AKO ANG unang nagising sa amin kinabukasan. Napangiti ako nang matamis nang pagmulat ko ay nakayakap sa akin si Shiloh na mahimbing ang tulog. Agad ko siyang hinalikan sa noo. Pagkatapos ay nilingon ko ang kambal niya pati na rin ang mommy nila. Mahimbing din ang tulog ng dalawa. Nakayakap pa si Stella kay Bethany. Maingat kong inalis ang kamay ni Shiloh na nakapulupot sa aking leeg. Mabuti na lang at hindi siya nagising o nagreklamo man lang. Tulog na tulog pa rin siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya. Ipinayakap ko sa kanya ang laruan niyang stuffed toy bago ako dahan-dahang bumaba ng kama. Sinulyapan ko ang wall clock. Alas-sais pa lang ng umaga. Mamaya pa siguro magigising ang mag-iina ko. Kumuha ako ng bihisan sa backpack ko bago ako nagtungo sa banyo. Paglabas ko ay tulog pa rin

