“OUCH! Dahan-dahan naman! Nakakasakit ka naman!” reklamo ko habang ginagamot ni Stella ang mga sugat na tinamo ko mula sa pambubogbog ni Mr. Montebello. “Huh? Nasasaktan ka? Talaga lang, ha? Eh, kung palayasin kaya kita ngayon na. May angal ka?” Hindi ako nakaimik. Parang may double meaning ang sinabi ni Stella. “Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na pumunta ka rito, ha? Wala naman, hindi ba? Tapos aangal ka kung nasaktan ka? Kasalanan mo iyan. Magaling ka rin namang manakit, eh.” Napalunok ako sa sinabi ni Stella. Tama ang hinala ko. May double meaning ang mga binibitiwan niyang salita. “Sorry na. Alam kong nagkamali ako. Pinagsisisihan ko na iyong ginawa ko. Seven years din naman akong nahihirapan dahil nakokonsensiya ako sa pagpapaalis ko sa iyo noon. Kaya nga pinilit kong hanapin ka

