'DI HALOS MAKATULOG dahil magmamadaling araw na ngunit wala pa rin ang sasakyan ng binata. Bakit kaya natagalan siya?
Nang magbakasyon kami sa Belleza-Garcia at minsang ihatid ni Derreck si Shantal ay parang nagkaroon ng kakaibang kilos sa binata. Parang malayo ang lalaki kahit pa nasa iisang bubong lamang kami nanunuluyan. Ayokong pagdudahan ang katapatan ng binata subalit sinong hindi makakaisip na baka nagkakamabutihan na'ng dalawa kung ganitong makailang ulit na siyang umuuwi nang disoras ng gabi. Madalas ay lasing at hindi makausap nang matino ngunit kapag nahimasmasan ay hindi masyadong nagkukuwento.
Ilang sandali ang nakalipas nang mapaigtad at marinig ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Derreck. Sinilip ko mula sa siwang ng bintana at nakompirmang ang binata nga.
Dali-daling bumaba upang salubungin ang lalaki hanggang sa maabutan siyang nagtatanggal ng kurbata at nakasalampak sa pang-isahang upuan.
"B-bakit ngayon ka lamang nakauwi?"
"Maraming ginawa sa opisina."
"Kumain kana?"
"Yes."
Hindi maikakaila ang samyo ng alak sa kaniyang kabuuan ngunit ayokong maging simula ng argumento ang mga napapansin na kakaibang gawi ng binata.
"D-derreck, may problema ba tayo?"
"Pagod lamang ako, Zarina."
"Lasing ka? Akala ko ba marami kang ginawa sa opisina? Amoy na amoy 'yang alak sa---"
"Kailangan ko bang sabihin lahat sa'yo? Bawat galaw o bawat kibot ko?" medyo mataas ang boses nito marahil dala nang espiritu ng alak.
"H-hindi ka nagsasabi ng totoo. Ikaw nagsabi sa'kin na hindi dapat magtago ng sekreto sa isa't-isa..." anas ko subalit pinipigilang manginig ang boses dahil sa nagbabadyang luhang gustong kumawala sa mata.
Hindi nakakibo ang binata at basta na lamang umakyat sa itaas. Nakaramdam ako nang kaunting kirot sa puso dahil sa lantarang pambabalewala ng lalaki. Matapos maiwang nag-iisa sa sala'y 'di muna nagtungo sa silid sapagkat nahuhulog ang utak sa mga posibleng nangyari kay Derreck, halos madaling araw narin dinapuan ng antok.
ISANG HAPON AY NAABUTAN ko ang binatang mayroong kausap sa telepono at ayon sa reaksiyon ng lalaki'y parang galit na galit ito. Hindi nga lamang maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.
"f**k! Did he tells you the reason of backing out?"
Patlang.
"That is freaking petty! Hindi ko kamo kailangan nang partnership sa mga makikitid ang utak, Alcantara!" singhal ng lalaki saka padarag na ibinaba ang telepono.
Lumipad ang mata sa gawi ko na sadyang natitigilan subalit hindi halos makakibo dahil sa galit na mababakas sa kaniyang mukha.
"N-nagluto ako ng paborito mong---" giit ko.
"H'wag ngayon, Zarina. Marami akong problemang kinakaharap..."
Ni walang pagsuyong maaaninag sa boses ng lalaki bago ako dinaanan na parang hangin. Hindi ko alam kung saan ang tungo niya dahil dumiretso ang binata sa nakaparadang sasakyan ng wala man lamang paalam.
"Mukhang may mapapaalis sa mansiyon ng wala sa oras." saad ni Ma'am Lydia.
Hindi napansin ang mayordoma na dumaan sa gilid ko at kasalukuyang nakapameywang, bakas ang kasiyahan sa mukha ng babae dahil sa mga nangyayari sa pagitan namin ng kasintahan. Imbis patulan ay tahimik na dumiretso ng kumedor ngunit naririnig pa rin ang patutsada nito.
"Hindi rin magtatagal babalik ka sa pinanggalingan mo kaya kung ako sa'yo, hija... babaan mo ang lipad." anito na binuntutan pa nang nambubuyong tawa.
Mariing napapikit at pinipilit pakalmahin ang kalooban upang 'wag patulan ang mayordoma, napahawak na lamang sa gintong kuwintas dala nang matinding agam-agam dahil sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Derreck. Ilang beses nagkaroon ng ganoong insidente hanggang sa lumipas ang isang linggo, kasalukuyan akong nagwawalis sa bakuran sa likuran ng mansiyon. Ayokong masabihan ng prima donna o nagmamataas kaya kahit kasintahan ng lalaki'y tumutulong sa mga gawain sa mansiyon.
"Zarina..."
" Ang aga mong umuwi. W-wala kang gagawin sa opisina?"
"Uhm, may dinner tayong pupuntahan mamaya."
Pilit kong hinuhuli ang kaniyang mga mata ngunit umiiwas lamang ang lalaki tila mayroong itinatagong hindi ko malaman. 'Di na siya nanatili sa bakuran at kusang tumungo sa loob ng mansiyon. Kung ako ang tatanungin ay ayokong sumama sapagkat makikita lamang ang mga magulang ng binata. Para bang lumiit ang aking mundo dahil maging ang binata'y unti-unting nawawala base sa kung paano niya itrato nitong mga nakaraang araw.
Dumating ang oras na tutungo kami sa napag-usapang lugar. Kapagkadaka'y ipinarada ni Derreck ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling kainan at mula sa loob ay matatanaw ang magarang mesa na sadyang nakalaan yata para sa pamilya ng binata, ngunit bumundol ang kaba sa puso nang hindi lamang mga magulang ng lalaki ang narororon maging si Shantal at ang ina nito. Naroroong din ang ilang mga 'di pamilyar na mukha na sadyang nakatunghay sa mahabang hapag tila kami na lamang ang hinihintay.
"D-derreck, anong nangyayari?"
Hindi kumibo ang lalaki ngunit halatang naggalawan ang panga nito. Kumapit sa braso ni Derreck subalit walang kababakasang kahit anong emosyon ang binata, lalo nang lumapit sa mga naroroon.
"Finally hijo! We've been waiting for you for almost a decade," anas ng ina kung saan sadyang nagtawanan ang mga panauhing naroroon.
"Let us hurriedly finish this nonsense scenario, mama," seryosong saad ng binata.
Nagmamasid lamang sa mga naroroon, base sa mukha nang ginang ay hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kaniyang anak. Makikitang nakatingin ang lahat sa'kin ngunit mapanuri ang mga iyon at halatang hindi sang-ayon sa pakikisalo sa kanila. Halos dinadaga ang puso lalo't mahahalata kay Don Raul ang matiim na tingin sa kaniyang nag-iisang anak.
Tahimik kaming naupo malapit sa magulang ng lalaki. 'Di sinasadyang mapatingin sa dalagang kuntodo ang postura at nakataas ang kilay ngunit nang dumako ang mata sa gawi ko'y ngumisi ng nakakaloko ang babae.
"Bagay na bagay talaga sila, amiga." naulinagan kong saad ng medyo may edad na babae.
"I know, dear," sagot ni Donya Marian.
Nagtawanan ang mga naroroon at halos naging tampulan ng pambubuyo dahil sa literal na pagpapares sa dalawa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya animo nais nang lumubog sa lupa. Nagsisising sumama sa binata subalit mas lamang ang kirot lalo't walang ginagawang aksiyon si Derreck upang itama ang kanilang mga salita, tila sang-ayon ang binata sa mga ito kahit pa sa katotohanan, ako ang kaniyang kasintahan.
"Everyone, I am so glad that you all gathered here in this one of a kind moment of happiness for the union of my son and my goddaughter, Shantal Magno." pahayag ng ama ni Derreck kapagkadaka.
Maya-maya'y itinaas ang hawak na kopita, rason upang medyo maalarma saka tinignan ang mga naroroon at nakigaya sa kanila subalit napansing nanunuya at nagpipigil matawa ang mga ito dahil sa ikinilos ko.
"Wow, Zarina! You really amaze me for being so funny! Oops, sorry hindi mo nga pala naiintindihan kaya tatagalugin ko..." sabad ni Shantal kaya unti-unti kong ibinaba ang hawak na kopita dahil sa kahiya-hiyang sitwasyon.
"Shantal, shut your mouth up!"
"Why? There's nothing wrong of telling her that we're now engaged."
Natahimik ang lahat dahil sa sagutang nangyayari sa pagitan nina Derreck at nang dalaga.
"A-anong nangyayari?" inosenteng tanong ko sa lalaki.
"Uuwi na tayo, Zarina..."
Hinatak ng binata palabas nang naturang restawran, subalit hindi malaman ang dapat gawin dahil maging ang mga magulang ni Derreck ay kakikitaan nang pagtutol.
"Hindi pa tapos ang pagsasalo, hijo." ani Don Raul.
"Ito ba talaga ang gusto ninyong mangyari?" tanong ni Derreck.
"Bakit hindi mo na lamang sabihin sa babaeng 'yan ang totoo? Para matapos na ang pagpapantasiya niya?"
"Mama!"
"A-anong totoo?"
Pabalik-balik ang mga mata sa lalaki maging sa mga taong naroroon, tila pinlano ang pagtitipong iyon upang tuluyang ilubog ako sa putik.
Hindi kumibo ang binata saka padarag akong hinatak palabas, dumiretso kami sasakyang nakaparada sa labas ngunit nanatili akong nakatunghay sa binata.
"A-anong sinasabi nilang totoo, D-derreck?" mahinang saad sa binata.
"Sumakay ka na muna sa sasakyan. Mamaya na tayo mag-usap..."
"H-hindi..."
"Please, Zarina! Huwag matigas ang ulo mo!" tumaas ang boses nito.
"Sabihin mo sa'kin kung ano ang totoo!"
Mariing napapikit ang lalaki saka tumikom ang bibig hanggang sa nabalong kami ng mahabang katahimikan.
"C'mon, Zarina...sumakay kana muna, nakikiusap ako."
Umiling sa binata sapagkat nais ng pusong malaman ang mga sinabi ng mga tao sa loob para man lamang sa ikakatahimik ko.
"Please..."
"H-hindi! A-anong totoo? Sabihin mo sa'kin!" mariing hinampas ang dibdib ng lalaki at nagsisimulang pumatak ang mga luha.
"Ano?!" hindi ko mapigilang sumigaw habang patuloy na binabayo ang balikat ni Derreck.
"I'm sorry, Zarina..."
"A-anong totoo?" luhaan na humarap sa lalaki.
"I-Ikakasal na 'ko."
Parang bombang sumabog sa pandinig ang mga salitang iyon nang lalaki ngunit iisa lamang ang tumimo sa isip. Niloko ako ng taong pinagkakatiwalaan ko nang buong puso. Nang taong akala ko magiging tanggulan at makakapitan sa mga pang-aalispusta at panghahamak ng iba.
"N-niloko mo lamang ako!" basag ang aking boses habang walang pagsidlan ang luhang dumadaloy sa mga mata.
"I'm sorry, Zarina. I'm really sorry. K-kailangan ko lamang gawin 'to dahil kay Papa'. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang lahat..."
"Kahit anong sabihin mo, iisa lamang ang magiging sagot, Derreck. Niloko mo 'ko! Pinagkatiwala ko sa'yo lahat...lahat, lahat..."
"Z-zarina, bigyan mo lamang ako ng panahon. Aayusin ko 'to. Pangako!"
Matamang nanahimik ang bawat isa subalit wala akong makapang kahit anong emosyon dahil tila namanhid ang puso sa mga nangyayaring pagkabigo sa kauna-unahang tao na pinag-alayan ko ng pag-ibig.
Ni hindi nga namalayang nakalulan sa sasakyan at halos parang nakalutang ang mga paa habang papasok sa mansiyon ng binata. 'Di magawang lingunin ang lalaki dahil sa matinding sakit na nararamdaman kaya dumiretso sa nakalaang silid upang doon ibuhos ang lahat nang sama ng loob.
KINABUKASAN, mabigat ang aking pakiramdam at hindi magawang kumilos. Hindi ko alam kung saan magsisimula o anong magiging papel sa buhay ng binata. Marapat na sigurong umalis sa poder nito. Buuin ang pagkatao nang mag-isa at walang ano mang bagay na may kaugnayan sa lalaki.
Nang makalabas sa kuwarto ay nasalubong ang binata, akmang lalapit si Derreck ngunit ako mismo ang umiwas saka dumiretso sa beranda upang simulan ang mga normal na gawain sa pamamahay ng lalaki.
"Zarina, kailangan nating mag-usap..." putol nito sa katahimikan.
Inihinto ko lamang ang kasalukuyang ginagawa saka matamang humarap sa kaniya.
"Inaayos ko nga pala lahat ng mga gamit ko. Salamat sa pagpapatuloy sa'kin sa pamamahay mo." anas ko.
Umiwas sa binata at akmang papasok sa mansiyon.
"Hindi kita pinapaalis dito sa mansiyon..." anito habang hawak ang braso ko, subalit unti-unting inalis ang kaniyang mga kamay.
"Hindi porket wala akong pinag-aralan, hindi ko narin alam ang salitang dignidad, Ser. Anong gusto mong gawin ko? Panoorin kayo habang magkasama? Bagay na bagay nga pala kayo dahil parehas na mayaman, edukado, at pantay ang estado."
"Zarina, ang sabi ko bigyan mo 'ko nang panahong ayusin 'to."
Hindi ako nakakibo at tintimbang ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Derreck. Ayoko man ngunit bakit umaasa sa mga bagay na walang kasiguruhan para lamang makasama ang binata?
DUMATING ang mga gabing hindi nagkikita at madalas wala ang lalaki. Mayroong pagkakataong bumisita ang ina ni Derreck kasama si Shantal at hindi naging maganda ang mga pangyayari, lalo't nalaman nilang nakatira parin sa mansiyon. Nagsimulang umuwi ang binata na palaging lango sa alak hanggang sa isang gabing hindi na naman umuwi ng maaga ang kasintahan, kaya halos pabiling-biling sa higaan, subalit napabalikwas nang upo ng tumunog ang selpon na ibinigay ni Derreck.
Kaagad tinignan kung kanino galing ang mensahe.
'Zarina, sunduin mo 'ko sa Flip Bar. Lasing na yata ako...'
Walang kaabog-abog na lumabas ng mansiyon at humanap ng masasakyan upang tunguhin ang sinasabi nitong lugar. Kinakabahan ako dahil unang beses na bumiyahe mag-isa sa lungsod. Ganitong disoras ng gabi, subalit hindi alintana ang kapahamakang maaaring suungin para lamang maiuwi sa mansiyon ang lalaki.
Ilang minutong halos panay ang tingin sa mga nadaraanang eskinita at maluwag na kalsada, nang inihinto ni kuya sa isang lugar na mayroong iba't-ibang ilaw at karamihan ng mga tao'y magaganda ang postura.
"Ineng, narito na tayo sa lugar na sinasabi mo."
"I-Ito po ba ang Flip Bar?"
Bahagyang tumango ang matanda saka ko iniabot ang bayad at dahan-dahang umalpas sa sinasakyan. Nang tuluyang makalapit sa loob ay wala halos sa konsentrasyon dahil inoobserbahan ang mga taong labas masok sa naturang gusali. Malakas ang tugtugin at mayroong mga naghihiyawan sa loob. Muntik pang matumba dahil nabunggo ng mga grupo ng magkakaibigang palabas sa entrada.
"Watch out, b***h!" litanya ng magandang babae na halos luwa na yata ang dibdib sa kasuotan.
"P-Pasensiya na..."
Inirapan lamang nito bago sumunod sa mga kagrupo. Muling inilibot ang mga mata habang papalapit sa pinto, kung saan mayroong mga bantay. Nakiusap sa dalawang papasukin sa loob upang maalalayan ang kasintahan.
"Miss, hindi puwede 'yang suot mo rito."
"Susunduin ko lamang po ang nobyo ko."
Ngumisi ang isang bantay at halatang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Sige na miss, umalis ka na dahil hindi ka talaga makakapasok. 'Wag mo nang ipagpilitan ang gusto mo."
"P-Pero mga Ser, kailangan ko lamang--"
Tuluyang isinara ang magkabilang pinto rason upang makaramdam ng panlulumo. Halos ilang minuto ring nakatayo sa gilid hanggang sa dumaan ang isang pamilyar na bulto.
"X-xavier?"
Natigilan ang binata saka kumunot-noo animo pinipilit alalahanin kung saan unang nakita.
"Saan nga ulit kita nakilala, miss?"
"Z-zarina ang pangalan ko."
"Wait? Zarina? I knew it! You're Derreck's girl," aniya.
Nakatingin lamang sa binata ngunit base sa mga sinabi niya ay natatandaan na nito.
"Anong ginagawa mo rito sa labas?"
"Kailangan ko lamang sunduin si Derreck dahil tinamaan na yata ng alak."
"Si Derreck tatamaan ng alak? That's fuckin' absurd, Zarina!"
Hindi ko maintindihan ang nais turan ng lalaki ngunit nagulat na lamang nang inakbayan ni Xavier saka igiya sa entrada dahilan upang muling nakaharap ang dalawang bantay na kababakasan ng gulat sa mga mukha.
"Sir, she's not allowed to enter the Flip Bar because of our dress code."
"Who told you?"
Hindi nakakibo ang dalawang lalaki saka tahimik na niluwangan ang pinto hanggang sa makapasok kami sa loob ng walang kahirap-hirap. Sinamahan ng binata hanggang sa pinakaloob kung saan literal ang kaguluhan at malakas na tugtog. Mayroong mga nagsasayawan at ilang nag-iinuman na pulos anak-mayayaman dahil sa uri nang kanilang pananamit.
"Hinahanap ko si ulupong!" anas ni Xavier.
"Ang sabi niya narito raw siya sa Flip Bar." tugon ko.
Panay ang tingkayad ng binata tila inaaninag ang mga tao para lamang mamataan ang kaibigan hanggang sa nagliwanag ang mukha ni Xavier at hinatak ako palapit sa isang pulang upuan.
"There you go, Zarina!" anito.
Nakaupo ang lalaki at halos nakayuko sa sulok ngunit akmang lalapitan ang binata nang makita si Shantal sa tabi nito.
"Uh-oh!" reaksiyon ni Xavier nang makita ang dalagang kasama ng kaibigan.
Hindi pa nakontento ang dalawa at halos lingkisin ng babae ang kasintahan na tinugon naman ni Derreck nang mapusok na halik.
"Oh, man. You're totally dead!" muling saad ni Xavier.
Matapos maghalikan ng dalawa'y pinunasan pa ni Shantal ang labi ng binata hanggang sa 'di sinasadyang dumako ang mata ni Derreck sa kinatatayuan ko.
"Z-zarina?"
Napakamot sa ulo si Xavier at pilit pinapagaan ang sitwasyon ngunit kahit anong panakip butas sa mga natuklasan ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ang kaninang pangyayari.
"Hi, Zarina...did you like what you've seen?" sarkastikong saad ni Shantal.
Nagpasiyang umalis sa naturang bar hanggang sa awtomatikong pumatak ang mga luha sa nanlalabong mata. Hindi malaman kung paano pahuhupain ang sakit o kirot ng damdamin. Dinig na dinig ang pagtawag ni Derreck sa pangalan ko subalit nanatiling bingi at hindi na muling lumingon sa mga ito. Gano'n katindi ang naging epekto ng binata sa mga bagay na mayroong kinalaman sa'king puso.
Nang makalabas sa bar ay hinintay na mayroong humintong pampublikong sasakyan upang madaling makasakay ngunit nang akmang tatawid sa kabilang kalsada ay mayroong pumigil sa'kin.
"Zarina, wait...magpapaliwanag ako!"
"Bitiwan mo 'ko!" pahayag ko saka piniksi ang kamay ngunit determinado ang binatang kausapin siya.
"Mali ang nakita mo, Zarina. H-hindi ko alam--"
Sa sobrang emosyong pumupuno sa dibdin ay humarap sa binata at 'di mapigilang dumapo ang palad sa pisngi nito.
"Binigay ko ang buong tiwala ko sa'yo. Lahat ng mga bagay na iniingatan ko, pati buong pagkatao ko, Derreck. Hindi ako kailanman humingi ng kahit anong kapalit dahil sapat na sa'king nariyan ka. Kahit may mga panahong gusto ko nang umalis dahil sa mga pang-iinsultong natatanggap ko sa mga taong nakapaligid sa'yo, pinipilit kong makibagay, pinipilit kong pumasok sa mundo mo. Ipantay ang mga paa ko sa estadong mayroon ka dahil...dahil gano'n kita kamahal...pero, pero bakit pinili mo 'kong saktan? Sana noong una pa lamang pinigilan kong mahulog sa'yo..." luhaang pahayag sa binata.
Lumakad ako palayo sa lalaki subalit hindi natinag si Derreck at sinundan hanggang sa kabilang kalsada. Patuloy sa paglalakad habang tinatawag ng binata subalit nagbibingi-bingihan at nagkukunwaring hindi nakikita ang binata. Maya-maya'y mayroong grupo ng mga kalalakihang nakasakay sa isang malaking sasakyan na sadyang huminto malapit sa kinaroroonan namin, ngunit dahil wala sa huwisyo ay hindi alintana ang maaaring kapahamakang idulot nito.
"Zarina, halika na...uuwi na tayo sa mansiyon."
"Uuwi akong mag-isa."
"Nakikiusap ako sa'yo. Pag-usapan natin 'to nang maayos." mahinahong saad ng binata.
"Tigilan mo na 'ko! Wala tayong dapat pag-usapan.
Medyo madilim sa paligid kung kaya hindi masyadong maaninag ang mga kalalakihang nakatambay sa sasakyan. Kasalukuyang nagtatawanan ang mga ito at halos makikita ang kapal ng usok na nanggagaling sa loob.
Wala akong pakialam sa paligid sapagkat mas lamang ang sakit na ipinaparamdam ng binata. Maya-maya'y nakuha namin ang atensiyon ng mga ito dahil sa pangungulit ng binatang maisakay sa sasakyan niya. Bahagyang naalarma ng mayroong mangilan-ngilang lalaki ang lumapit sa direksiyon namin.
"Miss, you need help?"
"Spare us, dude. This is a private conversation..." anas ni Derreck.
"Mukhang pinipilit mo lamang ang babaeng sumama sa'yo. Paano mo nasabing pribadong pag-uusap?" sarkastikong saad ng lalaki habang nakitawa lamang ang isang kasama nito.
"Mabuti pa sa'min ka na lamang sumama, miss." saad ng huli.
Nabagdan ako nang takot lalo't pursigidong dalhin ng mga kalalakihan sa nakaparadang sasakyan.
"Don't touch my girl, dude." muling saad ni Derreck ngunit halata na ang galit na lumalarawan sa mukha nito.
"H-hindi po ako sasama inyo."
"Pakipot ka naman, miss. Mas mukhang mapapasaya ka naman namin kaysa sa lalaking 'to!" nakangising pahayag ng binata.
"Tarantado ka, ah!" ani Derreck saka inundayan ng suntok ang lalaki.
Nagulantang ang isang kasamahan nito bago tumulong sa kaibigan. Halos dala-dalawa na silang nakikipagpambuno kay Derreck. Sumisigaw ako at naghahanap ng tulong, pinipilit awatin ang mga ito, ngunit mas naging grabe ang rambulan hanggang sa makuha ang atensiyon ng iba pang kasamahan ng dalawa.
"Gago ka! Ang tapang mo ha?" singhal ng isang lalaki habang hawak naman ng kasamahan ang dalawang kamay ni Derreck.
"Tama na po!" sigaw ko.
"Dude, what the heck is happening here?" saad nang isa pang kalalakihan.
"Putanginang to', ang tapang ng apog! Ako pa kakalabanin?"
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, Lee." anang isang nakatalikod na lalaki.
Gumapang ang takot sa buong katawan ng mapagtantong si Mr. Ching ang isa mga kasamahan nito.
"Tama na, nakikiusap ako!" humarang sa lalaki.
"Wow! The high and mighty prostitute! Huwag pakawalan 'yan at magbabayad sa'kin ng malaki ang putang 'yan!"
Hinawakan ako ng mahigpit nang lalaki at pilit pinipirmi dahil sa'king walang habas na pagkawag. Limang kalalakihan ang naroroon na halos umunday sa binata. Makikita ang pumutok na labi at bukol sa magkabilang mata ng nito. Mayroon pang tumalsik na dugo na lalong naging dahilan upang tuluyang bumagsak si Derreck. Hindi pa nakontento ang mga kalalakihan nang pinagtatadyakan ang buong katawan ng kasintahan.
Hindi ko maisip ang kondisyon ng binata nang mayroong mga kalalakihang huminto rin sa nangyayaring kaguluhan. Doon nagsibaba ang mga bulto ng pamilyar na mukha.
"What the heck did you do to my freaking comrade?" tanong ni Xavier.
"Tangina! Muntik niyo nang patayin ang kaibigan ko, ha!" saad ni Richmond.
Nagsimulang bumuo ng sirkulo ang mga HOMIGEN at doon isa-isang umunday ng suntok ang mga ito. Mayroong humatak sa'kin palayo ngunit nagpupumiglas upang makatakas dito.
"f*****g let go of Zarina or to be early on occupying your room to hell?" ani Judas kapagkadaka.
Hindi natinag ang lalaking may hawak sa'kin kaya't madaliang binigwasan ng binata. Doon pa lamang nakawala mula rito at literal na inalalayan ni Judas palayo sa kaguluhan. Matapos ang ilang sandali'y mayroong rumespondeng kapulisan sa nangyaring rambulan. Sumunod ang ambulansiya at doon makikitang inihiga ang kasintahang punung-puno ng pasa sa bawat parte ng katawan. Naroroon din si Shantal at nakatunghay sa binata, binalak kong lumapit ngunit masuyong inalok ni Judas na sumakay sa sasakyan nito.
"Zarina, sumakay ka na muna. Ihahatid kita nang maayos sa ospital na pagdadalhan kay Derreck."
Gustuhin mang tumanggi at sumunod o sumakay sa ambulansiya subalit nakaalis na ang sasakyan kung kaya minabuting sumabay na kay Judas. Samantala, dinamot ang lahat ng mga kagrupo ni Mr. Chinga at maging ang hayop na lalaki'y nakaposas. Sunud-sunod na lumulan ang miyembro ng HOMIGEN upang marahil magbigay ng kanilang pahayag hinggil sa nangyaring kaguluhan.
Habang-daan ay tahimik na nakamasid sa labas ng bintana. Hindi rin kumikibo si Judas at parang naiintindihan ng binatang kailangan kong magpahinga sa mga sala-salabat na kamalasang nangyayari sa pagitan namin ni Derreck.
St. Kleeney Hospital
Nagmamadali akong tumungo sa tanggapan ng pribadong ospital upang tanungin ang impormasiyon ng lalaki. Kung saang kuwarto dinala ang binata habang si Judas ay nanatili sa tabi ko.
"Miss, where's the patient named Derreck Vera Garcia?" tanong nito sa babae.
"Sir, dinala po siya sa ICU dahil medyo malala po ang mga naging sugat niya."
"Thank you."
Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa mga narinig hanggang sa sumunod sa binata patungo sa sinasabi ng nars. Doon ay naabutan si Shantal na nakaupo sa gilid at mayroong katawagan. Balot din nang ilang mantsa ng dugo ang babae dahil siya ang nakasama ni Derreck sa ambulansiya.
"How is he?" bungad ni Judas sa dalaga subalit imbis sagutin ay dumiretso sa kinatatayuan ko at isang malakas na sampal ang iginawad nito.
"This is what I'm talking about! Dadalhin mo lamang sa kapahamakan si Derreck dahil sa pagiging bayarang babae mo!"
"Shantal! Stop hurting, Zarina! It wasn't her fault!" saway ni Judas.
"Who should be the one to be blame of, huh? Kung hindi siya nag-inarte, edi sana walang nangyaring ganito." singhal ng babae saka dinuro ang ulo ko ngunit mabilis na inilayo ni Judas sa dalaga.
"Stop it!" anang kaibigan ni Derreck.
Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili dahil kung susumahin ay ako nga ang rason kung bakit nasa ICU ang binata. Gustung-gusto kong masilayan ang kasintahan at sabihing mahal na mahal ko siya ngunit ni hindi makalapit dahil naroroon si Shantal.
Sari-sari ang negatibong bagay na nagsasalimbayan sa'king utak, idagdag pa ang kalagayan ng lalaki. Hindi ko mapapatawad ang sarili kung tuluyang may mangyaring masama sa binata.
Maya-maya'y dumating ang mga magulang ng binata. Lalong hindi nagkaroon ng pagkakataong makalapit kay Derreck dahil sa galit na nakalarawan sa mukha ng mga ito.
"How dare you did this to my son!" singhal ni Donya Marian habang walang pagsidlan ang mga luhang kumakawala sa mga mata.
Hindi ako halos makakibo at pulos atungal o hikbi lamang ang lumalabas sa'king bibig. Naramdaman ko na lamang ang sunud-sunod na hampas ng ginang sa'king mukha at ilang mga sabunot na natamo rito. Mariing inawat ni Judas ang matandang babae habang si Don Raul ay inalalayan ang asawang pilit kumakawala upang undayan ako ng mga hampas dahil sa nararamdamang pagkamuhi.
"If something bad will happen to my son! I swear that you'll be rotten in jail, you cunt!" gigil na saad ng ginang.
"Calm down, Tita Marian. Baka kayo naman ang mapaano," saway ni Shantal ngunit mala-asido ang iginagawad na tingin sa'kin.
"Judas, ilayo mo ang babaeng 'yan. Hindi nakabubuti sa asawa ko kung patuloy na mananatili iyan dito."
Seryoso ang emosyong makikita sa ekspresiyon ni Judas habang pinagsasabihan ni Don Raul. Maya-maya'y iginiit nitong lumayo muna o umuwi sa pamamahay niya upang makapahinga.
"Zarina, sumama ka muna sa'kin. Kailangan mo ring magpahinga." ayon sa binata.
"H-hindi...k-kailangan kong malaman kung ayos lamang si D-derreck..."
"P-pero, Zarina..."
"Nakikiusap ako, Judas..." anas ko na halos hilam sa luha ang mukha.
Binalak kong silipin kahit sa malaking salamin ang kasintahan ngunit hindi pumayag ang mga magulang nito. Mariing hinarangan ng matandang lalaki at kakikitaan nang pagkapoot ang kaniyang mukha.
"Umalis ka na. Ayokong makita ang pagmumukha mo sa kahit saang sulok ng ospital na 'to. Hindi ka nararapat sa anak ko. Huwag mong hintaying gamitin ko ang kapangyarihan ko para lamang mawala ka sa landas ng anak ko, hija." mayroong diin ang bawat salita ng ama ni Derreck na lalong nagpabigat sa kalooban sapagkat hindi na muling masisilayan ang binata.
"N-nakikiusap po ako, kahit isang segundo lamang po...gusto kong makita ang anak ninyo..." halos magwala sa harapan nila ngunit nanatiling matigas ang mga ito.
Lumuhod ako at nagbabakasaling pagbigyan nina Don Raul at Donya Marian ngunit walang kahit anong tugon galing sa dalawa at tanging si Shantal lamang ang bumirada ng mga masasakit na salita.
"Kahit humalik ka pa sa lupa, wala kang mapapala." anang dalaga na sinadya pang tapakan ang mga daliri ko.
"Hey, woman! Will you fuckin' stop it? Let's go, Zarina..." giit ni Judas saka mariing hinatak palayo sa mga ito.
Pilit akong kumakawala mula sa mahigpit niyang hawak subalit hindi na pinagbigyan ng binatang makaalpas hanggang sa tuluyang mailagak sa nakaparadang sasakyan. Walang tigil ang aking pagluha dahil sa labis na pag-aalala sa lalaking minamahal.
"D-derreck..."