PILIT kong itinutulak si Rodel para makawala sa kanya ngunit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Lumipat pa ang isa niyang kamay sa batok ko kaya hindi na ako makaiwas pa. Wala sa sariling naibuka ko ang aking bibig dahil sa pagpupumiglas. Sinamantala naman iyon ni Rodel. Malaya niyang naipasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Ginalugad ng dila niya ang kaloob-looban ko. Pilit niyang tinutudyo ang sarili kong dila. Napaungol ako sa ginawa niya. Kinakapos na rin ang hininga ko. Pakiwari ko ay kumapal ang mga labi ko nang pakawalan niya ako. Pilit kong sinalubong ang mga titig niya. “Bakit mo na naman ako hinalikan?” naiinis kong tanong habang nakahawak ako sa labi ko. “I wanted to. Masarap naman akong humalik, hindi ba?” Tiningnan ko siya nang masama saka

