SEVEN YEARS LATER “Mommy, do I have a daddy?” Napakamot ako ng aking sa tanong ni Bethany. Ito ang panganay sa kambal kong anak. Si Shiloh ay mas bata ng kalahating oras dito. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Kaya nahihirapan ang ibang tao kilalanin ang dalawang bata. Pero pagdating sa pag-uugali ay magkaibang-magkaiba ang dalawa. Masayahin, madaldal, at mahilig magtanong si Bethany. Samantalang tahimik at mahiyain si Shiloh. Kung hindi ito kakausapin ay hindi magsasalita ang anak kong iyon. Ilang beses nang nagtanong sa akin si Bethany tungkol sa daddy niya. Ang dami ko nang ibinigay na dahilan pero kinukulit pa rin niya ako hanggang ngayon. Hinaplos ko ang buhok niya saka ko siya nginitian. “Of course, baby, you have a daddy.” “So, where is he? Why is he not coming home?” “Ba

