Mula nang mangyari ang aksidenteng iyon kay Alexa , hindi na siya lumalabas ng mansiyon. Ang mga sugat niya sa katawan ay naghilom na. Ngunit pansin ko ang palagi niyang pagsulyap sa labas ng mansiyon na parang laging may hinihintay. Palagi ko rin siyang nakikitang nakatulala, malalim ang iniisip. Ilang buwan ang nagdaan. Mas lalo pang lumago ang aming negosiyo kaya sobrang abala ako sa nagdaang mga araw. Nakilala pa lalo ang aking pangalan sa Business Industry kaya maraming umaaligid sa aking mga babae na halos ipagduldulan ang kanilang mga sarili sa akin para lamang mahawakan ko sila ngunit na kay Olivia na ang puso ko. Nagagawa ko pa ring bigyan siya ng oras sa pagitan nang mahigpit kong schedule. Mabibilang lang sa mga daliri ang pagdala ko sa kaniya sa labas. At kung lalabas man k

