NANG araw din na iyon ay nag-impake kami ng ilang gamit ni mommy. Kinabukasan madilim pa lang ay umalis na kami ng bahay. Si mommy ang nag-drive. Ayaw naman niya kasing isama namin ang family driver na si Manong William. Kaya na raw ni mommy ang magmaneho sa buong biyahe. Hindi ko alam kung saang lupalop matatagpuan ang Isla de Montebello. Ayaw naman kasing sabihin ni mommy ang exact location ng lugar. Basta ang alam ko lang nasa probinsiya ito. Wala pang kalahating oras ay nakalabas ng Manila. Binabaybay na namin ang kahabaan ng North Luzon Expressway. “Saan papunta ang lugar na ito, mommy?” usisa ko habang tinatanaw sa bintana ang napakaluwang na kalsada. “Sa Norte ang punta natin.” “Norte? Saan iyon?” “Norte ng Luzon, ang lugar ng mga Ilocano.” Napatango ako. “Sa Ilocos po b

