CHAPTER 7

3772 Words
Nanatili ako sa pamamahay ni Derreck gaya nang kapalit na hinihingi niya, sapagkat wala akong mapagpipilian kundi ang sundin ang kondisyong inilatag ng lalaki. Siniguro lamang na mayroong limitasyon ang pakikipaglapit sa binata, kahit taliwas sa nararamdaman ng puso ukol dito. Pilit pinipigilan ang totoong damdamin kahit ang turing niya ay kasintahan. Wala akong makapang lalim sa kung anong plano ni Derreck. Ang tanging alam ko lamang ay napaka-imposibleng yumuko ang nasa itaas sa kagaya kong walang pinag-aralan, ngunit sa tuwing magsasalita ang lalaki'y hindi mapigilang maniwala sa mga sinasabi niya. KASALUKUYANG kipkip ang pagkain, habang matamang tumungo sa loob ng gusali upang sadyain ang pribadong opisina ni Derreck. Mayroong nakasalubong na empleyado sa pasilyo at halatang nagmamadali, rason upang di mamalayan na makakabungguan ang naturang lalaki, dahilan upang bahagyang matalamsikan ng dala nitong kape ang harapan ng aking damit. "Miss, I'm really sorry, I'm in a hurry," pagbibigay paumanhin saka hinawakan ang aking palad. "A-Ayos lamang po," marahang sagot dito. "Thank you. Paano ako makababawi or--" aniya at akmang hahawakan ang kasuotan ngunit umiwas ako nang bahagya. "A-Ayos lamang po ako. Uhm, kahit hindi na po--" "Hindi, sabihin mo kung anong maitutulong ko?" muling saad nito saka pupunasan ang aking harapan, subalit mayroong kamay na pumigil sa binabalak sana ng lalaki. "She'll be fine," Bahagya akong nagulat ng mamasdan ang madilim na ekspresiyon ni Derreck samantala, halata ang gulat sa mukha ng empleyado na tila nabahag ang buntot. "Atty. Garcia..." nahihintakutang saad ng binata. "You can go now, Hector," Nadedepina ang kaniyang panga animo nagtitimpi lamang si Derreck. Hindi ko rin maapuhap ang sasabihin lalo't napansing mayroong kasama ang lalaking panauhin yata nito. "O-Opo, attorney," bahag na saad, bago nahihiyang dumiretso palabas ng gusali at hindi malaman kung saan papaling ang tingin. "Kanina ka pa ba rito?" "P-Papunta na sana ako sa opisina mo," mahinang tugon sa binata. "Ano 'yang dala mo?" tanong ni Derreck ngunit mababanaag ang tinatagong ngiti tila kaiba sa ekspresiyon ng lalaki kanina. "T-tanghalian mo," "Niluto mo para sa'kin?" may bahid kasiglahan ang tono. Tumango lamang bilang tugon, ngunit naiwan ang aking tingin sa kasamang ginoo na kung ang mukha ang pagbabasehan ay nasa edad singkwenta, maayos ang pananamit, at mukhang may sinasabi rin sa buhay. Matangos ang kaniyang ilong at maganda ang pangangatawan kahit lipas na ang panahon. "By the way, Don Arnulfo Ricaforte, I want you to meet my lady, Zarina Gallon," Inosenteng tumingin sa dalawang nag-uusap hanggang sa ngumiti ang matanda. "You're being possessive, young man," anang ginoo. "She's mine," makahulugang saad ni Derreck. "Kumusta, hija?" Nang tumingin sa mata nang ginoo'y mayroong pumukaw na kakaibang damdamin na miski sa sarili ay hindi ko maipaliwanag ngunit mabilis ding isinantabi. "M-Mabuti po," "Hindi ka naman tinatakot ng binatang 'to?" magiliw na tanong ng panauhin. "H-Hindi po," Masiglang ngumiti ang matanda, hanggang sa kalauna'y bumukas ang pinto diretso sa pribadong opisina ng binata. "Come in, Don Arnulfo," Tahimik akong tumungo sa pantry upang i-saayos ang pagkain ng lalaki ngunit habang naroroon ay hindi maiwasang maulinagan ang usapan ng mga ito. "How can I help you?" anang binata saka umupo sa tanggapan. "Judas already told you my agenda," "Nabanggit nga sa'kin 'yan ni Jude. Anong gusto mong mangyari sa kaso?" "I want to re-open the wounds 'cause someone gave me hope and reliable lead towards my wife and child's case ," "Alin sa dalawa ang gusto mong tutukan, Don Arnulfo?" "I want you to prioritize on searching my child. I can feel that she's still alive somewhere," Nanahimik si Derreck tila tinitimbang ang nais mangyari ng matanda hanggang sa kinalaunan ay sumagot ang lalaki. "I admit that this case is somewhat complicated because of weak evidences you laid on the court. Walang matibay na motibo maliban sa pagnanakaw na naging rason kung bakit nangyari iyon," "I believe that all these years, those sworn statements by so called witnesses were all lies. Hindi ako naniniwalang pagnanakaw lamang ang nais ng mga lumapastangan sa asawa ko," nakakapa ako nang hinanakit sa mga salita ng matanda, ngunit nanatili ako sa pantry sapagkat tila mabigat ang kanilang mga pinag-uusapan. Ilang minuto rin ang kanilang naging talakayan bago nagpaalam si Don Arnulfo. Nagpasiya akong manatili sa hamba ng pinto matapos mapag-isa ang binata, matamang pinagmasdan si Derreck habang nakakunot-noo at mayroong mga binabasang papeles na may kaugnayan sa nasabing kaso ng naturang matanda. "K-kain na?" "Ihahain mo ba?" pilyo ang mga ngiti nito ngunit binalewala ko lamang saka nahihiyang lumapit sa mesita. Maya-maya'y tumungo si Derreck sa bandang likuran, rason upang bumundol ang kaba sa dibdib dahil sa mga kilos ng binata. "K-kumain ka na, nakahanda na 'tong niluto ko p-para sa'yo," Naramdaman ko ang kaniyang mainit na kamay sa'king balikat pababa sa magkabilang braso, maging ang mainit niyang labi sa pagitan ng aking leeg, dahilan upang umigtad sa kiliting sumigid sa'king kabuuan. "D-Derreck," "I want my main course now," "A-anong pinagsasabi mo?" Pagak na tumawa ang lalaki saka bahagyang lumayo at umupo malapit sa kinatatayuan ko. "Binibiro lamang kita. Kung gustuhin ko man ang nasa isip tiyak hindi na 'ko makakapagtrabaho sa buong maghapon," anito habang matamang nakatitig sa'king kabuuan dahilan upang bahagyang mag-init ang aking pisngi. Kahit hindi sabihin ng diretso ni Derreck ay mukhang alam ang tinutumbok nito. "U-uuwi na rin ako sa mansiyon upang tumulong kina Ma'am Lydia," nahihiyang saad ko saka sinalat ang pisngi. Madalas ganito ang ipinaparamdam ng binata kahit nasa loob ng kaniyang pamamahay, kung kaya't hindi maiwasang pag-usapan ng mga kasambahay sa kung ano talaga ang tunay na namamagitan sa'ming dalawa. "H'wag ka munang umuwi dahil pagkatapos ko rito sa mga study cases ay mayroon tayong pupuntahan. Might as well, wait for me," saad ni Derreck bago marahang sinapo ang aking baba saka bumalik sa tanggapan upang harapin ang ilang papeles na nakakalat sa kaniyang harapan. "S-saan tayo pupunta?" "Mamaya malalaman mo. Gusto ko kasing magpawala ng selos," anito. "S-selos?" "Oo. Nagselos ako dahil mukhang nagustuhan mo yatang lumapat ang kamay ng lalaking 'yon sa harapan mo," seryoso ang tono ng binata ngunit ang ipinagtataka'y napakalayo nang nais mangyari kumpara sa inirereklamo nito. Anong kinalaman ng pupuntahan namin sa pagseselos niya?  "Hindi kita maintindihan, D-derreck," "Ugh, 'wag mo kong intindihin. Gusto ko lamang ilabas 'tong frustrations ko. Wala itong kinalaman sa pupuntahan natin mamaya," aniya saka nanulis ang nguso, kaya hindi ko mapigilang matawa sa isip sapagkat umaaktong bata ang binata dahil sa kaniyang mga ikinikilos. Tahimik akong naupo sa gilid habang panaka-nakang sumusubo ang lalaki, ngunit tutok na tutok sa mga gawain. Doon ko tuluyang napagmasdan ang mala-adonis na mukha ni Derreck, magmula sa matangos na ilong, kulay abong mga mata, at mamula-mulang labi. Ni hindi pumasok sa isip na magkakagusto ang ganitong lalaki sa isang katulad kong ni hindi nakapagtapos ng pag-aaral, isang takas sa casa, at higit sa lahat, ay ni hindi alam kung saan ang pinagmulan. "Pasado na ba?" "Huh?" Itinigil ng lalaki ang ginagawa, kalaunan ay tumungo sa kinaroroonan, rason upang bahagyang maalarma sa paglapit ni Derreck. Kapagkadaka'y dumantay ang binata sa kinasasandalang upuan saka inilapit ang kaniyang mukha. "Why are you always making me horny? Well, just by watching you from afar, Zarina?" "H-hindi ko alam kung anong sinasabi mo, w-wala akong--" nauutal na pahayag nito ngunit pinutol lamang nang kaniyang mabilis na halik. Ni walang maapuhap na salita, matapos lumapat ang mga labi ng lalaking kanina'y pinagmamasdan ko lamang. Kapag ganitong malapit ang binata, wala akong makapang pagtutol o alinlangan ngunit hanggang kailan kami ganito? Halos ilang buwan na rin ang nakararaan, nang hilingin ng lalaking manatili sa pamamahay niya at ang maging kapalit ng kalayaan ay ang pagiging kasintahan ng binata. Kung ibang tao ang makaririnig, tiyak iisipin nilang masuwerte ako sapagkat nabigyan ng atensiyon ng isang kagaya ni Derreck Garcia, subalit kabaligtaran ang posibleng kalalagayan kung sakaling umuwi ang kaniyang mga magulang galing sa negosyong inaayos raw sa ibang bansa. Ano na lamang ang iisipin nila? Isama pa ang babaeng gusto ng kaniyang ina para sa lalaki? Tinitiyak na luha ang sasapitin sa kamay ng mga ito, subalit wala akong mapagpipilian sapagkat naipit na sa sitwasiyon, ngunit kung sususumahin ay mas lamang yata ang rason na tuluyan na talaga 'kong nahulog dito. "Hindi mo kailangan intindihin, basta sumama ka na lamang sa'kin." Ilang minuto kaming nanatili sa opisina ng binata, bago tumungo sa sinasabing lugar. Nang makatuntong sa pamilihang iyon ay halos manlaki ang mga mata, dahil sa mga produktong nakasalansan sa malalaking tindahan. Sari-sari ang mga iyon kumpara sa Santa Fe, ngayon lamang nakapunta sa klase ng ganito kagandang lugar. "Zarina, halika doon tayo," anang binata na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. "Saan tayo pupunta?" "Basta..." Iginiya ni Derreck sa isang malaking tindahan ng mga magaganda at mamahaling kasuotan. Sinalubong kami ng mga babaeng umaasiste roon, subalit mas klaro pa yata ang paghangang nakukuha ng kasama kong binata. "Kindly assist my girlfriend if what are the trendy clothes she might possibly wear. I want her to become fad, miss," "Noted, sir," anito saka malawak na ngumiti sa gawi ko ngunit mahahalata ang kakaibang pagirikisa sa'king kabuuan, bago inalalayan malapit sa mga nakasampay na mamahaling damit. Marahil nagtataka sila sapagkat masyadong gwapo si Derreck para lamang pumatol sa isang kagaya kong hindi maka-moda at literal na probinsiyana. Nangingimi akong pumili ngunit ang babae mismo ang nagbibigay ng mga isusukat na kasuotan. "Ma'am, this suits you well," Ni hindi makakibo lalo't 'di rin maintindihan ang mga sinasabi nito. Basta na lamang tinatanggap ko ang mga binibigay sa'kin, ngunit nang silipin ang tarheta ay muntik ng mabitawan dahil sa presyo ng kapirasong telang hawak. "Paano naging ganito kamahal 'to?" reklamo sa harap ng salamin. Maya-maya'y marahang kumatok si Derreck mula sa labas, marahil ay natagalan sa paghihintay. Hindi kasi ako halos makapili sa mga ibinigay na damit, sapagkat tinitimbang ko kung saan mas makatitipid ang binata. "Ayos ka lamang ba, Zarina? "H-Ha?" "Wala ka bang nagustuhan?" tanong nito. "Masyadong mahal uh, ang ibig kong sabihin namimili pa 'ko," Hindi kumibo ang binata sa labas tila umalis na yata sa harapan nang nakapinid na pinto. Doon pa lamang nagpasiyang umalpas mula sa maliit na cubicle, ngunt ikinagulat nang maabutan si Derreck na sadyang nakasandal pala sa gilid. "Nakapili ka na?" aniya sa malambing na tono hanggang sa lumingon ako sa magkabilang gawi bago nagpasiyang ibulalas ang saloobin ukol sa mga kasuotan. "Masyadong mahal ang mga ito, Derreck. Lumipat na lamang tayo sa ibang tindahan," nahihiyang saad ngunit natawa lamang ang lalaki saka marahang umiling. "Iyon ba ang dahilan kung bakit ang tagal mo sa loob ng fitting room?" anito at wala sa sariling napakagat sa ibabang labi na lalong nakadagdag sa karisma ng binata. "Pinipili ko kasi kung alin ang mas makatitipid ka," Imbis sumagot ay kinuha na lamang ni Derreck ang mga damit saka ibinigay sa babae kapagkadaka'y dumiretso kami sa kahera. Hindi halos matignan ang salaping ibinibigay nito. Ilang lilibuhin din ang mga iyon kung kaya 'di ko maiwasang manghinayang. HAPON NANG MAKABALIK kami sa mansiyon, at gaya nang dati'y kakaiba ang mga tingin ng mga kasamahan magmula ng maging malapit sa'kin ang binata. Lalo ngayon na halos matabunan ang buong mukha ng mga pinamili ni Derreck. Ayon sa lalaki, nalalapit na'ng dating ng mga magulang nito at mayroon yatang inihahandang pagsasalo sa mansiyon ng Vera-Garcia. Iyon marahil ang dahilan kung bakit biglaang bumili ng mgaposibleng magagamit sa naturang kasiyahan. Bumundol ang kaba sa dibdib dahil sa mga nagsasalimbayang eksena sa utak na maaaring magresulta sa hindi maganda. Tiyak na ikagugulat nila kung sakaling ako ang ipakikilalang kasintahan ng kanilang nag-iisang anak. "Senyorito, nakahanda na po ang hapunan," magiliw na bungad ni Ma'am Lydia. "Salamat, Tiya Lydia. Makikisuyo na lamang sa mga dalahin ni Zarina," Nanlaki ang aking mata ng utusan ni Derreck ang kaniyang mayordoma, rason upang lumarawan sa matanda ang kakaibang pagkadisgusto, ngunit dahil ang binata ang nakisuyo ay napilitan na lamang ang babaeng sundin ito. "Zarina, ako na lamang ang magdadala ng mga pinamili mo sa silid," "Naku, Ma'am Lydia, ako na lamang po," tanggi ko sa matandang babae ngunit hindi halos makaalma lalo't padarag nitong inagaw ang mga dalahin. "Zarina, hayaan mo na kay Tiya Lydia ang mga 'yan. Sumunod ka sa'kin sa kumedor," "P-pero--" anas ko at matamang napalunok dahil hindi malayong maging tampulan ng negatibong pagtrato mula sa mga kasamahan sa mansiyon. "Siya nga naman, Zarina. Sumunod ka na lamang kay senyorito," Nababahalang lumingon sa mayordoma bago nahihintakutang sumama sa lalaki patungo sa kumedor. "Hindi mo dapat ginawa 'yon," pambungad ko. "Ang alin?" "Kaya kong dalhin sa silid ang mga pinamili mo." "Wala akong masamang intensiyon sa ginawa ko." anito saka pilyong kumindat tila balewala lamang sa lalaki ang aking galit dahilan upang mapabuntong-hininga. "Sa Sabado na nga pala ang punta natin sa mansiyon ng mga magulang ko," imporma nito animo hindi nababahala sa magiging kalalabasan ng lahat. Hindi ako makakibo sa mga sinabi nang lalaki at ang tangi na lamang tugon ay bahagyang pagtango bilang hudyat na sumasang-ayon sa mga sinasabi ni Derreck, kahit ang totoo'y libu-libong kaba ang gumagapang sa'king puso. Nang gabi ring iyon ay hindi halos dalawin ng antok dahil sa sari-saring bagay na pumupuno sa utak, isama pa ang paulit-ulit na sumasaging pangyayari kanina patungkol sa bisita ni Derreck sa opisina. Ayokong pag-isipan ng masama, ngunit bakit tila magaan ang loob sa ginoong iyon? Hindi ko lubos akalain na hahanga sa halos doble ang edad sa'kin. Marahang kinapa ang suot na locket saka malayang pinagmasdan ang dalawang estrangherong nasa larawan. "Hindi ko man alam sa ngayon kung anong tunay na kaugnayan ninyo sa pagkatao ko, pero naniniwala akong makikila ko rin kayo..." Matamang tumingin sa maliit na bintana upang tanawin ang panggabing kalangitan, habang umaasam na mahanap ang mga sagot sa matagal nang gumugulo sa utak. ARAW NG BIYERNES, nakatoka sa pagbili ng mga gagamitin sa mansiyon kaya maaga akong nagbihis upang asikasuhin ang listahan at mga dadalhin. Kaagad nagpasama sa drayber ni Derreck patungo sa pamilihan. Kalauna'y kumuha ako ng paglalagakan ng mga kakailanganing bilhin. "Hintayin nalamang kita rito, Miss Zarina," ayon sa matanda. "Opo, Kuya Celso," Mag-isang dumiretso sa loob ng malaking pamilihan saka agaran na pumili ng mga de lata subalit hindi maiwasang liparin ang isip sa kaninang naulinagan pag-uusap sa pagitan nina Ma'am Lydia at sa isang kusinera sa mansiyon. "Hindi ko alam kung anong pinakain ng babaeng 'yon kay senyorito,"  saad ng mayordoma.  "Naakit niya siguro sa pagkukunwaring inosente siya?"  "Saan kaya nanggaling ang babaeng 'yon? Tiyak kapag nalaman ito ni Donya Marian ay malaking gulo,"  Mariing napapikit at pilit inaalis sa isip ang mga narinig na usapan sa mga ito, kapagkadaka'y ipinagpatuloy ang ginagawang pagrikisa sa listahan ng mga marapat bilhin. Maya-maya'y tumunog ang lumang phone na ibinigay ni Derreck noong bago pa lamang sa mansiyon. "D-Derreck?" "Nasaan ka?" "Nasa palengke," "Market or grocery?" tanong nito. "G-grocery yata ang tawag dito." "I see," "A-anong kailangan mo?" "Ikaw," Matagal ako nakahuma sapagkat hindi pa rin nasasanay sa kung gaano ka-bokal ang lalaki sa nararamdaman nito patungkol sa'kin. Kung minsan ay 'di makumbinse ang sarili sa katapatan niya ngunit mas lalo lamang yatang lumalalim ang pagkahulog sa binata dahil sa angking kabaitan ni Derreck. "Ano ngang kailangan mo?" litanya ko. "Tumawag lamang ako para sabihing na-miss kita," "Puro ka kalokohan," "Totoo ang sinasabi ko," Nagkaroon pa kami nang kaunting huntahan bago nagpaalam ang binata. 'Di mapalis ang ngiti sa'king labi matapos marinig ang malambing na tono ni Derreck, hanggang sa ipinagpatuloy ang pamimili at kinuha ang mga supot upang tumungo sa kinapaparadahan ng drayber subalit sa bigat ng mga pinamili'y halos hindi magkandaugaga sa mga hawak. 'Di sinasadyang mapalingon sa gilid na halos ika-estatwa nang makita ang umpukan ng mga pamilyar na lalaki sa gilid ng entrada. Si Bogart, kasama ang ilang tauhan ni Madam Lolly kaya't ang unang pumasok sa isip ay tumakbo sa kabilang bahagi ng pamilihan para makaiwas sa mga ito. Halos manginig ang mga kamay habang pinipindot ang numero ng drayber para ipaalam na sa kabilang bahagi lalabas. Palingon-lingon sa mga umpok ng kalalakihan at wala sa nilalakaran ang konsentrasyon hanggang sa makabungguan ang isang lalaki. "Dammit!" "P-Pasensiya na po," "Miss, hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" Nakasuot ang lalaki ng disenteng damit ngunit ang mas tumatak sa'kin ay ang kaniyang pilat sa kaliwang bahagi ng noo, maging ang nakanunuot na mata ng ginoo. Sa unang tingin ay malalaman mo kaagad na mayroong tinatago ang tagusang titig nito. Hindi ko mawari kung ano ang mga iyon, ngunit kung susumahin ay kasing-edad o mas matanda lamang siya nang kaunti sa panauhin ni Derreck noong isang araw. "Bingi ka ba, miss?" "P-pasensiya na po talaga. Hindi ko lamang po talaga kayo napansin," anas ko saka bahagyang tinignan ang entrada kung saan namataan ang mga kalalakihang iniiwasan ngunit gano'n na lamang lumuwag ang dibdib ng mapansing wala na ang mga ito. "Sa susunod titingin ka sa dinaraanan mo," supladong saad ng ginoo bago tuluyang lumabas sa pamilihan. Mayroong humintong itim na sasakyan sa tapat ng lalaking nakabungguan, hanggang sa sumungaw ang pamilyar na mukha sa bintana, kalauna'y lumigid naman ang ginoo sa kabilang bahagi upang lumulan. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang bisita ni Derreck noong isang araw... Nakaalis na ang magarang kotse ngunit nanatili pa ring nakamasid sa malayo habang isa-isang pinupulot ang mga de latang nagkalat sa semento. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking 'yon? "Miss Zarina, narito lamang po pala kayo? Kaninang-kanina pa 'ko hanap nang hanap sa inyo sa kabilang entrance," imporma ng drayber habang napapakamot sa batok. "Pasensiya kana Kuya Celso, hindi ko na po kayo natawagan." "Sa susunod po Miss Zarina, ipaalam niyo po sa'kin dahil ako ang malalagot kay Senyorito Derreck kapag may nangyari sa inyo," "O-opo," Si Kuya Celso na mismo ang pumulot ng ilang mga de lata at nagdala ng supot, hanggang sa iginiya ng drayber papasok sa loob ng sasakyang nakaparada. Habang lulan ay hindi mawala sa isip ang partikular na eksena kanina. Hindi malaman ang kakaibang pagsirko ng puso nang matitigan ang maaliwalas na mukha ng matanda ngunit pilit isinasantabi ang mga iyon at nililibang ang mata sa mga nagtataasang gusali na sadyang nadaraanan pabalik ng mansiyon. Nang makabalik sa pamamahay ay kusang tumulong sa mga kasamahan kahit hindi gaanong maganda ang pakikitungo ng mga ito. Lumipas ang hapon, nang umuwi ang binata galing opisina at halos mababanaag ang pagod sa kaniyang mukha ng salubungin ko ang lalaki. "Nagluto ako ng hapunan mo," anunsiyo ko kapagkadaka'y ngumiti si Derreck saka kinintilan ng masuyong halik sa pisngi bago nito iginiya sa kumedor. "Gustung-gusto kong umuuwi na maabutan kita, Zarina," "Tama na'ng pambobola at kumain ka na lamang," anas ko. Kasalukuyang magkatapat na nakaupo sa mahabang mesa, subalit pinalapit ni Derreck saka masuyong pinaupo sa sariling hita hanggang sa makaramdam ng kakaibang kiliti sa kalamnan lalo't ganitong malapit kami sa isa't-isa. "Subuan mo 'ko," "Ayoko," tanggi ko. "Please?" Matamang tiningnan ang malamlam niyang mga mata, hanggang sa sinimulang gawin ang ini-uutos ni Derreck ngunit nakailang subo pa lamang ay naputol ang ginagawa nang mayroong tumikhim sa hamba ng pinto dahilan upang matigilan. Kasalukuyang nakatayo si Ma'am Lydia at may kakaibang malisya ang klase ng tinging ipinupukol partikular sa'kin, rason upang makaramdam ng pagka-ilang dahilan upang i-iwas ang mga mata. "Senyorito, mayroon po kayong tawag mula sa telepono," "Sure, Tiya Lydia," masuyong saad nito. Kalauna'y naiwan kami ng mayordoma saka nagpasiyang hindi na lamang kumibo, habang inaabala ang sarili sa pagsasaayos ng mga pagkaing inihanda sa hapag. "Zarina, paano mo nga pala nakilala si senyorito?" "Uhm, t-tinulungan niya po 'kong makahanap ng trabaho rito sa Maynila," pagkakaila ko ayon sa bilin ni Derreck, kapag mayroong nagtanong sa'kin patungkol sa kung paano kami nagkakilala. "Sabagay, mabait naman talaga si Senyorito Derreck," makahulugang pahayag nito, subalit nanahimik lamang ako hanggang sa muling mag-litanya ang babae, tila may nais yatang tumbukin sa kaniyang mga salita. "Nakilala mo na siguro si Donya Marian at Don Raul? Alam mo kasi, mabait ang mga amo kong 'yon, pero ayaw nila ng mga taong mapanamantala," aniya saka matamang tumitig sa gawi ko animo niririkisa ang buong pagkatao base sa kaniyang mga tingin. Hindi halos makakibo sapagkat alam sa sariling ako ang pinatutungkulan ng ginang, hanggang sa gumuhit ang pagak na ngiti sa labi ni Ma'am Lydia saka mabilis na umalis sa kumedor. Samantala, naiwan akong hindi magkandatuto dahil sa mga sinabi ng mayordoma, ngunit nagkunwari na lamang na parang walang nangyari nang makabalik si Derreck. "C'mon Zar, let's continue our soulful dinner?" anang lalaki. Hindi man maintindihan ang binata'y nagpatangay na lamang dito, hanggang sa matapos ang hapunan. Nagpapanggap na maayos ang lahat ngunit ang totoo'y abot langit ang pagiging apektado sa mga panghuhusgang natatanggap mula sa mga kasamahan sa mansiyon. "Ayos ka lamang ba? Anong iniisip mo?" nakangiting tanong ni Derreck. "W-wala," Napilitan akong ngumiti upang hindi mahalata ng binata ang totoong nararamdaman sa mga oras na iyon. Ayokong dahil sa'kin ay magkaroon ng ano mang kaguluhan, lalo kung tungkol sa mga taong malapit sa binata. --- MAALINSANGAN ANG GABI, kaya't nahihirapang dalawin ng antok isabay pa ang mga bumabagabag sa utak rason upang panandaliang lumabas sa inuukopang silid. Tumungo sa lanai subalit natigilan nang makita ang binata mula sa tapat ng veranda. Ayoko sanang abalahin ang lalaki dahil may kasalukuyang kausap si Derreck sa kabilang linya. "I won't do it for the sake of your business. I have my own empire!" galit ang tono ng binata subalit biglang lumambot ang ekspresiyon nang mamataan ako mula sa sulok. Kalauna'y kaagad pinutol ng lalaki ang tawag at tuluyang nakuha ang buong atensiyon nito. "Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa natutulog?" nagtatakang tanong ni Derreck. "H-hindi lamang ako dalawin ng antok," "Sleep with me, then..." "A-anong pinagsasabi mo?" Hindi na sumagot ang lalaki subalit nagulat ako sa mga sumunod na ginawa ni Derreck sapagkat binuhat ng binata. "T-teka! Saan mo 'ko dadalhin?" "Sa langit," pabirong saad ng lalaki na sinamahan ng pamatay na kindat. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko man lamang namalayang nasa loob na mismo ng kaniyang malawak na silid. Noong una'y tahasang pumipiglas at nakikiusap na ibaba ng binata upang makabalik sa sariling kuwarto. Hanggang ang mga pagtutol ay naging isang malabong katuwiran lalo nang lumapat ang mainit na labi ni Derreck sa'king balat. "Derreck, n-nakikiusap ako..." anas ko kahit hindi malaman ang ipinapakiusap sa binata. Hati ang aking emosiyon sa mga kaaya-ayang karanasang ipinalalasap ni Derreck. Aaminin sa sariling katiting na lamang ay kakawala na sa katinuan lalo't halos ikabaliw ang mga yakap ng lalaki. Nang maramdaman ang kaniyang mainit na palad sa'king mayamang dibdib ay doon tuluyang gumuho ang natitirang pagpipigil sa katawan. Agresibong sinapo ang batok ni Derreck saka mapusok na nagpatangay sa nakakalasing na halik ng binata. "Zarina, you're making me a slave of your sweet fuckin' lips!" Nakakaakit ang kaniyang mga tingin lalo nang marahang iginiya ng lalaki sa ibabaw ng kama. Dito sinimulang tanggalin ni Derreck ang mga saplot sa'ming katawan, hanggang sa unti-unting kumubabaw ang buong bigat ng binata. Hinalikan ni Derreck ang ituktok ng aking dibdib kung saan napaawang ang labi dahil sa kakaibang kiliti na lumukob sa'king sistema, nanayo ang balahibo dinadama at naglalakbay ang naglulumikot na palad ng lalaki. 'Di ko maiwasang mapaungol sa kaniyang makamundong mga kilos, kalauna'y tumigil si Derreck saka pinagmasdan ang aking kahubdan kung kaya't nakadama ako ng bahagyang pagkailang. "D-derreck huwag," "Sorry honey, I can't help it," Hindi halos masalubong ang tingin nito, rason upang ipaling ang mga mata sa ibang bahagi ng silid. Maya-maya'y kinuha ng lalaki ang aking kamay saka mapusok na inilapat sa kaniyang katigasan, halos hindi makatingin habang patuloy ang binata sa kaniyang kakaibang ginagawa. Larawan ng pagkahibang ang ekspresiyon ni Derreck dahil kasalukuyan itong nakapikit ng mariin, nakatingala at kagat-kagat ang mapulang labi. "s**t, Zarina!" "D-derreck tama na..." "No!" Dumagan ang lalaki saka sinimulang bumaba sa aking kaselanan, hanggang sa maramdaman ang matigas na dila ng binata na halos magpawala sa'kin sa ulirat tila may gustong marating sapagkat napapaliyad sa kaniyang ekspertong kilos. "Derreck, Derreck! Uhh, nakikiusap ako, 'wag kang hihinto!" hindi ko halos maipaliwanag ang mga klase ng salitang namumutawi sa bibig dahil sa kakaibang karanasan sa bisig ng binata. Kinalauna'y natigil si Derreck saka naglakbay ang kaniyang mga halik sa pagitan ng aking leeg patungo sa tungki ng ilong pabalik sa nakaawang na labi. Nahigit ang kubre kama dahil sa sensasyong umaalipin sa buong katawan lalo nang maramdaman ang nanunudyong p*********i ni Derreck sa'king b****a. Ilang sandali rin ang itinagal ng aming pagtatampisaw sa kahubdan ng bawat isa, nang unti-unting ipinasok sa loob ang kaniyang matigas na p*********i, halos hindi malaman ang gagawin lalo nang mabilis na umulos si Derreck sa'king ibabaw. "Ohh! Z-zarina ang s-sarap mo! f**k!" ungol nito habang patuloy sa ginagawang pag-indayog. Samantala, nahihigit ko ang aking paghinga at halos tumirik ang mga mata dahil sa ritmong inuumpisahan ni Derreck. "D-Derreck! Ahh! Ahh!" wala akong maapuhap sabihin kundi matinding pag-ungol. "I'm c*****g! I c*****g! Z-Zarina, akin ka lamang!" anas nito sa gitna ng matinding hingal. "S-sige pa, Derreck! B-Bilisan mo pa!" "M-malapit na ko, 'tangina! f**k! f*****g tight! I love you, Zarina!" bulong nito saka kinagat ang aking balikat ngunit patuloy sa nakahihibang na pagbayo sa ibabaw hanggang sa marating ang sukdulan. Matapos ang nakauubos lakas na tagpo'y naramdaman na lamang ang bigat ng lalaki sa'king ibabaw subalit bahagyang kumilos si Derreck upang ipagpalit ang aming puwesto. Kapagkadaka'y pumulupot ang kaniyang matigas na bisig sa'king kahubdan samantala, nanatili sa ganoong ayos at hindi halos makakilos dala ng matinding pagod, dahilan upang unti-unting dalawin ng antok. Ang tanging natatandaan lamang ay ang kaniyang masuyong halik sa noo, na sadyang nagbigay nang hindi maipaliwanag na kapayapaan sa gitna ng agam-agam. "Goodnight, mi' lady,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD