“DAMN YOU! I hate incompetent people! Alam mo iyon, Damian! Simpleng trabaho lang ang ipinapagawa ko, hindi mo pa magawa nang maayos!” Tinadyakan ko si Damian habang nakaluhod sa harapan ko. Napahiga siya sa sahig Bago pa man siya makabangon, nilapitan ko siya. Agad kong hinila ang baril na nakasukbit sa baywang ng tauhan kong nakatayo lang sa tabi. Ikinasa ko ang baril at mabilis na itinutok sa bandang ulo ni Damian. Biglang bumangon si Damian at nangunyapit sap aa ko. “Boss, maawa ka sa akin! Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon! Hindi na ako uulit! Hindi na ako magkakamali!” pagssusumamo niya. Pero hindi ako natinag. Bingi na ako sa mga pakiusap. Itinutok ko ang dulo ng baril sa mismong noo niya saka ko kinalabit ang gatilyo. Duguang bumagsak si Damian. Dilat pa ang mga mata niy

