Chapter 7: His Armband Tattoo

2097 Words
SA KABILA ng galit na tinig na narinig ni Ariyah Lynn mula kay Chance Saavedra, nakangiti pa rin niya itong hinarap. Pero ang matamis niyang ngiti na inihahanda niya para sa lalaki ay napalitan ng pagngiwi, nang makita niya ang madilim nitong mukha, kasing dilim ng langit na nagbabadya na namang umulan. Umihip pa ang malamig na panggabing hangin na nagpadagdag sa kabang naramdaman niya. Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Gano'n pa rin ang suot nito, kaibahan lang ay hinubad na nito ang leather jacket nitong suot kanina at bitbit na lang nito iyon sa kaliwang kamay nito. Kaya kitang-kita niya ang malaking tattoo na nakapalibot sa kaliwang braso nito. It's an armband tattoo. Hindi naman niya napigilan ang sariling mamangha at napatitig pa siya roon. Mapusyaw man ang ilaw na nagmula sa labas ng kubo nito pero alam niyang maganda ang pagkakahugis ng tattoo sa kanang braso nito. Pero agad na napakunot ang noo niya nang parang may imaheng pumitik sa ilalim ng isip niya. Para bang pamilyar sa kaniya ang tattoo nito. Hindi lang niya maalala kung saan niya iyon nakita. "What the hell are you doing here, woman? Binalaan ka na ng mga bantay rito, hindi ba?" Napakurap siya at agad na nabalik sa kasalukuyan ang isip niya nang muli itong nagsalita. Napangiwi siya nang muli niya itong tingnan sa mukha ay mas lalo pang dumilim iyon. "Ah, ipinagluto kita---" "I don't need a f*****g cook." marahas nitong putol sa kaniya. Napasimangot siya. Bakit ba napakarahas nitong magsalita? Nakaka-offend at nakakasugat ng puso. Ang hilig pa nitong magmura. Pero dahil matigas ang ulo niya kaya hindi na niya iyon iniinda. “Gusto ko lang na mag-thank you sa pagligtas mo sa akin kanina, Manong—” “Leave.” matigas ang boses na taboy nito sa kaniya na muling ikinatahimik niya. Kumunot ang noo niya. Bahagya niyang itinagilid ang mukha at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nakaka-imbyerna na ang pagsusungit nito. Magte-thank you lang naman siya. Mahirap ba iyong tanggapin? Naniningkit ang mga mata niyang sinalubong niya ang nakakamatay nitong tingin sa kaniya. “Alam mo ikaw…” dinuro pa niya ito. Pero hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito at matalim lang siyang tiningnan. “Bakit ganiyan ka sama iyang ugali mo? Gusto ko lang naman magpasalamat sa paglligtas mo sa akin kanina.” “Leave or I’ll tell Dr. Fortalejo to fire you.” Kaagad naman na nanlaki ang kaniyang mga mata. Nawala ang tapang niya at bigla siyang natakot. Ayaw niyang mawalan ng trabaho. “Oo na, aalis na.” nakasimangot na sabi niya. “Pero para sa ’yo talaga ito, Manong sungit.” Mabilis siyang umikot at inilagay sa may hagdan ng kubo nito ang lunch box na kaniyang dala. At bago pa man siya nito masigawan ulit ay kaagad na siyang tumakbo pabalik sa bahay. Kung itatapon nito iyon katulad ng ginawa nito sa flowers at chocolate na ibinigay ni ate Rachelle, bahala ito. Bibigyan niya na lang din ito ulit bukas. Nasa may pinto na siya papasok ng kusina nang nilingon niya ang lalaki. Napanguso siya. Wala na ito pero ang lunch box ay naroon pa rin kung saan niya iyon inilagay. “Hayy… I guess, kailangan kong dalhan na naman siya ulit bukas,” mahinang sambit niya. Ah, basta ang motto niya sa buhay ‘walang sukuan’ hangga’t hindi nito tatanggapin ang pasasalamat niya, hindi siya titigil sa pagbibigay. Napangiti siya at pumasok na sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya ang kaniyang canvass at nagsimula na siyang magguhit. Ever since, gusto niyang maging architect. Kaya kapag may naiipon na siyang pera ay kakausapin niya sina ate Thea at Doc Lawrence na kung puwede ay mag-aral siya sa gabi. Natigil lang siya sa pagguhit nang biglang kumulog ng malakas, pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Napaigtad siya at mabilis niyang hinablot ang makapal niyang kumot at nagtalukbong nang sunud-sunod ang pagkulog at pagkidlat. Kaagad din niyang tinakpan ng kaniyang mga kamay ang dalawang tainga niya. Then, she was thinking happy thoughts. Ito ang ginagawa niya kapag kumidlat at kumulog at siya lang ang mag-isa sa kuwarto noon sa kanilang mansion. Takot siya sa kulog at kidlat. Ngunit ilang minuto na lang ang lumipas pero naririnig pa rin niya ang malalakas na pagkulog sa labas. She groaned. Sinubukan niya ulit na mag-isip ng mga nakakatuwang bagay. Then, Chance Saavedra’s handsome face showed up in her mind. Ang malapad nitong noo na laging nakakunot. Ang makakapal nitong mga kilay na laging magkasalubong, ang magaganda nitong mga mata pero matalim pa sa kutsilyo kung makatitig sa kaniya. Ang napakatangos nitong ilong at ang oval shape na hugis ng guwapo nitong mukha. Kahit na mukhang once in a blue moon lang yata ito nag-aahit at nagpapagupit ng buhok, but still, she finds him attractive. Impit siyang napatili nang makaramdam siya ng kilig nang maalala niya ang pagligtas nito sa kaniya ng dalawang beses. Una nang muntik na siyang mahulog sa swimming pool at pangalawa kanina sa palengke. Kaya alam niya na kahit gano’n ito kasungit at masakit pa kung magsalita ay may ginintuan itong puso. Napangiti siya at umayos na sa pagkakahiga hanggang sa makatulog na siya. Pero naalimpungatan lang siya nang may sunud-sunod na kumatok sa main door ng bahay. Bumangon siya. Nang mapatingin siya sa labas ng bintana ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Pero hindi na kumukulog at kumikidlat na ipinagpasalamat niya. Muli niyang narinig ang pagkatok sa may pintuan. Kumunot ang noo niya. Sino naman ang mangangahas na magpunta rito sa ganitong panahon? Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang bigla iyong tumunog. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang nag-text sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita niya ang oras. Malapit ng mag-aalas onse ng gabi. Pero nang mabasa niya ang text ni Dr. Fortalejo na magpapa-bukas ito ng pinto dahil ito ang kumakatok ay dali-dali siyang bumaba ng kama at tinakbo ang pintuan sa may entrada. “Magandang gabi po sa inyo, Doc. Bakit po kayo napasugod dito?” tanong kaagad niya sa among lalaki nang buksan niya ito ng pinto. Napangiwi pa siya nang makitang basang-basa ito at tumutulo na ang tubig-ulan sa sahig. “The twins called me, and I promise them to be here. Tulog na ba sila?” tanong nito. Hinihintay nga ito ng mga bata kanina pa, kaya lang umulan naman ng maaga. “Hindi ko po alam, Doc, nasa itaas na po kasi sila. Pasok muna kayo Doc. Pupuntahan ko lang si ate Thea sa itaas para ipaalam na nandito na po kayo.” aniya at nilakihan muna ang pinto sa pagkakabukas para makapasok ito sa loob, bago siya nagtungo sa itaas. Kinatok niya ang ate Thea niya sa kuwarto ng mga ito pero wala ito roon kaya nagtungo siya sa katabing kuwarto na ginawang mini library nito. Nang pagbuksan siya nito ay kaagad niyang sinabi na narito si Doc Lawrence. Nangingiti pa siya nang makita niya ang pagkakataranta nito. Alam niyang unti-unti nang lumalambot si ate Thea para kay Doc Lawrence. Sana simula na ito para magka-ayos na ang mga ito at mabuo ulit ang pamilya ng mga ito. Speaking of family, kumusta na kaya ang Mommy at Daddy niya? Sina Nana Mila at ang iba pa nilang mga kasambahay? Sana nandoon pa rin ang mga ito sa mansion at hindi ito sinisesante ng mga magulang niya lalo na ang Nana Mila niya. Bumaba siya ulit at nakita niya si Doc Lawrence na nakatayo pa rin malapit sa nakasarado ng pinto. "Doc, wait lang po kayo sandali at pababa na po si ate Thea." aniya. Tumango naman ito. Nang makita niyang pababa na ang kaniyang ate Thea ay saka lang siya bumalik sa kaniyang kuwarto at bumalik na sa pagtulog. Kinabukasan ay nagpaalam siya kina ate Thea na aalis muna para magsimba. “You can take this whole day a day off, Lynn.” sabi ni Doc Lawrence. “Talaga po, Doc?” masayang sabi niya. “Uh—hu.” Nang tingnan niya si ate Thea ay nakangiti naman ito. “Bukas ng umaga ka na lang bumalik, Lynn, para makapamasyal ka naman.” sabi naman ni ate Thea na mas lalong nagpapasaya sa kaniya. Nagpasalamat siya sa mga ito at agad na pumasok sa kaniyang kuwarto para maghanda na. Umuwi muna siya kina ate Carla para makapag-abot siya ng pera sa mga ito pero sinimangutan lang siya nito. “Lynn, ipunin mo na lang iyan. Kaya ka nga nagtatrabaho para makaipon sa pagpasok mo sa kolehiyo, ‘di ba?” sabi ni ate Carla. “Pero ate—” “Walang pero-pero.” putol nito sa pagpoprotesta sana niya. Dumating din si kuya Derick at nasermunan siya dahil sa nangyaring gulo sa palengke at hindi man lang siya nagsabi. Nalaman pa nito sa ibang tao. Matapos ang panenermon nito ay bumiyahe sila papuntang Davao para magsimba sila sa may San Pedro Cathedral. Pagkapasok nila sa napakalaking Simbahan ay agad siyang napangiti at nakaramdam ng kaginhawaan. Finally! Matapos ang ilang buwan na hindi na siya nakapagsimba ay ito, nakapasok din siya ulit sa tahanan ng Panginoon. Matapos ang misa ay nanatili pa sila ng ilang minuto para magdasal. Marami siyang ipinagdasal. Unang-una, na sana hindi na siya mahanap pa ng kaniyang mga magulang. Okay lang din sana sina Nana Mila at iba pa nilang mga kasambahay. Pangalawa, na sana magiging masaya na sina ate Thea at Doc Lawrence at pangatlo at panghuli, sana maging mabait na sa kaniya si Chance. “May bank account ka ba, Lynn?” biglang tanong ni ate Carla sa kaniya. Nasa mall na sila. Dito sila dumeretso matapos nilang magsimba. Sina kuya Derick at Cede ay nasa itaas dahil gusto raw maglaro sa WOF si Cede. Sila naman ni ate Carla ay nandito sa grocery para mamili ng mga kailangan ng mga ito. “Opo, Ate. Pero hindi ko na ginagamit at baka ma-trace ako nina Mommy at Daddy.” Panigurado rin na ipina-freeze na rin iyon ng Mommy niya. Ang alam ng mga ito, wala siyang alam sa buhay at hindi siya mabubuhay kung walang pera kaya paniguradong babalik talaga siya sa poder ng mga ito. Pero nagkakamali ang mga ito dahil simula nang marinig niya mula sa mga ito na gusto siyang ipakasal kay Simon ay ginawa na niya ang lahat para matuto sa mga gawaing bahay at kung paano mabuhay kahit mahirap lang. Tumango-tango naman ito. “Bakit Ate?” tanong niya. “Naisip ko kasi na doon na lang sana ihulog iyong pera mo. Kung mag-o-open ka naman ng panibagong account, hindi naman puwede dahil kailangan iyon ng proof of income or any contract ng kumpanya, patunay na may income ka talaga.” Tumango-tango na lang siya. Pero nang may maisip kung saan niya ilalagay ang kaniyang pera ay niyaya niya ito na pumunta sa bilihan niyon. "Alkansya?" manghang tanong pa nito. "Yep." nakangiting sagot naman niya. Kaagad naman silang nagpa-counter. Naglibot-libot pa sila sa loob ng grocery hanggang sa makakita siya ng lunch box. Mabilis siyang lumapit sa may estante at namili ng limang lunch box at pinaka-counter din niya. "Aanhin mo naman ang mga iyon?" usisa sa kaniya ni ate Carla. "May paglalagyan lang ako, Ate." safe na sagot niya. Ayaw naman niyang sabihin dito na may sinusuyo siyang dragon. Napangisi siya sa huling salitang naisip. Para naman talagang dragon si Manong. Lagi na lang bumubuga ng mga maaanghang na salita. Pero siyempre, crush pa rin niya ito at hindi siya titigil hangga't hindi niya ito napapaamo. Matapos nilang mag-grocery ay nagyayaya si Cede na kumain sila sa isang fast food. Nasa loob na sila at kumakain nang may mahagip ang mga mata niya na pamilyar na tao. Nanginig ang kamay niya dahilan para maibagsak niya ang hawak niyang plastic na kutsara at tinidor. “Lynn, anong problema?” gulat na tanong ni ate Carla sa kaniya. Mabilis siyang tumalikod paharap kay ate Carla nang tumingin sa gawi niya ang taong iyon. “Lynn, namumutla ka—” “Kuya Derick…” napahikbi na siya. Kaya natataranta na ang mga ito. Pati si si Cede ay kakikitaan na rin ng pag-aalala ang mukha. Hinawakan ni ate Carla ang nanginginig niyang mga kamay. Tumayo si kuya at lumapit na rin sa gawi niya. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang mga costumer. "Lynn, ano bang nangyari? May masakit ba sa 'yo?" puno ng pag-aalalang sunud-sunod na tanong ni kuya Derick sa kaniya. “U-Umalis na po tayo rito, Kuya. Nandito ang mga tauhan ni Daddy. N-Nahanap na po nila ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD