Chapter 5 - Tease or Seduction?

1071 Words
“GOOD morning, mommy!” Nanigas ang mga paa ko nang marinig ang pagbati ni Rodel. Nakalimutan kong siya pala ang makakasabay ko sa almusal. Kung alam ko lang na maaga pala siyang bumabangon, sana nagpahatid na lang ako ng pagkain sa kuwarto ko. “Sinabi ko na ngang huwag mo akong tinatawag na mommy, eh,” kastigo ko sa kanya. Napangisi siya nang umupo sa lugar kung saan laging nakapuwesto ang papa niya. “Bakit ba ayaw mong tinatawag kitang mommy? Dapat lang naman kitang tawaging mommy dahil asawa ka nga ng papa ko. Alangan namang tawagin kita sa pangalan mo. Ang bastos ko naman kapag ginawa ko iyon.” Napasimangot ako sa paliwanag niya. Hindi na ako nagsalita pa. Mangangatuwiran din lang naman siya. Mapapagod lang akong magpaliwanag sa kanya. Hindi ko na siya pinansin. Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko. Ngunit bago pa ako makapagsubo, nagulat ako sa ginawa ni Rodel. “Bakit kakaunti ang kinakain mo, mommy? Nagda-diet ka ba? Huwag na. Ang seksi na nga ng katawan mo. Dapat nga kumain ka nang marami para madagdagan pa ang laman mo. Mas maganda sa babae iyong hindi masyadong payat.” Habang sinasabi iyon ni Rodel ay naglalagay ito ng pagkain sa plato ko. Dinadagdagan niya iyong inilagay ko. “Anong ginagawa mo?” naiinis kong tanong. Hindi naman kasi ako kumakain nang marami. “Dinagdagan ko lang iyang pagkain mo. Kumain ka nga nang marami.” Muli akong napatingin sa plato ko. Kung gaano karami ang laman nito kanina, dinoble ni Rodel. Problema ko tuloy kung paano ito mauubos. “Hindi ko kayang ubusin ito. Masyadong marami!” Bakit ba gusto niya akong kumain nang marami? Hindi nga ako pinakikialaman ni Ramil kapag kumakain ako. Pero itong anak niya, masyadong pakialamero kahit kararating lang. “Basta kumain ka lang. Kapag may hindi ka naubos, ako ang kakain para hindi masayang. Kung gusto mo sa susunod, ipagluluto kita. Mas masarap pa rito ang ipakakain ko sa iyo.” Kumurap ako ng ilang beses bago napatingin kay Rodel. Nakangiti siya nang makahulugan. Kinabahan ako sa paraan nang pagngiti niya. “Hindi naman ako mapili sa pagkain. Hindi lang talaga ako kumakain nang marami,” katuwiran ko. Sana tigilan na niya ako. Nakukulitan na ako sa kanya, eh. Ilang oras pa lang kaming nagkakilala pero iba na ang dating sa akin ng mga gestures niya. “Just the same, gusto ko pa ring kumain ka nang marami. Ayokong mag-diet ka. Maganda na iyang katawan mo. Hindi mo na kailangang magpaseksi pa.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Tumahimik na lang ako. Hindi talaga ako mananalo sa argumento sa kanya. Kayang-kaya niyang mangatuwiran. Nakailang subo na ako nang bigla akong mapahinto. Napansin kong wala pang laman ang plato ni Rodel. Nang mapatingin ako sa mukha niya, huling-huli ko siyang titig na titig sa akin. “Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba sa mukha ko?” naasiwang tanong ko. Akala ko sasagutin niya ang tanong ko. Pero iba ang sinabi niya. “Ang ganda mo talaga. Tapos ang bata mo pa. You’re only eighteen, right? Ang swerte ni papa at nakilala ka niya.” Hindi ko siya sinagot. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nanunuot kasi sa kalamnan ko ang paraan ng pagtitig niya. Saka ano bang sasabihin ko? Kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoong dahilan kung bakit nagpakasal ako sa papa niya, may magbabago ba? Wala naman yata. Kaya sasarilinin ko na lang ang katotohanan. Bahala na siyang mag-isip ng kung ano-ano. “Kung ako lang ang unang nakakilala sa iyo, dadalhin kita sa New York para malayo ka sa papa ko. Mas bagay tayong dalawa kaysa kayo ng papa ko.” Bigla akong napaubo sa sinabi ni Rodel. Sabi ko na nga ba, iba ang tumatakbo sa isip niya. Iba ang tingin niya sa akin. “Here, drink this,” ani Rodel nang ilapit sa akin ang baso ng tubig. Hinagod-hagod pa niya ang likod ko. Kinuha ko ang tubig sa kanya saka ito inubos ang laman nito. Naibaba ko na ang baso at hindi na rin ako umuubo pero patuloy pa rin sa paghagod sa likod ko si Rodel. “Hey! Tama na. Tsansing na iyang ginagawa mo, ah!” protesta ko. Tumawa si Rodel bago niya ibinaba ang kanyang kamay. “Bakit? Ayaw mo bang tsansingan kita?” natatawang tanong niya. Inirapan ko siya. “Kumain ka na lang. Gutom lang iyan!” Muli siyang natawa. Saka siya kumuha ng pagkain niya. Sinubukan kong bilisang kumain para makaalis n asana sa hapag-kainan. Pero sa dami nang inilagay ni Rodel sa plato, nahihirapan akong ubusin ito. Gusto ko pang kumain kaya lang hindi na nahihirapan na ako. Suko na ang tiyan ko. “Hindi ko kayang ubusin. Kasalanan mo ito. Ikaw ang naglagay ng maraming pagkain sa plato ko.” Sinisi ko talaga siya. Kasalanan naman niya, eh. “No problem. Ako na ang uubos niyan.” Kinuha niya ang plato ko. Itinabi niya ang kanyang plato na halos wala na ring laman. Kinain nga niya ang natirang pagkain ko. Pati kutsara at tinidor na ginamit ko ay ginamit din niya. “Hindi ka nandidiri? Ginamit ko na iyang kubyertos, ah. Kung may sakit ako, siguradong mahahawa ka,” pananakot ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang si Rodel. “I’m sure wala kang sakit. Mukha ka namang healthy. Hindi ka papatulan ni papa kung alam niyang may sakit ka lalo na kung nakahahawa. Besides, para na rin kitang nahalikan dahil ginamit ko ang kutsara mo,” nakangising saad niya. Pakiwari ko ay nabingi ako sa sinabi niya. May ganoon siyang kaisipan? Ano siya? Manyakis? “To be honest with you, I wanted to kiss you since the very first time we meet.” Napaawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Pero wala akong maisip na sabihin sa kanya. “You wanted to kiss me, too?” Nanlaki ang mga ko lalo nan ang mapansin kong nakatitig siya sa labi. Agad kong isinara ang aking bibig. Saka bigla akong tumayo. “No! No! No!” Marahas akong umiling saka tinalikuran ko siya. Tapos nagmamadali akong lumayo sa kanya. “Hey! If ever you want my kiss, then just say it. I will gladly oblige. Sigurado akong magugustuhan mo ang halik ko,” pahabol ni Rodel. Hindi ko na siya nilingon. Tumakbo na ako palayo na para bang hinahabol ako ng multo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD