga.
"Yes, Tita Marian. And your son actually entertained me very well," anito habang nakangiti ng todo.
Mahahalata rin ang nandidiring ekspresiyon ng dalaga habang walang puknat ang pinupukol na irap kapag nagkakaroon ng pagkakataon ang huli.
"Natutuwa naman ako kung gano'n. Wala kasing kaibigan ang anak ko rito sa Pilipinas. You know, Marian how drastic her childhood life in America,"
Tumawa ang mag-asawa sa sinabi ng ina ni Shantal ngunit nanatili akong nakatanga sa mga ito kahit wala akong maintindihan sa kanilang mga pinag-uusapan.
"Yes, I know amiga. Derreck, would never mind if he give a bit of his time to Shantal, right hijo?"
Ngumiti lamang ang lalaki bilang tugon ngunit mahahalata rito ang pagkadisgusto sa tinatanong ng donya.
"Oh Zarina, I really apologize last time, if I asked some favor from you. Inutusan pa kitang kumuha ng juice. I'm not aware that you're Derreck's girlfriend, I thought you were just one of them," anito saka lumipat ang mata ng dalaga sa mga tagasilbi sa mansiyon.
'Anong isasagot ko?'
"Y-Yes,"
Muling natigilan ang mga taong kaharap subalit makahalugan ang kanilang tinginan tila nagkakaintindihan ang mga ito. Ayokong pag-isipan ng masama ang magulang ng binata ngunit malinaw ang lantarang pangmamata ng dalawa kasama ang kanilang panauhin.
"Ah, Mama', Papa, we'll better be going there with my friends. If you'll excuse me everyone," paalam ng binata pero hindi kami nakaalis sa umpukan dahil mayroong tinanong ang ama ni Derreck patungkol sa negosyo ng huli.
"Zarina, hija, ayos lamang ba na hiramin ko muna saglit ang nobyo mo?" tanong ni Don Raul kaya kahit nag-aalinlangan ay bahagyang tumango.
"Hon', sandali lamang ako. May itatanong lamang si Papa, ha?"
Nag-aalalang dumako ang mata ni Derreck sa gawi ko subalit nagpatinaod pa rin sa ama, saglit iniwan sa kaniyang ina at maging kina Shantal. Halos umatras yata ang dila at parang lumiit ang mundo nang makaharap sila, ni wala rin kasing maapuhap na kataga sa tatlong kababaihan, animo para akong insekto na pinag-aaralan ng mga ito.
"If you don't mind, Zarina. May I ask if what do you do for a living?" putol ni Donya Marian sa katahimikan.
Kinakabahang lumingon sa matanda saka lumipat ang mga mata sa babaeng napupusuan ni Donya Marian para sa nag-iisang anak. Nakaguhit ang sarkastikong ngiti sa labi ni Shantal habang naghihintay sa sagot ko.
"Zarina, Tita Marian is asking you? Hindi ba naturo 'yan sa pinanggalingan mo?" tumawa ng pagak ang dalaga, samantala ay kunwaring sinaway ng ina nito.
"Shantal, don't be rude. Hija, c'mon, my dear friend here is asking you if what do you do for a living?" pabalat-bungang tanong ng ginang.
Nanunuot at tagos sa kaluluwa ang pinupukol na tingin ni Donya Marian at halatang sinusubukan lamang ako o di kaya'y hinihintay magkamali, upang makahanap siya nang butas at magkaroon ng matibay na rason para tumutol sa kung ano mang relasiyong mayroon kami ni Derreck.
"I...uhm, I live.."
"What?" tanong ni Shantal habang pinipigilang matawa.
"Hija, I'm asking if what is your job and not your address," muling saad ni Donya Marian.
"Uhm, I live in the sa... ano po kasi,"
"Gosh! Don't tell me tita, Derreck chose this kind of woman?" mababakas ang pagmamaktol sa tono ni Shantal kahit hindi ko maiintindihan ang sinasabi nito.
"Saan ka ba talaga nakilala ng anak ko?"
Hindi malaman ang gagawin ng mga oras na 'yon, ang tangi lamang pumapasok sa utak ay lumayo sa mga taong kaharap ngunit nang akmang aalis ay eksakto namang bumalik si Derreck sa umpukan.
"What is happening here? Mama, anong ginagawa niyo kay Zarina?"
"Aw c'mon, hijo! I'm not doing anything to your girlfriend. In fact, I'm asking her if what does she want,"
"Tama si Tita Marian. Tinatanong lamang siya kung anong gusto niyang kainin, tapos bigla na lamang niyang tatalikuran si tita,
Hindi na lamang kumibo sapagkat tuluyang nawalan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.
"Hon', okay ka lamang ba?"
"A-ayos lamang ako,"
"Sigurado ka?"
Bahagyang dumako ang paningin sa mga nasa umpukan saka marahang tumango.
"Alright. Pumunta na tayo sa mga kaibigan ko," ani Derreck.
Magalang na nagpaalam ang lalaki bago kami tuluyang lumayo sa mga magulang niya, hindi ko magawang tapunan ng sulyap ang mga ito dahil natatakot sa mga tinging ipupukol lalo nina Donya Marian at Don Raul.
--
"Buddy!" tawag ng isang lalaking pamilyar ang mukha. Ito rin mismo ang kauna-unahang kaibigan na bumati sa grupong naroroon.
Lumapit kami sa nakabalandrang mesa, kung saan nakaupo ang maraming kalalakihan, iisa lamang ang napansin na may pagkakatulad sa mga ito. Noong nagsabog yata ng kagwapuhan ay gising na gising ang mga kaibigan nang binata dahil walang tapon sa mga itsura nila.
"Lyndon!" tawag ni Derreck.
Mas napatunayan sa sariling makikisig talaga ang mga ito, lalo't kitang-kita sa liwanag ang tindig ng mga kalalakihang nakasama noon sa bar.
"Dude, I think I know her," anito.
"Still remember Zarina?" anas ni Derreck.
"Oh! Is she the lady at the.."
Mabilis siniko ni Lyndon ang singkit na lalaking katabi upang hindi na ituloy ang dapat sanang sasabihin.
"Hi Zarina! Nice meeting you again. Long time no see!" masiglang pahayag ni Lyndon.
"Huh?"
"Ang ibig sabihin ni Lyndon, mabuti naikama este naisama ka ni Derreck," anang tinawag na Xavier.
"Tangina mo, Villaforte!" malutong na mura ni Derreck tila napikon sa litanya ng lalaki.
"Sorry attorney. Peace tayo!" paumanhin nito ngunit tinignan lamang ng masama ang kaibigan bago inabutan ng mauupuan sa mismong umpukan nila.
"You're really such a f*****g asshole, Xavier Rod Villaforte! Hindi lahat ng bagay nadadaanan sa biro!" sabad ng pinakaseryoso sa kanilang lahat.
"Stop ruining my night, Fuentabella! Go back to your mother's womb!" ani Xavier sabay itinaas ang panggitnang daliri.
Tinapik ng mestisuhing binata na tinawag na Michael ang kaniyang katabi. Mukha naman silang hindi nag-aaway kahit gano'n ang klase ng kanilang mga biruan.
"HOMIGEN, I want to f*****g inform you that Zarina is my girlfriend. So, you have to freaking respect my woman, understood?"
Itinaas ni Xavier ang dalawang kamay animo nagsasaad ng pagsuko, maging ang mga kalalakihang nasa harapan. Parang nabahag ang buntot at halatang hindi matatawaran ang maawtoridad na utos ng binata.
"Well, if that's the case, she's also under our safety department, bud!" anunsiyo ng tinawag nilang Richmond.
Tuluyang natuldukan ang gabing iyon nang masasayang usapan sa pagitan nina Derreck at mga kaibigan niya. Ni hindi ako nakaramdam ng kahit anong panghuhusga sa mga kalalakihan, lalo sa ilang sandaling nakakuwentuhan ang mga ito. Hindi man maiaalis ang bumabagabag sa utak, lalo sa nagtutumining katotohanang 'di boto ang mga magulang ng binata sa kung anong mayroon sa'min, tanging HOMIGEN na lamang yata ang kunswelo ko sa pagdalo sa naturang pagsasalo.
"D-Derreck, puwedeng pumunta sa palikuran?" pakiusap ko sa kalagitnaan ng kanilang paghuhuntahan.
"Comfort room, you mean?"
"H-Hindi ko alam--"
"Uhm, sa C.R?"
"Ahh, oo sana? Maari bang iwan ko muna kayo sandali?"
"Sure. Bumalik ka kaagad dahil maya-maya, uuwi narin tayo," imporma nito.
Bahagyang sumang-ayon sa binata bago dumiretso patungo sa pinakaloob ng mansiyon. Maingat akong naglakad sa gilid upang hindi mapansin ng mga panauhin partikular sa mga negosyanteng kaumpukan ng mga magulang ni Derreck. Ayokong maging agaw-pansin, dahil tiyak mas magdudulot lamang 'yon ng komplikasiyon sa pagitan ng mga ito.
Akmang papasok malapit sa kumedor, kung saan mayroong mangilan-ngilang bisitang nakatambay at nag-uusap.
Ipinagpasalamat dahil hindi nakasalubong ang mga magulang ni Derreck o maging si Shantal, gusto ko rin kasing tanggalin ang sandals upang makapahinga ang paa. Magagawa ko lamang 'yon kung nasa loob ng palikuran.
Maya-maya'y namataan ang mga bagong dating na panauhin, tumungo rin ito sa kinaroroonan ko. Halos manlaki ang mata nang mamukhaan ang hayop na lalaking muntik bumaboy sa'kin noon.
Nais tumakbo, magtago dahil sa takot subalit bago pa man makatakbo'y napansin na nito. Kaagad lumarawan ang galit sa mukha ng lalaki saka padarag na hinaklit ang aking braso.
"Tanda ko ikaw babae ka! Muntik mo 'ko patay"
"B-Bitiwan mo 'ko!"
"Hayop ka! Hindi ka makakatakas akin' ngayon!" mariing pahayag nito.
Nagulantang ang ilang bisita sa mga kumusiyong nangyayari sa pagitan namin ng hayop na lalaki. May ilan na umalis sa naturang parteng 'yon ng mansiyon habang ang iba'y nakikiusyoso. Kapagkadaka'y halos maalog ang utak sa malakas na sampal nito, doon todong napahiyaw ang ilang nakakita.
Hindi mapigilang maluha sa pananakit na nararanasan.
"Tama na! B-bitiwan mo 'ko! Hayop ka!" singhal ko habang pinipilit kumawala mula sa mahigpit na hawak .
"Lolly, bayad ako! Hindi kita gamit kaya ako singil ngayon!"
Sapilitang hinatak sa likod ng mansiyon, ngunit mas nilakasan ang loob upang makatakas, ni walang umaawat sa ginagawa ng hayop. Nadagdagan ang kaba ng makita ang kaibigan nito.
"Lee! Look, this f*****g' girl who hurt your balls!"
Walang kibong lumapit ang binata ngunit ang mga sumunod na ginawa'y hindi inaasahan. Mayroon akong nalasahang alat sa bibig matapos sampalin. Tuluyan akong kumawag ngunit ang tanging naririnig sa kanila'y malulutong na tawa.
"Sino dala sa'yo rito? Hanap ka malaking isda?" pang-iinsulto ng hayop.
"This f*****g w***e shouldn't be here!" litanya ng huli saka hinaklit ang buhok ko.
Mayroon akong naramdamang likido sa gilid ng bibig ngunit hindi alintana dahil mas masakit ang mga salitang gumuguhit sa puso. Ilang sandali ang nakalipas ng mayroong narinig na eksaheradong reaksiyon sa hamba ng pinto.
"My god! What is happening here!?" anang ginang habang hinahawi ang ilang panauhin.
"What are you both doing with her? Anong nangyayari rito? Bakit kayo nanggugulo sa party ko!" muling tanong ni Donya Marian ngunit may bahid na galit ang tono.
Namataan ang ama ni Derreck na sumunod sa matandant babae, maging ang ilang kamag-anakan ng binata'y gulat na gulat sa mga nangyayari sa likod-bahay.
"This f*****g w***e, almost killed us!"
"Don't you ever include us with your freakin conflicts! My god, this is so embarassing! Nakakahiya sa mga bisitang naririto! Raul, clean this mess!" utos ng ginang at akmang babalik sa loob ngunit biglaan ang mga pangyayari dahil sa 'di inaasahang pagsugod ni Derreck.
Humiyaw ang mga naroroon ng magpakawala ng malalakas na suntok ang binata laban sa lalaking may hawak sa'kin.
"f**k you! What the hell are you doing with Zarina?" anas ng lalaki saka binirahan uli ng malakas at sunud-sunod na suntok sa mukha.
Samantala, hindi makapalag ang kaibigan ng hayop, dahil nakaharang ang mga kaibigan ni Derreck at baka maling galaw lamang ay malalagot din ito.
"Enough of this! My god, hijo!" aawat sana si Donya Marian sa dalawa, ngunit hinatak ni Don Raul ang ginang upang hindi madamay sa mga nangyayaring kaguluhan.
Yumakap na lamang ang babae kay Shantal habang mababakas ang pag-aalala sa mukha.
"Derreck Vera-Garcia! f*****g hold your horses! Where is your freaking manners!?" maawtoridad na saad ng ama nito rason upang unti-unting huminto tila doon lamang natauhan ang binata.
"Remember this day... if you hurt Zarina again, I'll make sure to put your body, 6-feet under the ground," saad ni Derreck.
Nakahilata ang hayop at halos duguan ang mukha ngunit nakuha pang tumawa ng pagak. Akmang susuntukin muli ng binata ngunit ako na mismo ang umawat dito upang hindi na tuluyan pang lumaki ang gulo.
"Tama na Derreck," naluluhang pahayag sa lalaki.
Muling tumawa ang lalaking nakahilata, tila walang pakialam kahit halos mamaga ang kaniyang mata at buong mukha.
"You're still the f*****g w***e at the bar, whom I paid just for a night!" pahabol na sigaw ng hayop na lalaki.
Kahit wala akong maintindihan, alam sa sariling masama ang mga salita nito sapagkat mahahalatang tumiim bagang si Derreck animo muling susugod ang huli, subalit marahan kong hinawakan ang kamay nito.
Dumako ang mata sa mga magulang ni Derreck na halos nakalarawan ang matinding pagkadisgusto. Marahil, hindi lamang sa nangyayari kundi pati sa'kin na may kagagawan o rason nang lahat ng kaguluhan ngayong gabi.
"P-Pasensiya na po..." paumanhin ko sa dalawa.
"You're a harlot!" akusa ni Donya Marian kapagkadaka'y marahas na lumagapak ang palad ng ginang sa pisngi.
"Mama!" singhal ni Derreck.
"What happened to you, son?"
"Kung babastusin niyo lamang si Zarina, mabuti pang umalis na lamang sa pamamahay niyo." hinatak ako ni Derreck palabas ng mansiyon, kung saan humahawi ang mga madadaanang panauhin.
"Derreck, hijo!" tawag ng ina nito ngunit hindi na lumingon ang binata saka kami nagtuluy-tuloy sa nakaparadang sasakyan sa unahang patio.
Maging ang mga kaibigan ng lalaki'y susunod sana subalit nakiusap si Derreck na sila na ang luminis ng gulong nangyari. Tumawag na raw si Richmond ng mga kapulisan upang damputin ang mga lalaking nanakit sa'kin.
Kasalukuyang tahimik na nagmamaneho ang binata pabalik sa sariling mansiyon. Hindi ko alam kung paano kakalamayin ang loob ni Derreck dahil sa mga nangyari.
Hindi makitaan ng emosiyon ang binata kahit nang tuluyang makapasok sa loob ng sariling pamamahay.
"D-Derreck, p-patawarin mo 'ko. K-kasalanan ko lahat ng nangyari kanina," labis ang pagtangis habang nagpapahayag ng saloobin.
"Hindi mo kasalanan, okay?"
Napailing ako sapagkat hindi matanggap na dahil sa'kin, nagkakagulo ang pamilya ng binata.
Maya-maya'y naramdaman ang mahigpit na yakap ng lalaki, marahang hinagkan ang tuktok ng aking ulo.
"Itong tatandaan mo, kahit anong mangyari, walang makakapanakit sa'yo habang nandito ako. I love you 'til through the edge of the cliff, 'til the last drop of my blood, Zarina."
ILANG LINGGO MATAPOS ang kaguluhang naganap sa mansiyon ng mga magulang ni Derreck, mas lumala ang mga pangyayari dahil madalas ang naging pagbisita nila, partikular sa kaniyang ina habang kasa-kasama ang inaanak nitong si Shantal.
Para akong naging preso sa mga panghuhusgang natatanggap hindi lamang sa dalawa, kundi maging sa mga kasamahan sa mansiyon. Sulsol ng sari-saring kuwento at tampulan ng masasakit na pananalita, isama pa ang mga espekulasiyon ukol sa kung paano nakuha ang loob ng isang Derreck Garcia. Tanging ang binata na lamang ang rason kung bakit nilulunok ang lahat ng pang-aalipustang natatanggap sa ibang tao, sapagkat aaminin sa sariling tuluyan na ngang nahulog ang loob sa binata. Hindi lamang simpleng pagkagusto kundi sukdulan, dahil sa angkin nitong kabaitan at pagiging maalaga.
Kasalukuyang naiwan sa mansiyon sapagkat maagang pumasok ang lalaki, dahil mayroong natanguang trabaho. Dumiretso ako sa sala subalit natigilan ng mamataan si Donya Marian at Shantal na nakaupo habang umiinom ng tsaa.
"Mukhang tanghali ka na yata nagising, hija?" pambungad na saad ng ginang.
Naroroon din si Ma'am Lydia na sadyang nag-aasikaso sa dalawa, tulad nang mga panauhin ay mayroong panunuya sa klase ng tinging iginagawad ng mayordoma.
"Tita Marian, I think Zarina should know her schedules everyday. Mukhang napapasarap yata ang buhay dahil alam niyang sasaluhin siya ni Derreck," umirap ang dalaga.
"P-Pasensiya na po kung medyo tinanghali. Nagkaroon lamang--"
"Alam mo kasi hija, hindi magandang mabigat ang katawan ng babae. When I was in your age, I used to work and provide for myself,"
"Tita, hindi yata naiintindihan ni Zarina ang mga sinasabi mo,"
Napaawang ang bibig ng ginang saka natawa ng pagak.
"I almost forgot! Sorry, Zarina nakalimutan kong hindi mo nga pala maintindihan,"
Umiling lamang si Shantal tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Donya Marian.
"A-Ayos lamang po, D-Donya Marian," mahinang litanya.
"Siya nga pala, iniimbitahan ka ni Shantal mamasyal sa mall. Would it be nice?" alok ng matanda.
"Oo nga naman Zarina. Hindi pa tayo nakakapag-bonding," punung-puno ng sarkasmo ang tono.
"Salamat sa pag-imbita, Shantal p-pero b-baka h-hanapin kasi ako ni D-Derreck,"
"Don't worry about my son, oh! I mean, alam ni Derreck na mamamasyal tayo kasama si Shantal,"
Hindi magkandatuto kung paano tatanggi dahil mukhang hindi tumatanggap ng kahit anong sagot ang mga ito bukod sa salitang "oo". Mabilis akong sumang-ayon kahit punung-puno ng agam-agam ang puso.
'Zarina, kailangan mong makibagay,'