“ANG GANDA-ganda ninyo, senyorita?” kinikilig na sambit ni Nanang Jovie nang puntahan niya ako sa aking kuwarto. Kalalabas lang ng make-up artist na nag-ayos sa akin. Ngayon ang kasal naming ni Ramil. Imbes na ganapin sa simbahan katulad ng unang plano, dito na lang sa bahay niya ang venue. Naging garden wedding ang pinangarap kong church wedding.
Sa isang banda, mabuti na rin iyon para matapos na ang kasal namin. Baka kasi mamaya niyan, makaisip siya na sipingan ako. Ayokong may mangyari sa amin ng walang basbas ng kasal. Virgin pa ako at inire-reserve ko ang aking sarili sa mapapangasawa ko sana. Pero hindi ko naman lubos akalain na isang katulad pala ni Ramil ang magiging asawa ko.
“Maraming salamat, nanang,” nakangiting kong tugon sa matanda.
“Tara na po, senyorita. Naghihintay na po sa atin si senyor.”
Inalalayan akong bumaba ng hagdan ni Nanang Jovie. Ingat na ingat naman ako sa paghakbang dahil bukod sa mahaba ang traha de boda ko, mataas din ang heels ng suot kong sapatos.
Ang sabi ko doon sa stylist na two inches na takong lang ang kaya kong ilakad na sapatos, pero pinilit niyang ipasuot sa akin iyong three inches. Masyado raw kasi akong maliit kumpara sa height ni Ramil. May katuwiran naman siya kasi kapag nakayapak ako, hanggang dibdib lang ako ni Ramil. Ngayong nakasuot na ako ng heels, baka sakaling umabot ako kahit hanggang balikat lang niya.
Inabot din kami ng ilang minuto ni Nanang Jovie bago tuluyang nakababa ng hagdan. Iginiya niya ako sa likod ng bahay kung saan ang idadaos ang kasal. Pagdating namin roon ay nagsisimula nang tumugtog ang pianista. May naririnig din akong iba pang instrumento. Hindi ko nga lang sigurado kung ano. Natuon kasi ang pansin ko sa iilang bisitang naroon. Halos mga tauhan din ni Ramil at mga maid sa mansion ang nakikita ko. Parang wala namang ibang taong naroon.
Pinahinto ako ng wedding planner sa isang tabi nang magsimulang maglakad si Ramil sa aisle. Sa ibang pagkakataon baka matuwa ako sa nakikita kong ayos ng paligid. Nasa garden na nga kami, punong-puno pa ng fresh flowers ang paligid. Nakahilera sa tabi ng aisle ang napakaraming flower stand. Bukod doon, may mga rose petals din na nagkalat sa red carpet. Bawat upuan din ay may dekorasyon ng mga bulaklak.
Hindi ko kabisado kung anong uri ng bulaklak ang naroon. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga bulaklak. Mas mahilig pa si Ate Lyla sa mga flowers kaysa sa akin. Roses at sunflower nga lang ang kabisado kung bulaklak. Pero iyong nagkalat na bulaklak dito ngayon ay hindi ko kabisado. Isa langa ng sigurado ko, ang ganda nilang tingnan. Picture-perfect ‘ika nga. Bagay itong i-post sa mga social media account.
Pero gaano man kaganda ang paligid, hindi ko pa rin ito ma-appreciate. Iba ang dahilan kung bakit ako magpapakasal. Kung may iba nga lang akong pamimilian, aalis na lang ako kaysa maikasal kay Ramil. Grabe! Ang tanda na niya. Ni sa panaginip hindi ko ma-imagine ang sarili kong mapapangasawa ang isang katulad niya.
Oo nga’t hindi maikakailang guwapo siya. Hindi rin naman siya mukhang matanda. Maganda rin ang pangangatawan niya. Pero ayoko pa rin, eh. Kung hindi ko lang talaga iniisip si Ate Lyla at ang kahihinatnan ng mga ari-ariang iniwan ng mga magulang namin, baka tumakas na lang ako. Kaya lang kapag hindi ko ito ginawa, malamang si ate ang gagawa ng paraan. Naawa na ako sa kanya, ang dami na niyang pinoproblema. Gusto kong makatulong kahit paano. Kaya ang pagpapakasal kay Ramil ang naisip kong paraan upang makatulong kay ate.
Nang makarating sa makeshift altar si Ramil, iginiya na rin ako ng wedding planner patungo sa aisle. Inabot niya sa akin ang bouquet. Nang magpalit ng tugtog ay nagsimula na rin akong humakbang. Dahan-dahan akong naglalakad, hindi lang dahil sa haba ng tarahe at taas ng sapatos ko pero higit pa roon. Nanlalamig ang buo kong katawan at halos hirap akong humakbang dahil sa pinaghalong nerbiyos at takot. Gusto kong pigilin ang oras. Kung panaginip lang ito, gusto kong magising.
Pero wishful thinking lang pala ang lahat ng iyon. Habang naglalakad ako, mariing nakatitig sa akin si Ramil. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Basta nakatingin lang siya sa akin. Kaya umiwas na lang ako ng tingin. Nang makarating ako sa harapan niya ay agad niyang inabot ang kanyang kamay. Napilitan naman akong tanggapin iyon. Pinatyo naman niya ako sa tabi niya.
Ito na siguro ang pinakamalungkot na pangyayari sa buhay maliban sa pagkamatay ng mga magulang namin. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung magpakasal ka sa isang lalaking ayaw mo? Ang tanging maganda lang rito ay mareresolba ang isa naming problema dahil sa gagawin ko. Kaya tama lang na mag-isa akong narito at walang kasama na kamag-anak o kaibigan. Baka pag-tsismisan lang ako. Iisipin nilang mukha akong pera. Tama naman iyon sa isang banda. Pero ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko kung hindi para sa aming dalawa ng ate ako.
Habang nakatayo ako at nakikinig sa sermon ng magkakasal, wala akong naiintindihan. Lumilipad ang utak ko sa malayo. Hindi ko tuloy namalayan na patapos na pala ang seremonyas. Napakurap na lang ako nang pisilin ni Ramil ang palad ko. May tinatanong pala ang nagkakasal sa akin.
Napilitan akong sumagot kahit ayaw ko. Pagkatapos nagpalitan na kami ng singsing. Nang sabihin ng nagkasal na maari na akong halikan ni Ramil, akala ko hahalikan niya talaga ako. Hinalikan nga niya ako pero sa noo lang. Ayos! Pang-matanda rin pala kung humalik ito.
Pagkatapos ng kasal, pinapirmahan na sa amin ang marriage contract. Hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa kung ano ang nakasulat doon. Basta pumirma na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa pa para umiwas.
Tumuloy na kami sa reception pagkatapos magpirmahan. Doon din naman ang reception. May mga ilang round table na nakakalat kung saan umupo ang mga tauhan niya at ilang maid. May nakalaan din na mesa para sa aming dalawa.
Hindi pa man ako nakakasubo nang bigla na lang makarinig kami ng putukan. Nanlaki ang mga mata ko. Nagkagulo na ang lahat.
“Dumapa ka sa ilalim ng mesa!” utos ni Ramil. Nang hindi agada ko kumilos, itinulak niya ako. Nadapa ako dahil sa ginawa niya.
“Huwag kang aalis diyan! Babalik ako!” mariing utos niya bago ako iniwan.
Nagtakip na lang ako nga aking tainga nang muling makarinig nang sunod-sunod na putok. Hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa paligid dahil nakadapa ako sa ilalim ng mesa na natatakpan din ng makapal at mahabang table cloth.
Nang makarinig ako ng mabibilis na yabag, agad kong tinakpan ang aking bibig. Baka mga kalaban ang mga ito. Kung pauwede lang na kahit ang paghinga ay pigilan ko. Pero imposible naman kasing mapigilan iyon.
Ilang minuto pa na nakainig ako ng mga putukan. Nang mawala na ang ingay ay unti-unting kumalma rin ang pakiramdam ko. Ngunit hindi pa rin ako umaalis sa puwesto ko. Natatakot akong lumabas. Baka patay na ang lahat ng tao na nasal abas kasama na si Ramil.
Oops! Bakit ko ng aba hinihiling na mamatay na siya? Ang sama ko naman. Katatapos lang ng kasal namin ay naghahangad na akong makalaya sa kanya.
Muntik na akong mapasigaw nang biglang mawala ang table cloth na tumatakip sa mesa.
“Lumabas ka na riyan,” utos ni Ramil habang nakayuko sa harap ko at nakalahad ang isa nitong kamay.
Wala na suot nitong coat. Tanging ang long sleeve, vest, at bowtie ang pantaas niya. Bumagay sa itsura niya, lalo siyang bumata.
Humawak ako sa kamay niya. Hinila niya ako palabas sa mesa. Nang makatayo ako nang maayos ay pinagpagan ko ang aking sarili. May mga dumikit na damo sa damit ko dahil sa ilang minute kong pagkakadapa.
“Sino ba ang mga iyon?” curious kong tanong. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang makita ang itsura ng paligid. Nagtumbahan ang mga flower stand. Pati iyong pagkain na laman ng mga mesa ay nagkandahulog at nagkalat sa damuhan. May mga ilang mesa rin at upuan naa natumba at nasira. Animo’y dinaanan ng bagyo ang buong reception hall.
“Mga kalaban ko sa negosyo iyon na gustong manggulo,” seryosong sagot ni Ramil.
“Let’s get inside.” Hinila na niya ang kamay ko. Kaya wala na rin akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.
“Sorry kung ganito ang kinalabasan ng kasal natin. I’ll make it up to you some other time.”
Tumango lang ako. Kahit sa totoo lang natutuwa ako na disaster ang kinalabasan ng kasal namin. Hindi ako nanghihinayang dahil sa totoo lang ayoko naman sa kasal na ito.
Dinala ako ni Ramil sa kuwarto niya. Pinauna niya akong gumamit sa banyo. Nag-shower lang ako. Dahil wala akong dinalang damit, nagsuot na lang ako ng bathrobe paglabas ko. Inabutan ko namang naghihintay si Weng sa akin.
“Senyorita, inihanda ko na po ang inyong bihisan.” Tumayo ang dalaga at iminuwestra nito ang mga damit na nakalatag sa kama.
“Dinalhan ko na rin kayo ng makakain. Sabi po kasi ni senyor, hindi kayo nakakain.”
“Maraming salamat, Weng.”
“Sige po, senyorita. Maiwan ko na kayo.”
Nasa tabi na ng pintuan si Weng nang tawagin ko siya. Lumingon naman siya agad.
“May kailangan pa kayo, senyorita?”
“Wala naman. Itatanong ko lang sana kung nasaan si Ramil.”
“Ah, nasa opisina po siya. Nag-uusap po sila ng mga tauhan niya.”
Muli akong nagpasalamat. Kumain ako pagkatapos kong magbihis. Pagkakain ko ay nakaramdam na ako ng antok. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humiga sa kama. Ni hindi ko namalayang nakatulog ako.
Nang magising ako ay umaga na. Alas-siyete na sa wall clock. s**t!
After lunch lang nang matulog ako tapos ngayon umaga na! Ganoon kahaba ang tulog ko? Ni hindi ko namalayan kung natulog ba si Ramil sa tabi ko o hindi.
Lalabas na sana ako ng kuwarto nang bumukas ito. Pumasok si Weng na may bitbit na tray.
“Magandang umaga po, senyorita. Heto po ang almusal ninyo,” wika niya nang ibaba ang tray sa mesa. May maliit na dining area sa loob ng master bedroom. Halatang mahilig kumain sa loob ng kuwarto si Ramil.
“Bakit hindi moa ko ginising kagabi? Bakit dire-diretso akong nakatulog?”
Biglang napayuko ang maid. “Senyorita, pasensiya na po kayo. Utos po kasi ni senyor na huwag kayong gigisingin. Hayaan lang daw kayong makapagpahinga. Kaya ngayong umaga lang ako pumasok dito.”
Napabuga ako ng hangin. Parang may itinatago pa rin ang maid kahit nagpaliwanag na ito.
“May inilagay ka bas a pagkain ko kahapon kaya ang haba ng tulog ko?”
Napakagat-labi si Weng nang mag-angat ng ulo at tumingin sa akin.
“Sorry po. Utos po ni senyor iyon.”
Natahimik ako. Wala akong masabi sa pag-amin niya. Bakit kaya ginawa iyon ni Ramil? Pinagtangkaan ba niya ako kagabi? Pinatulog niya ako para magawa niya ang lahat ng gusto niya sa katawan ko?
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala namang masakit sa katawan ko. Saka iyong suot ko kahapon ay ganito pa rin hanggang ngayong umaga. Wala naman siguro ng ginawang kahalayan sa akinsi ramil habang tulog ako. Besides, bakit kailangan pa niyang gawin iyon? Mag-asawa na kami. Lahat ng karapatan ay nasa kanya pagdating sa katawan ko.
“Sige, patatawarin kita. Pero sana sa susunod bigyan mo naman ako ng warning para may ideya ako kung ano ang mangyayari sa akin,” pakiusap ko kay Weng.
Nakatinging tumango ang maid. Nang makaalis siya ay muli akong napaisip. Maari pa rin naman akong galawin ni Ramil nang hindi ako nakakaramdam ng after effect paggising ko. Kung hinalikan niya ako o hinipuan habang tulog ako, siguradong hindi ko na mararamdaman ang effect ng mga iyon ngayong umaga. s**t! Mahalay na matanda!
Hindi na ako lumabas ng kuwarto sa maghapon. Dinalhan na lang ako ng pagkain sa kuwarto. Pagdating ng gabi, wala rin si Ramil. Nakatulog na ako sa kahihintay sa kanya. Kinabukasan nagisnan ko na lang siya na nakaupo sa gilid ng kama.
“Huh? Kanina ka pa ba gising?” usisa ko nang bumangon ako.
Hindi siya sumagot. Lumipat lang siya sa tabi ko.
“Aalis muna ako. May mahalaga akong aayusin. Dito ka lang, babalik ako agad.”
Pinadilatan ko siya.
“Saan ka pupunta?” Nagkunwari akong interesado sa pupuntahan niya pero sa totoo lang gusto kong magtatalon sa tuwa dahil aalis na naman siya. Ibig sabihin hindi ko siya makikita. Sana magtagal siya para wala akong poproblemahin.
“Sa Las Vegas. Hintayin mo lang ako rito.” Inilapit niya ang mukha niya at hinalikan niya ako sa noo.
Nang tuluyan na siyang makalabas ng pinto, napangisi ako. Gusto kong magsaya sap ag-alis niya. Kung puwede lang sana, hihilingin kong huwag na siyang bumalik pa kahit kailan.
Isang linggo ang lumipas, may dumating sa bahay. Akala ko si Ramil. Pero hindi pala. Iba ang inaasahan ko.
“Hello! Good evening! How are you mommy?”
Nagtayuan ang lahat ng mumunting buhok ko sa katawan nang makaharap ang bagong dating. Hindi si Ramil ang dumating. Kahawig lang niya. O mas tamang sabihin na younger version siya ng asawa ko.
“S-sino ka?”
Napangiti nang malapad ang lalaki. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.
“I’m Rodel Erickson Callanta, the only child of your husband.” Inilahad niya ang kanyang kamay.
Parang may sumabog na bomba nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Nabanggit na sa akin ng maid na may anak nga si Ramil. Pero wala siya sa Pilipinas. Nasa US siya. Umuwi na ba siya? Bakit hindi sinabi sa akin ni Ramil ang pag-uwi niya?
Hindi ko magawang abutin ang kamay niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa mga maletang nasa likuran niya. Dito na ba siya ulit titira?
Nang hindi ako kumilos, siya na mismo ang humila sa kamay ko. Ginagap niya ang palad ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero biglang may tumulay na kuryente mula sa kamay niya patungo sa katawan ko.
Muli akong napatingin sa mukha niya na sana hindi ko na ginawa dahil ito pala ang simula ng napakalaking problemang kahaharapin ko.
“Napakaganda mo pala, mommy. Napakabata mo rin. Kaya ka siguro nagustuhan ng papa ko.”
Pinandilatan ko siya. Pilit kong hinila ang kamay kong hawak niya ngunit lalong humigpit ang pagkakahawak niya rito. Ni hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Dinala niya sa kanyang bibig ang kamay ko at hinalikan iyon. Uminit ang buo kong katawan dahil sa ginawa niya. Hindi lang ako nakuryente. Para akong inilubog sa kumukulong tubig sa sobrang init ng pakiramdam ko.
“Ako muna ang mag-aalaga sa iyo habang wala si papa.”
Pinaningkitan ko siya ng mata. Ano ang ibig niyang sabihin? Bata ako na dapat alagaan. Puwersahan kong hinila ang kamay ko at tinalikuran siya.
“Mommy bakit mo naman ako tinalikuran? Nag-uusap pa lang tayo.”
Muli ko siyang nilingon. “Huwag mo akong tawaging mommy. Hindi mo naman ako nanay. Saka mas matanda ka sa akin, ano?”
“Kahit na. Mommy pa rin kita kasi asawa ka ng papa ko kahit mas bata ka pa sa akin.”
Pinukulan ko siya ng matalim na titig bago ko siya tuluyang tinalikuran. Halos takbuhin ko ang hagdan para lang makalayo sa kanya. Iba ang nararamdaman ko sa anak ni Ramil. At hindi maganda iyon.