KAHIT hindi pumayag si Mr. Montebello na makasama ko ang mga anak ko at si Stella, bumalik pa rin ako sa isla at nagbabakasakaling payagan akong makita sila. Ngunit sa bungad pa lang ay hinarang na ako ng mga tauhan ni Mr. Montebello. Ayaw nila akong patuluyin sa loob kahit anong pakiusap ko. Nang hindi ko talaga sila mapilit, iniwan ko na lang sa kanila ang mga laruan at gamit na binili ko para sa kambal pati na ang bulaklak para kay Stella. Linggo-linggo ay pumupunta ako roon. Umaasa akong makikita ko ang aking mag-iina kahit saglit lang. Pero lalong humigpit ang mga tauhan ni Mr. Montebello. Halos ayaw na nila akong kausapin. Kaya iniiwan ko na lang sa kanila ang mga dala ko at umaasang makararating iyon sa aking mag-iina. Tatlong buwan din siguro akong pabalik-balik sa isla hangga

