Chapter 3 - Wedding Preparation

1866 Words
KINABUKASAN nang magising ako ay mag-isa ko na lang sa kama. Wala na akong katabi. Napaisip tuloy ako kung totoo ngang pinuntahan ako ni Ramil kagabi. Wala kasing palatandaan na may kasama akong natulog. Maayos ang parte ng kamang hinigaan niya kung sakali. Hindi nalukot ultimo ang unan o bedsheet. Naiiling na lang akong bumangon. Pumasok ako sa banyo para maligo at mag-toothbrush. Katataos ko lang magbihis nang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko iyon, isang maid ang ang naghihintay sa labas. Mas matanda lang yata siya sa akin ng ilang taon. “Good morning, senyorita. Ako po si Weng. Ipinasusundo po kayo ni senyor. Kakain na po kayo.” “Good morning. Sige, tara na.” Sinabayan ko siya sa paglalakad. Nang makarating kami sa dining room, naroon na si Ramil. Nakaupo siya sa dulong bahagi ng mahabang mesa na puno ng pagkain. Parang may piyesta sa dami ng pagkain na nakahain. Pinaupo ako ni Weng sa tabi niya. Habang kumakain kami ay walang nagsasalita sa amin. Kung ayaw niya akong kausapin, wala rin naman akong balak na kausapin siya. Patapos na kaming kumain nang magsalita si Ramil. “Nakatulog ka ban ang maayos kagabi? Nagustuhan mo ba iyong kuwarto mo?” “Ayos lang,” matamlay kong sagot. Halos magdikit ang mga kilay ni Ramil sa sagot ko. Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ko? Gusto ba niyang sabihin ko na masaya ako? Na natutuwa ako sa mga karangyaan na kaya niyang ibigay? Hindi ako materyalistang tao. Simple lang ang gusto ko sa buhay. Gusto ko lang makatapos ng pag-aaral. Kapag naging nurse na ako, mag-aaral ulit ako para maging doktor. Balang araw, magpapatayo ako ng ospital. Pagdating ng tamang panahon, magpapakasal ako sa taong mahal ko at bubuo kami ng sarili naming pamilya. Pero mukhang malabo nang mangyari ang pangarap ko. Hindi si Ramil ang pinapangarap kong magiging ama ng mga anak ko. Ang tanda na niya. Kung magkakaanak kami, magmumukhang apo na lang niya ang mga bata. Haisst! “May kailangan ka pa ba? May gusto ka bang ipabili?” Gusto kong sabihin na kalayaan lang naman ang kailangan ko. Hindi ko kailangan ng yaman niya o anumang bagay na kaya niyang bilhin. Makabibili rin naman ako ng mga iyon gamit ang manang iniwan ng magulang ko. “Tinatanong kita, Stella,” pangungulit ni Ramil. “Wala. Wala akong gustong ipabili. Ang kailangan ko lang naman ay kalayaan,” lakas-loob kong sagot. Marahas na umiling si Ramil. “Alam mong hindi ko kayang ibigay iyan kaya huwag ka nang umasa pa. Ipapaayos ko na ang kasal natin para maikasal tayo sa lalong madaling panahon. Kapag mag-asawa na tayo, doon ka na sa kuwarto ko matutulog.” Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ramil. “May aasikasuhin lang ako. Pagkatapos mong kumain, puwede mong libutin ang buong bahay. Kung may balak kang ayusin o baguhin dito, sabihin mo lang kay Jovie. Binibigyan kita ng karapatan na gawin ang gusto mo ditto sa bahay. Tutal naman ikaw na ang bagong Mrs. Callanta, ilang araw mula ngayon.” Pagkasabi nito ay tumayo na siya at iniwan ako. Napabuga ako ng hangin. Kung sa ibang pagkakataon, baka natuwa ako sa sinabi ni Ramil. Pero sino bang matutuwa kung ang mapapangasawa mo ay singtanda na ng papa mo. Bukod pa roon, wala akong katiting na gusto sa kanya. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na magpapakasal ako sa isang katulad niya. Kung may mga babae man na gustong makapangasawa ng mga matatanda, kabaligtaran naman sa akin. Ang gusto ko ay iyong mas matanda lang sa akin ng ilang taon, hindi iyong sobrang tanda. Pagkatapos kong kumain, sinamahan ako ni Nanang Jovie na libutin ang buong kabahayan. Nalaman kong tatlong palapag pala ang bahay at may samoung kuwarto. Ang mga guest room pala ay nasa second floor. Samantalang ang master bedroom, library, opisina, family room, gym, at game room ay nasa third floor. Nasa first floor naman ang living room, dining room, kusina, store room, at cinema room. May sariling bahay naman ang mga maid sa likod. Bungalow daw iyon na may apat na kuwarto. Maging ang mga tauhan ni Ramil at ang iba pang mga lalaki na nagtatrbaho sa bahay ay may nakahiwalay din na bahay. Dalawang palapag naman iyon na may walong kuwarto. Napakaluwang pala ng property ni Ramil dahil nagkasya ang tatlong bahay sa bakuran. Bukod doon may maluwang pa na swimming pool at garden. Sa rooftop ay may helipad din. Napakayaman din niya. Hindi naman ako ipinanganak na mahirap pero nalulula ako sa yaman niya. Kayang-kaya nga niyang bumili ng tao. Napagod ako sa paglalakad-lakad kaya nang makabalik kami sa loob ng bahay, nagmeryenda muna ako. Tapos umakyat ako ng third floor at tumuloy sa library. Doon na ako inabutan ng tanghalian. Pero bandang hapon nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising na lang ako nang may yumugyog sa akin. Si Nanang Jovie pala iyon. “Senyorita, huwag po kayong matulog ditto. Magagalit po si senyor. Tara na. Samahan ko kayo sa kuwarto ninyo.” Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa. “Anong oras na po ba?” tanong ko habang minamasahe ang aking batok. “Alas-siyete na po, senyorita. Mamaya lang ay darating na si senyor.” “Ah, okay. Punta po muna ako sa kuwarto ko. Tapos tawagin na lang po ninyo ako kapag kakain na.” Tumayo na ako at binitbit ang binabasa kong libro kasama na ang dalawang libro na itinabi ko kanina bago ako nagsimulang magbasa. Wala pang sampung minuto mula nang makabalik ako sa aking kuwarto nang may kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay si Nana Jovie ang nasa labas. “Kain na po kayo, senyorita. Naghihintay na si senyor sa inyo.” Sumabay na ako kay Nanang Jovie sa pagbaba. Tulad kaninang umaga, hindi na naman kami nag-uusap ni Ramil habang kumakain. Masasanay yata ako sa napakatahimik na kainan, ah. Tama nga ang hinala ko dahil sa loob ng isang linggo na magkasama kaming kumakain ni Ramil, ang tahimik ng paligid. Pero kakaiba yata ang umagang ito, napansin ko kasi na panay ang sulyap ni Ramil sa akin habang kumakain kami. “May problema ba?” nag-aalala kong tanong. “Wala naman. May naisip lang ako.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano naman iyon?” “Bukas ang flight ko papuntang New York. Hindi ko alam kung kailan ang eksaktong balik ko. Pero pagdating ko, magpapakasal na tayo. Habang wala ako, pag-usapan ninyo ng wedding planner ang tungkol sa kasal natin.” Muntik na akong mapaubo sa sinabi ni Ramil. Seryoso talaga siyang pakasalan ako? Sabagay, ako naman pala ang nagsabi na pakasalan niya ako kung gusto niya akong mapangasawa. Kaya hindi na ako dapat magtaka sa mga pinagsasabi niya. “Okay,” mahinang tugon ko. Hindi ko kayang magkunwari na gusto ko ang kasalang magaganap sa aming dalawa. Kung may paraan lang sana para takasan ito, ginawa ko na. Pero mukhang malabo na akong makaligtas sa nakaambang kasal sa akin. Kung sana mas bata si Ramil, wala na sanang problema. Guwapo naman siya at maganda rin ang pangangatawan pero ang tanda na niya para sa akin. Nang sumunod na araw, tanghali na akong nagising. Alas-siyete na sa wall clock. Nagmamadali na akong nagbanyo saka nagbihis. Pagdating ko sa dining room, naabutan ko si Nanang Jovie na nag-aayos ng pagkain sa mesa. “Nasaan na po si Ramil?” “Nakaalis na siya, senyorita. Hindi na niya kayo pinagising dahil maaga ang flight. Alas-singko pa lang ng madaling araw nang lumakad sila dahil alas-otso ng umaga ang flight ni senyor. Napasulyap ako sa suot kong wristwatch. Seven-forty na. Malapit na palang umalis ang eroplano. Nang mga sumunod na araw, inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa at panonood. Hindi naman tumatawag si Ramil kaya kahit paano kampante ako. Tulad ng kanyang bilin, may dumating nga na wedding planner. Nag-usap kaming mabuti sa gusto kong kasal. Naintindihan naman ng wedding planner ang mga hiling ko. Lumipas pa ang mga araw at linggo, wala akong naging balita kay Ramil. Sa dami ng mga tauhan niya dito sa Pilipinas kaya siguro kampante siyang basta na lang ako iwan. Sa loob ng isang buwan ay nakabuo na kami nang maayos na plano. Pero wala pang naisakatuparan maliban sa wedding gown. Ayoko kasing pangunahan si Ramil. Wala naman siyang sinabi na dapat ayusin na ang kasal. Isa pa’y hindi ko rin naman gusto iyong ideya na si Ramil ang mapapangasawa ko kaya nag-isip ako ng delaying tactics. Eksaktong isang buwan mula nang umalis si Ramil nang bumalik siya. May mga tauhan na sumundo sa kanya sa airport. Kasalukuyan akong kumakain ng hapunan nang dumating siya sa bahay. “Good evening!” Napalingon ako agad nang marinig ang tinig. Masayang mukha ni Ramil ang bumungad sa akin. Hindi ako nakakilos sa aking kinauupuan nang bigla na lang niya akong lapitan. Yumuko siya at bago pa ako makaiwas, bumaba ang labi niya sa aking pisngi. Nagtayuan ang mumunting buhok ko sa katawan nang dumikit ang kanyang labi sa aking balat. First time niyang gawin ito kaya hindi ko talaga inaasahan. Nanigas pati ang aking mga paa. “How are you?” nakangiting tanong pa niya sa akin. Napalunok ako dahil ang lapit ng mukha niya. Kung yuyuko siyang mabuti ay siguradong tatama ang labi niya sa mismong labi ko. Oh, s**t! Bakit ko ba naisip iyon? Kailan ko pa hinangad ang halik niya? Hindi ko siya gusto, ah. Kahit sabihin pang guwapo siya at hindi mukhang matanda. Ayoko pa rin. “I-I’m g-good,” kabadong sagot ko. “Nice to hear that. Let’s enjoy the meal,” malapad ang ngiting wika nito bago umupo sa kanyang nakalaang upuan. “Naiayos mo na ba ang kasal natin?” maya-maya’y tanong nito. Napakamot ako ng aking ulo. “Ah…a-ano, hinihintay kita. Gusto kong marinig ang desisyon mo,” pagdadahilan ko. Hindi ko masabi nang diretso na nag-aalangan akong magpakasal sa kanya. “Okay, we’ll talk about that tomorrow.” Tumango na lang ako. Ipinagpatuloy naming ang tahimik na hapunan. Ako ang unang natapos kaya nagpaalam na ako. Kalahating oras ang lumipas ay nakahiga na ako. Ngunit bago ko maipikit ang aking mga mata, may kumatok sa pinto. Sa pag-aakalang si Nanang Jovie iyon, agad ko itong binuksan. Ngunit nagulat ako sa bumungad sa akin. “R-Ramil? A-anong…g-ginagawa m-mo r-rito?” Ngumiti siya nang makahulugan. “I just want to say good night.” Napakurap ako. Bago ko pa maisip ang sasabihin, bigla niyang hinawakan ang magkabilang gilid ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa bibig. Akala ko dampi lang iyon pero halos mangatog ang mga tuhod ko sa sumunod niyang ginawa. Hindi lang basta simpleng halik iyon. Inilabas pa niya ang kanyang dila at pilit na pinabubuka ang bibig ko. Ginalugad niya ang kaloob-looban ng bibig ko pati na ang aking dila. Kulang na lang kapusin ako sa hangin nang pakawalan niya ako. Ito na ba ang tinatawag nilang French kiss? Dapat sana akong magalit sa kanya o kaya’y mandiri sa ginawa niya. Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Parang gusto ko pang maulit. Ang sarap niyang humalik. Ganito ba talaga kapag first kiss? s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD