TYRION LANNISTER Nabaling sa akin ang atensyon ng lahat at nagtataka nila kong binalingan ng tingin. Wala naman akong maisagot sa kanila dahil hindi ko rin naman alam kung bakit nanghina bigla ang dalawang binti ko. "Tyrion, ayos ka na ba?" Unang lumapit sa akin si David dahil siya naman ang kasama ko kanina pa at siya ang nakakaalam kung bakit nanghihina ako ngayon. Kahit nga ako ay hindi ko alam kung bakit nanghihina ako e. "Ayos lang ako, pero bakit nanghihina ang binti ko e nakaupo lang naman tayo?" Ngumiti sa akin si David at tinitigan niya ko ng diretso sa aking mata. "May ginawa ka ba kanina habang nakaupo tayo?" Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay sinagot niya rin ako ng isang katanungan. Bumuntong hininga ako ng malalim, pero napagpasiyahan kong sagutin ang kani

