Chapter 26

2279 Words

Pinaputok nito ang kaniyang mga daliri, ganoon din ang kaniyang leeg. “Ito ang hinihintay ko. Ang makalaban ka kahit isang beses lang.” Hindi ako umimik. Nakatayo lamang ako at hindi gumawa ng kahit ano mang galaw. Mas matanda siya kaysa sa akin at marami nang karanasan sa pakikipaglaban ngunit hindi ko siya uurungan. Hindi ako magpapatalo. “Malaki ang binigay ng aking boss noon upang makalaban kita ngunit hindi pumayag si Asher,” natatawang saad nito. “Mukhang alam niya na matatalo kita kaya hindi niya iyon tinanggap. Kating kati na ang aking mga kamay na kalabanin ka.” Naglakad ito palapit sa akin. Nagtiim-bagang naman ako habang malamig ang matang nakatingin sa kaniya. Pinapag-aralan ko ang bawat kilos nito. Tinitingnan kung saang parte ng katawan siya mahina. Patago akong ngumisi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD