BATI na kami. Okay na kami ni Rodel. Nagkaayos na kami. Akala ko, hindi ko na siya kayang patawarin. Akala ko, wala na akong pagmamahal sa kanya. Pero natabunan lang pala iyong feelings ko. Hindi naman nawala. Mahal ko pa rin siya katulad ng dati. Baka nga mas higit pa ngayon dahil nalaman kong mag-asawa pala talaga kami. Kung makapagbiro naman kasi si Ramil, wagas. Este papa na pala dahil ama siya ng asawa ko. Kaya pala hindi niya ako ginalaw o hinalikan man lang sa labi. Inilaan pala niya ako sa anak niya. Kung nagsabi lang sana siya ng totoo noong una, baka naayos ang problema namin. Pero siguro may iba pa siyang dahilan kung bakit niya inilihim noon sa amin ni Rodel ang buong katotohanan. Gusto ko sanang malaman. Pero saka na lang. Ang importante ngayon. Maayos na kami ni Rodel. Ma

