TAHIMIK NA NAKALULAN sa sasakyan ni Derreck, habang ang puso ay halos magsumigaw dahil sa mga nangyayaring 'di magandang sitwasiyon. Patungo kami sa lugar kung saan inihanda raw ni Donya Marian upang mapasyalan ni Shantal. Nakiusap din ang matanda na samahan ng kasintahan ang dalaga. Nagpaalam ang lalaki ngunit kung hindi pumayag sa balak ng matandang babae'y hindi raw tutungo roon si Derreck dahil mas mahalaga ang desisyon ko kaysa sa kagustuhan ng mga ito.
Naalala ang mga pagbabanta ng ginang subalit wala akong magagawa upang mapigilan ang ina nito. Naputol ang malalim na pag-iisip nang damahin ni Derreck ang aking kamay ng kaniyang mainit na palad.
"Alam kong nag-aalala ka. Kitang-kita sa mga mata mo, Zarina. Puwede naman tayong bumalik sa mansiyon..."
"H-hindi, narito na tayo."
Malalim na bumuntong-hininga ang binata saka inakbayan kapagkadaka. Ayokong ipakitang naapektuhan sa maaaring kalabasan ng aking pasya na makasama ni Derreck ang babaing 'yon.
Kinalauna'y huminto ang sasakyan sa isang magarang pamamahay kung saan nasa tabi ng malawak na dagat. Hindi ko halos makita ang ganda ng paligid sapagkat nalulunod ang utak ng sari-saring pagkabahala. Magkapanabay kaming tumungo sa entrada na mayroong malaking arko at may nakaukit na Belleza-Garcia. Mukhang pagmamay-ari ng mga angkan nang binata ang naturang lupain o pahingahan.
Nagsimula naming pasukin ang nakabukas na pintuan patungo sa pinaka-solar ng naturang lugar hanggang sa salubungin ng dalaga. Nakasuot ng modernang kasuotan at kakikitaan ng kakaibang ganda, maging ang mga koloreteng nakalagay sa mukha ni Shantal. Sinong lalaki ang hindi mahuhumaling dito kumpara sa isang katulad kong ni hindi alam kung paano manamit ng maayos.
"Hi, Derreck! I'm so happy that you've finally accepted your mom's invitation." anito saka walang pakundangang niyapos ng babae ang bisig ni Derreck kahit naroroon ako sa harap nila.
"Shantal could you not lean your arms on mine?" anang binata.
Mabilis inalis ni Shantal ang nakalingkis niyang bisig, kapagkadaka'y masuyong gumapang ang kamay ng binata paikot sa'king beywang. Umirap ang dalaga dahil sa ikinilos ng lalaki ngunit hindi na lamang pinansin, hanggang sa makatuntong kami sa malawak na bahay. Mahahalatang gawa ang bawat materyales sa matibay na narra ngunit mas lumulutang ang kontemporaryong disenyo nito.
"Hijo, nandiyan na pala kayo nang kasintahan mo!"
Sinalubong kami ni Yaya Sonya na sadyang masigla ang bungad ng mukha ngunit natigilan ang matanda ng magsalita si Shantal.
"Naiakyat mo na ba 'yong mga gamit ko?" padaskol na saad ng dalaga.
"O-opo, Ms. Shantal."
Kumunot-noo ang binata at mababakas ang pagkadisgusto sa kung paano pagsalitaan ng babae ang naturang matanda.
"Ako nang magdadala nitong mga gamit ninyo, hija! Ma'am Zarina? Tama? Pasensiya na po kayo medyo makakalimutin na..." anang ginang saka napakamot sa ulo.
"Z-zarina na lamang po, Manang Sonya..."
"Tama, tawagin mo siyang Zarina. Magkatulad naman kayo ng level eh. Oh, I'm just kidding!" pagak na tawa ni Shantal.
"Shantal! I don't f*****g go here because of you but because Zarina told me so. If I where you you should know how to respect other people or else..."
Masuyo kong hinawakan ang braso ni Derreck tanda na inaawat ang binata sa kung ano mang sinasabi nito sa dalaga, sapagkat kababakasan nang galit ang emosyon ng lalaki. Hindi man maintindihan ang mga salita'y mahahalatang sinasaway niya ang babae. Halos hindi maipinta ang itsura ng huli bago kami tuluyang umakyat sa nakalaang silid. Si Derreck mismo ang nagdala ng mga bagahe at hindi hinayaang mabigatan ang matanda. Samantala, naiwan naman si Shantal sa unang palapag at hindi malaman kung paano itatago ang galit at pagkapahiya.
Matapos makapagpahinga'y nagyaya ang binatang bumaba upang tumungo sa kumedor. Mula roon ay naabuta namin ang babaeng nakapuwesto sa mahabang mesa at kasalukuyang kumakain ng inihandang putahe ni Manang Sonya.
"Derreck, come on dig in. All the food are totally scrumptious. By the way, I want to swim later after dinner, can you come with me?"
Umupo ako malayo sa dalaga ngunit kaagad namang inasistihan ni Manang Sonya. Bahagyang ngumiti sa matanda upang magpasalamat sa pagiging maalaga nito. Samantala, nakalarawan ang pagkabagot sa mukha ng lalaki nang sumagot. Gaya nang dati'y walang alam sa mga ipinapakiusap ni Shantal sa kasintahan.
"Hindi ako sasama nang hindi kasama si Zarina. I won't go alone with you..."
"B-But---"
"Take it or leave it, Shantal. Besides, mama' was the only one who forced this freakin' favor and I honestly don't like this ridiculous idea."
Namula ang buong mukha ng dalaga at hindi halos nakaimik. Ano kayang sinasabi ni Derreck para magkaganito ang babae?
"S-sure, anything you insist..." napipilitang pahayag ni Shantal.
Laking pasasalamat ko dahil hindi na nagkaroon ng mas matinding tensiyon hanggang matiwasay na natapos ang hapunan. Kapagkadaka'y inanyayahan ako ni Derreck na bumalik sa silid ngunit nakakailang minuto pa lamang ang inilalagi namin sa loob ay kumatok ang dalaga.
"Derreck, I'm ready!" anito.
Patamad na kumuha ng tuwalya ang binata.
"Zarina, nagpapasama nga pala si Shantal lumangoy."
"H-huh?"
Hindi pumayag ang binatang hindi ako sumama, dahilan upang kahit anong tanggi sa kasintahan ay nangulit ang binata. Pagkabukas ng pinto'y tumambad ang nakakahalinang ayos ni Shantal suot ang dalawang pirasong manipis na panligo.
"Let's go?"
Walang imik ang lalaking sumunod sa babae ngunit siniguro nitong nakaangkla ang mga braso sa'king beywang. Hindi malaman ang dapat kong ikilos lalo't naiipit sa mga taong malapit sa binata. Alam sa sariling hindi lamang si Shantal ang magiging kaagaw rito dahil sa taglay niyang karisma at katayuan kaya marapat nang masanay sa mga ganitong eksena, ngunit kahit sabihin sa sariling hindi na tatablan ng panibugho'y hindi talaga maiiwasan.
Nang makarating sa pampang ay tinanggal nang tuluyan ni Shantal ang suot na balabal, rason upang mas madepina ang hubog ng kaniyang balingkinitang katawan. Tinignan ko ang magiging reaksiyon ng lalaki ngunit wala akong makapang kahit anong emosyon subalit walang patid ang pagkakatitig ni Derreck sa babae.
"G-gusto mo bang maligo?"
"Ha? Hindi, ayos lamang ako rito dahil kasama kita." aniya na sinabayan ng masuyong halik sa'king palad.
"Sigurado ka? Narito naman si Manang Sonya para makasama ko."
Natigilan ang binata ngunit mataman akong tinitigan sa mga mata.
"Paano ka? Sabay tayong magtampisaw..." paanyaya ng lalaki.
Marahang tumanggi ngunit nakalarawan ang pagdadalawang isip sa binata subalit ako mismo ang nagbigay hudyat sa kaniyang sumunod sa dalaga.
"C'mon, Derreck! The water is so refreshing!" sigaw ni Shantal mula sa malayo.
Kinalaunan ay lumusong ang lalaki malapit sa pampang, lalong binasa ni Shantal ang hubad-barong kasintahan hanggang ang mga sumunod na sandali'y nabalot ng tawanan sapagkat nagbabasaan na ang dalawa. Samantala, hindi ko mapigilang makaramdam nang labis na panibugho ngunit ayokong pigilan ang binata dahil unang-una, wala ako sa posisyong pagbawalan siya kahit sabihing mayroon kaming relasyon. Pangalawa, sila naman talaga ang mas nababagay kumpara sa'kin na salat sa kahit anong yaman o pinag-aralan.
Nanatili akong nakatanga sa dalawa ng tumikhim si Manang Sonya sa gilid.
"Hindi mo ba susundan si Senyorito Derreck, Ma'am Zarina?"
"P-po?"
"Maagawan ka hija, kung talagang mahal mo ang alaga ko, kailangan palagi kang nasa tabi ng batang 'yan."
"A-ayos lamang po ako rito, Manang Sonya..." pilit tinatanggi ang totoong saloobin.
"Naku kang bata ka! Kahit hindi mo sabihin, halata sa'yong ayaw mo ang mga nakikita mo. Hindi ko gusto ang inaanak ni Donya Marian, masyadong liberal! Walang delekadesa! Alam nang may kasintahan 'yong tao!" reklamo ng matanda na ikinangiti ko lamang bilang tugon.
Hindi naalis sa isip ang mga sinabi ng ginang habang nakatingin sa dalawa na halos magdikit na'ng mga katawan. Halata sa babaeng ito ang unang nagbibigay motibo ngunit hindi rin lingid sa kaalamang lalaki lamang si Derreck at mayroong mga kahinaang tinatawag.
"Manang Sonya, mayroon po ba kayong damit panligo?"
Nagliwanag ang mga mata ng matanda, tila natuwa sa mga tinanong ko kapagkadaka.
"Aba'y maraming naitabi. Hindi nga lamang kasiya sa'kin dahil tingnan mo ang sukat ng Manang Sonya mo."
Masuyong ngumiti saka sumama sa matanda. Nagtaka ang binata at akmang susunod sa'min ngunit pinigilan ko lamang siya at nagpatuloy hanggang sa makapasok sa loob. Maya-maya'y napalunok sa mga ibinigay ni manang upang isuot, ngunit hindi malaman kung anong nararapat kaya't ang matanda na mismo ang namili.
Hiyang-hiya at parang gusto na lamang bumalik sa silid subalit hinatak ng matanda palabas sa silid. Nang tumungo sa pampang ay patuloy ang dalawa sa paghaharutan ngunit natigilan ang binata ng tawagin ni Manang Sonya.
"Senyorito Derreck, hindi pa po ba kayo kakain?"
"S-susunod po--" natulala ang binata habang walang patid ang pagrikisa sa'king kabuuan.
"Zarina...akala ko ba hindi ka maliligo?" namamanghang saad ni Derreck.
"Sinisiguro ko lamang na hindi ka maaagaw." mahinang saad saka nagmamadaling tumakbo sa gilid ng pampang.
"Anong sinabi mo?"
"Wala!"
"No! Ang daya mo! May sinabi ka kanina!"
Hinabol ni Derreck mula sa dalampasigan hanggang sa tuluyang nakuha ang buong atensiyon ng kasintahan, ngunit ang aming kasiyahan ay panandalian lamang dahil naputol ng palapitin ni Manang Sonya ang binata sapagkat may tawag daw galing sa Maynila.
"Hintayin mo 'ko rito, honey. Sagutin ko lamang 'yon!"
Tuluyang lumayo ang lalaki, rason upang magkaroon ng pagkakataon si Shantal na komprontahin ako.
"Sanay na sanay ka talagang mang-akit ng lalaki 'no?" sarkastikong saad nito.
Hindi na lamang pinatulan ang babae at nagpasiyang bumalik malapit pahingahan ngunit halata sa dalagang 'di titigil hangga't walang napapala sa pag-aamok.
"Bakit hindi ka makasagot? Turuan mo naman ako ng mga galawang pokpok..."
Halos maikuyom ko ang kamao sapagpipigil dahil sa mga masasakit na salitang binibitiwan nito.
"Tell me, ganyan din siguro ang trabaho ng nanay mo. Ni hindi nga namin alam kung saan ka napulot---"
"Huwag mong idamay ina ko sa mga paratang mo. Sabihin mo na'ng lahat ng masasakit na salita tungkol sa'kin 'wag lamang sa kaniya!"
"Tulad nang? Pokpok din ang nanay mo?"
Imbis patulan ay tinalikuran na lamang si Shantal upang makaiwas sa gulo, ngunit naramdaman ko na lamang na hinaklit ng babae ang aking buhok, dahilan upang pumalag dito. Binalya ko ang dalaga kaya napaupo sa tubig rason upang lumarawan ang matinding galit sa mukha nito. Padaskol na tumayo si Shantal at akmang susugod muli ngunit ako na mismo ang lumayo. Muli niyang hinatak ang aking buhok, bilang ganti'y hinaklit nang buong lakas ang alun-along buhok ng dalaga. Napa-igik sa sakit saka tuluyang tumili animo siya pa ang naagrabyado sa mga pangyayari.
"You're such a war freak girl! Bitiwan mo 'ko! Derreck, help!"
Nagmamadaling lumapit ang binata saka madali kaming pinaghiwalay dalawa. Panay ang pagkawag ni Shantal tila nais gumanti subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Derreck sa dalaga.
"What the f**k is happening here?"
"That freakin' b***h! Niyaya ko lamang siyang maligo, tapos bigla siyang mananabunot!"
"Hindi totoo 'yan!"
"Bakit raw kita inaakit? Wala akong kasalanan kung gustong maligo ng boyfriend mo!"
"Sinungaling ka!"
"Tama na 'yan!" awat ng binata.
Binitiwan ni Derreck ang dalaga saka padarag akong dinala papasok sa pamamahay. Hindi malaman kung galit ang lalaki o sadyang ginawa lamang niya 'yon upang tuluyang matigil ang komusyon.
"Hindi mo na dapat pinatulan si Shantal,"
"Hindi ako ang nanguna." may bahid inis ang aking tono.
"Pero kahit na!"
Akmang iiwanan ang binata at tutungo sa silid na inuukopa subalit bigla na lamang hinatak palapit sa kaniya dahilan upang mabunggo sa kaniyang matipunong dibdib. Hindi ako makahuma sapagkat parang naumid ang dila sa mga ikinilos ni Derreck.
"D-derreck b-bitawan mo 'ko!" pilit kumakawala rito.
"Hindi mo ba alam na mas lalo mo 'kong pinapainit sa mga sinasabi mo kanina?" may bahid pagnanasa ang timbre ng boses.
"A-anong pinagsasabi--"
"Nagseselos ka?"
Hindi halos maamin sa binata ang tunay na nararamdaman kaya imbis sagutin ay umiwas nang tingin.
"Nagseselos ka nga..."
Kumunot-noo at bahagyang tinulak ang lalaki saka magkunwariang napipikon sa harap-harapang pambubuyo ni Derreck.
"Masamang magselos? Halos magdikit na kayo ni Shantal! Anong tingin mo sa'kin manhid?"
Nagulat na lamang ako sa kakaibang reaksiyon niya nang literal na humagalpak ng tawa ang baliw na binata.
"A-anong nakakatawa, aber?"
"Wala naman. Ang cute lamang na nagseselos ang girlfriend ko." litanya ni Derreck na sinabayan ng pamatay na kindat.
Maya-maya'y nagyaya ang lalaking tumungo sa kuwarto upang makapagpahinga. Ayon dito, hindi na raw sana maulit ang mga gano'ng eksena sa pagitan namin ng dalaga. Nagsawalang-kibo na lamang sapagkat ayokong magbitaw ng pangako na sa bandang huli'y mababali rin.
"Hangga't maaari, umiwas ka na lamang sa kaniya, honey. Walang maidudulot na maganda kung papatulan mo ang babaeng 'yon." anas nito.
Hubad-baro ang binata at tanging kumot lamang ang nagsisilbing harang sa kaniyang kabuuan.
"M-matulog na tayo..." iniba ko na lamang ang usapan subalit hindi mawala sa utak ang paulit-ulit na tagpo kanina.
KINABUKASAN, HINDI NAABUTAN SA HIGAAN ang lalaki rason upang mapabalikwas nang tayô sa kama. Kaagad gumapang ang kakaibang kaba dahil sa sari-saring pagdududa ang pumasok sa utak. Hindi kaya magkasama ang dalawa? Baka magkasiping ang mga ito habang tulog ako?
Mabilis isinantabi ang masasamangmm7 senaryo saka nagmamadaling inayos ang sarili, kapagkadaka'y bumaba sa malawak na hagdan. Natigilan sa babaeng nasa mismong bungad ng terasa at kasalukuyang may kausap sa telepono.
"Yes, Tita Marian! That ill-mannered b***h actually pulled off my hair!"
Dumapo ang masamang tingin ni Shantal sa gawi ko habang patuloy sa pakikipag-usap. Hindi man maintindihan ang kaniyang sinasabi'y posibleng nagkukuwento ang dalaga sa donya ukol sa mga nangyari kagabi.
Imbis palawigin ang pakikinig ay dumiretso na lamang sa kumedor. Doon ay naabutan si Manang Sonya na abalang-abala marahil sa paghahanda ng agahan.
"Hija, gising ka na pala?"
"O-opo. Si D-derreck po napansin ninyo?"
"Tumakbo at nag-ehersisyo sa dalampasigan. Hindi kana ginising at mahimbing daw ang naging tulog mo."
Medyo lumuwag ang dibdib nang malaman kung nasaan ang binata. Maya-maya'y nag-alok ako para tulungan si Manang Sonya na ikinatuwa naman ng huli.
"Naku, Ma'am Zarina... salamat sa tulong mo sa pag-sasaayos ng mga pinggan sa hapag."
"Walang ano man, Manang Sonya." masuyong ngumiti sa matanda.
"Goodmorning! What's the commotion here?" anang pamilyar na boses mula sa likuran.
"Nandiyan ka na pala, hijo? Kaninang-kanina ka pa hinahanap nitong nobya mo."
"Talaga, yaya?"
Nakaputing kamiseta ang lalaki, habang itim naman ang shorts saka nakasuot ng mamahaling sapatos. Mababakas din ang buong pawis sa kaniyang noo maging sa kaniyang katawan ngunit mukha pa ring mabango ang binata.
"Miss mo 'ko kaagad?"
"H-hindi, tinatanong ko lamang si Manang Sonya dahil--"
"Puwede namang umamin, hon." aniya na sinabayan ng kindat kapagkadaka'y hinalikan ang gilid nang aking ulo.
"Totoo ang sinasabi ko. Nagtatanong lamang ako dahil hindi kita naabutan sa--"
"Yaya, bakit kaya ang hilig mag-deny ng bata rito?"
Natatawa lamang ang matanda saka napapailing sa mga pagbibiro ni Derreck subalit ang masayang biruan ay naputol nang dumaan mismo si Shantal sa gitna naming dalawa dahilan upang mapaghiwalay kami ng lalaki. Awtomatikong lumarawan ang pagkadisgusto sa ekspresyon ng binata dahil sa walang pakundangang ikinilos ni Shantal.
"Nakahanda ka na nang umagahan? Kaninang-kanina ka pa gising pero ang kupad ng mga kilos mo." ani Shantal sa ginang.
"O-oho, Ms. Shantal."
"Shut up, Shantal! Bakit ganyan mo pagsalitaan si Yaya Sonya? Who are you to disrespect elders?" sita ni Derreck ngunit imbis matinag ay umirap lamang ang babae saka iniba ang usapan.
"Look, I apologize. By the way, I've already told ninang about our scheduled escapade for today." anang babae.
Kumunot-noo ako dahil hindi pumapasok sa isip kung anong sinasabi ng babae subalit kitang-kita na naggalawan ang magkabilang panga ng lalaki tila hindi sang-ayon sa sinabi ng dalaga.
"Puwede kang mamasyal mag-isa, Shantal. Nariyan ang sasakyan at walang pumipigil sa'yo. We'll about to explore the other site of our ancestral."
"B-But Tita Marian, arranged this travel for the both of us. Hindi ko lamang maintindihan bakit sinama-sama mo 'yang si Zarina."
"What the f**k! Didn't you also get that we're not even romantically inclined? Zarina is my girlfriend and you were absolutely not. Pinakiusap ka lamang ni mama'! Out of respect to my mother, Shantal, this is way too much for me in fact."
Bigla na lamang nagdabog ang babae at hindi tinapos ang almusal. Nag-aalala akong tumingin sa binata ngunit hindi na lamang kumibo si Derreck saka masuyong hinaplos ang aking braso animo nang-aalo.
Sa huli'y nasunod din ang gusto ng dalaga dahil tumawag ang ina ni Derreck at mahaba-habang talastasan ang naganap sa pagitan ng dalawa. Hindi naging maganda ang kinahinatnan nang huling pag-uusap nila kaya't binaba na lamang ng binata ang telepono.
TANGHALI nang magsimulang tumulak sa bayan, panay ang libot ni Shantal at pilit inaagaw ang atensiyon ng binata ngunit si Derreck mismo ang nagbibigay limitasyon sa dalaga. Kasalukuyan kaming nasa parke at marami sa mga taga-roon ang halos pagpiyestahan ng tingin lalo ang dalawa dahil sa taglay na kakisigan at ganda.
"Derreck, let's go there! That's very enticing!" litanya nito saka tinuro ng dalaga ang magandang tanawin malapit sa pinakagitnang bahagi ng parke.
"You don't have to touch me."
"Sorry Zarina, if you don't mind?" tanong ni Shantal tila nagpapaalam sa'kin upang hiramin ang nobyo.
Ni hindi na hinintay ang sagot ko at walang patumpik-tumpik na basta na lamang hinawakan ng dalaga ang kamay ni Derreck upang igiya patungo roon. Naiwan akong nakasunod lamang sa mga ito subalit mababakas ang halos lukot na mukha ng lalaki habang panay ang ngiti ni Shantal. Tahimik lamang na nakamasid sa mga nadaraanang lugar upang hindi na masyadong intindihin ang literal na pang-aakit ng babae sa kasintahan.
"Zarina, can I ask some favor?"
"A-ano? H-hindi ko maintindihan..."
Natawa ang babae ngunit mariing pinigilan ang bibig tila nang-iinsulto.
"Oh sorry, I really can't help it. Puwede bang makisuyo sa mga basket na nakalagay sa sasakyan?"
"Ako na lamang ang kukuha. Zarina is not your freaking maid." pasuplang saad ng binata.
"No, Derreck! May gusto pa kasi akong puntahan sa banda roon! Kailangan ko ng kasama. Okay la'ng naman sa'yo, Zarina, 'di ba?"
Nag-isang linya ang labi ni Derreck at halatang nagpipigil lamang nang galit.
"A-ako na lamang ang kukuha--"
"Zarina!" tutol ni Derreck ngunit masuyong tumango sa binata tanda na pinagbibigyan ko ang dalaga. Hindi na kumibo at tahimik na tumungo sa sasakyan. Samantala, tuluyang hinatak ni Shantal ang lalaki papunta sa lugar na nais niyang puntahan.
Kalauna'y tinatahak ko ang daan upang sundan sila habang hawak ang basket ngunit mayroong humarang na lalaki sa daraanan. Kaagad nakaramdam ng kakaibang kaba at ang unang pumasok sa isip ay masamang tao siya. Base sa kung paano niya titigan nang mayroong pagnanasa isama pa ang hindi mapagkakatiwalang awra nito.
"Miss, saan ka pupunta? Tulungan na kitang bitbitin 'yang basket mo."
"Maraming salamat pero 'wag na po."
Akmang iiwas sa lalaki subalit muli itong humarang sa dinaraanan ko.
"Sandali lamang, miss! Kinakausap pa kita..."
"Paraanin niyo po ako."
"Masyadao ka namang suplada. Mayroon kasing nakapagsabi sa'king magaling ka raw sa kama?"
Nagulantang ako sa mga pinagsasabi ng lalaki rason upang magmadaling makalayo rito ngunit hindi nasiyahan ang bastos na mama', dahil mariin niyang pinipilit hatakin palayo.
"Bitiwan mo 'ko! Walanghiya ka!"
"Pakipot ka pa? May pambayad naman ako, /wag kang mag-alala!" anito na siyang nagpataas sa balahibo ko.
Hindi malaman kung paano makakatakas sa lalaki, kahit medyo hapon pa lamang ay kakaunti pa rin ang tao sa parteng iyon nang parke.
"Tulungan niyo 'ko! Bitiwan mo ko!"
"Pramis, masisiyahan ka!
Hinampas ko siya nang basket ngunit parang 'di tinablan ang loko, hanggang sa panay ang sigaw upang manghingi ng tulong. Naiwan ang mga impit na tili nang tuluyang takpan ang aking bibig.
"Totoo palang masarap ang mga katulad mong high class na magdalena!" saad nito saka sinabayan ng mala-demonyong ngisi.
'Di ko alam ang mga sumunod na pangyayari lalo nang papalapit na'ng kaniyang labi sa bandang leeg. Mariing ipinikit ang mata at tuluyang nawalan ng pagkakataong makawala sa hayop na lalaki, subalit ang hinahintay na pananamantala'y hindi nangyari.
Nakita ko na lamang na inuundayan ito nang suntok ni Derreck habang si Shantal ay panay ang tili at hindi malaman ang gagawin. Miski ako'y nakiawat sa ginagawa ng binata dahil sa klase ng kaniyang suntok ay parang ayaw na niyang buhayin ang naturang hudlom.
"Derreck for god sake, stop it!"
"B-boss tama na! H-hindi na ko uulit!" pagmamakaawa ng lalaki.
"D-derreck tigilan mo na..."
"Putangina mong gunggong ka! Balak mo pang babuyin ang girlfriend ko?" singhal nito saka binigwasan sa panga.
Umigik ang lalaki at dumura ng may bahid nang dugo sa labi. Kinalaunan ay tumawag ng kapulisan ang binata saka dinampot ang bubog-saradong pobre ngunit bago ipasok sa sasakyan ay tinignan ako nang mamâ saka ngumisi ng nakakaloko. Lulusubin pa sana ni Derreck ng makita ang malademonyong ekspresiyon nito ngunit ako na mismo ang pumigil dito.
Naiwan kami sa harap ng nakaparadang sasakyan. Samantala, panay ang kontak ni Shantal sa kaniyang telepono at kung sinu-sino ang pinagsabihan sa mga insidenteng nangyari, partikular sa ina nang lalaki.
Maya-maya'y ibinaba ni Shantal ang tawag saka nakapameywang na hinarap ako habang may isinasaayos ang binata sa likod ng kotse. Nagpasiyang umuwi na lamang ng wala sa oras dahil sa mga naganap.
"Kasalanan mong lahat 'to! Palagi ka na lamang nandadamay ng mga gulo mo!"
"H-hindi ko alam ang sinasa--"
Nagulantang ako nang dumapo ang palad ng babae sa'king pisngi.
"Kung hindi ka ba naman palaging nagpapakita ng motibo di sana hindi nagiging sanggano si Derreck!"
Napaiyak sa mga tinuran ni Shantal dahil may punto ang babae pagdating sa mga kinikilos ng binata sa tuwing napapasabak ako sa kaguluhan.
"What the hell are you doing to Zarina?" anang lalaki saka masuyong dinaluhan nito.
"Totoo naman ang mga sinasabi ko! Kasalanan niya kung bakit palagi kang nasasangkot sa mga kaguluhan. You're a freakin lawyer and you supposed to defend other people in the court not in your own fist!" literal na may bahid inis ang tono ng dalaga.
"Wala kang pakialam at kailanman walang naging kasalanan si Zarina!"
"Bahala ka! Makikita mo, ipapahamak ka lamang ng babaeng 'yan! Tita Marian will surely thwart that b***h!" lumulan ang babae sa sasakyan matapos magpahayag ng saloobin.
Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili dahil tama si Shantal, may posibilidad na ako ang magdala sa lalaki sa mga gulong mayroong kaugnayan sa trabaho ko noon sa bahay-aliwan.
ILANG ARAW kaming nanatili sa naturang lugar bago tumulak sa maynila ngunit hindi yata titigil ang dalaga dahil sumama pa ito hanggang sa mansiyon ng binata.
Nang makalabas ang babae'y halos mapatulala sa sunod nitong ginawa.
"I'm so thankful that you went with me. I'd really enjoy my vacation,"
Nakangiti ang babae saka dinala ang dalawang kamay sa balikat ni Derreck, kapagkadaka'y biglang hinalikan ng babae sa labi. Nagulat na lamang ang binata at kaagad inilayo ang dalaga.
"What the f**k, Shantal! Why did you do that?" galit ang tono.
"Why? I just said thank you to you..." anas ng babae ngunit abot langit ang ngiti.
"Umuwi ka na. Magpasundo ka sa driver ninyo."
"Do you mind, Zarina? Don't you?" muling anas ni Shantal sa gawi ko.
"Sorry, I can't call my driver. Tita Marian said, you'll drive me home...please?"
Tumingin ang binata sa kinapupwestuhan ko tila humihingi ng permiso. Hindi titigil ang dalaga hangga't hindi nasusunod ang gusto kung kaya sa pang-ilang beses na pagkakataon ay nagpaubaya rito. Mas lamang ang tiwalang mayroon ako sa lalaki rason upang kahit hindi panatag ay pumayag na ihatid ito.
"Zarina, magiging ayos din ang lahat...pangako" bulong sa sarili.