“DADDY, huwag ka na pong aalis. Dito ka na lang. Huwag mo kaming iwan ni Shiloh.” Umiiyak si Bethany habang nakikiusap sa akin. Parang patalim na sumusugat sa puso ko ang bawat salitang binitiwan niya. Kung ako lang ang masusunod, gugustuhin ko silang makasama sa araw-araw. Ayokong mawalay sa kanila kahit isang araw lang. Pero hindi ko hawak ang desisyon na iyon. Nasa mommy nila at sa kanilang lolo kung papayag ang mga ito sa gusto nilang mangyari. Pilit kong pinupunasan ang pisngi ni Bethany na puno na ng luha. Samantalang si Shiloh ay mahigpit na nakayakap sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan. Wala akong ibang gusto kung hindi ang makasama sila pati na ang kanilang ina. Pero hindi gano’n kadali iyon. Maari silang mapahamak kapag kasama ko sila. Hindi ko pa nasasabi sa mommy

