NAGISING ako sa mahinang tapik sa aking balikat. Ang nakangiting mukha ni Manang Jovie ang bumungad sa akin pagmulat ko. “Bumangon na kayo, ma’am. Nakahanda na ang tanghalian. Siguradong gutom na kayo dahil hindi kayo nag-almusal,” wika niya. Napabangon naman ako agad. Wala na iyong sakit ng ulo ko. Sabagay, kaninang natulog ako hindi na masakit ang ulo ko. Dahil sa ginawa naming ni Rodel kaya naglaho iyong sakit. So, nakagagaling pala ng sakit ang bagay na iyon. Dapata pala kapag… Oh, no! Don’t go there, Stella. Siraulo ka ba para gustuhin mo pang maulit ang nangyari sa inyo ni Rodel? Ipinilig ko ang aking ulo, baka sakaling matanggal ang masamang kaisipan na iyon. Inaagiw na yata ang utak ko. Kasalanan kasi ito ni Rodel. Ibinubuyo niya ako sa kasalanan. “Mauna na akong bumaba. Sum

