CHAPTER 12 - HER FEELINGS

3475 Words
NESTLE 'Ring..Ring! Ring...Ring!' Nagtakip ako ng unan dahil sa ingay. Pero hindi tumigil iyon kaya inaantok na kinapa ko ang side table kung saan nakalapag ang cellphone ko. Nang makapa ko iyon ay sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan ang tumatawag. "Hello?" inaantok kong sabi habang nilagay lang sa tenga ang cellphone habang nakapikit. "Get up now," sabi ni Duke na kinakairita ko. "Pwede ba! Natutulog pa ako!" irita kong sabi habang inis na sinipa ang kumot. "I'm giving you 5 minutes to get up. And if you're not yet up, get ready for your punishment," sabi nito at binaba na ang tawag. "ARGH! NAKAKAINIS KA TALAGA! INAANTOK PA AKO!" inis kong sigaw habang nakatakip ang unan sa bibig ko. Lugo-lugo akong tumayo at kumuha ng towel bago tinungo ang banyo sa loob mismo ng kwarto. Sosyal. Nagtitili naman ako dahil sa sobrang lamig ng nabuhos na tubig sa katawan ko. Nakalimutan kong gamitin ang mild heat ng shower. "Haist. Kung pwede ka lang tirisin," gigil sa inis na sabi ko habang pinapatay si Duke sa isip. - Nakabihis ako ng black sando na may panloob na yellow green na sando. Masiyado kasing mababa ang neckline ng sandong itim ko kaya dapat may suot na isa pa. At nagsuot din ako ng shorts na pang exercise. Habang nakawhite rubber shoes. Nakahati sa dalawa ang pagpusod ko sa buhok ko. Nagmukha tuloy akong bata. Sinuot ko din ang white jacket ko dahil malamig pa sa labas. Bumaba na ako sa baba para puntahan si Duke. Nakita ko ito na nakatingin sa bintana nila. Dim ang lights at tulog pa ang mga tao sa bahay. "Tara na," aya ko rito. Humarap siya kaya napatingin ako sa suot niya. Nakajacket na itim habang nakajogging pants. Dahil sa tangkad ay para siyang basketball player. Basa pa ang buhok nito na bagsak pero inaamin ko na bagay sa kaniya at lalong naging gwapo. Argh! Ano ba ang iniisip ko at pinupuri ko siya. Nakapamulsa siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakahalukipkip lang ako habang hinihintay na magsalita siya. "Tsk. Change your shorts," asik na utos niya nang makitang nakashorts ako. Sinamaan ko siya ng tingin na kinaiwas niya mula sa pagtitingin sa legs ko. "Ayoko nga. Halika na. Ang aga-aga mo akong ginising para mag-exercise. Pwede naman kasi na ikaw na lang," irita kong sabi sa kaniya. Pabalang na naupo siya sa sofa at nagdekwatro. "Go upstairs and change," sabi nito at humalukipkip na sumandal sa sofa at pumikit. "Ano bang problema mo sa shorts ko? Hindi naman ikaw ang nagsusuot," inis na talaga ako. Napakaarte niya! Dumilat ito at tiningnan ako ng masama. "Malaki ang problema ko. Dahil pag yan lang sinuot mo, lalamigin ka. At pagpepyestahan lang ng ibang lalake ang legs mo. And I don't like that idea!" utos niya at tumataas na din ang boses niya. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Umiwas ang inis niyang mata sa akin. "Magpalit ka. Dahil hindi tayo aalis hanggat hindi mo pinapalitan yan," pagpapatuloy niya. Hindi na ako nakipag-away pa at muling umakyat sa taas. Timpi lang Nestle. Alalahanin mo na boss mo siya at nakikitira ka lang. Dapat kang magtimpi kahit na gustong-gusto mo na siyang tirisin na parang kuto. Makakaganti ka rin sa pagiging arogante niya. Umiling-iling ako habang nagpapalit ng jogging pants. Mabuti at may dala ako. Pag nagkataon ay manghihiram pa ako. Bumaba ako at humarap muli sa kaniya. Pinasadahan niya ang suot ko at nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na kinairap ko. Tumayo siya at nag-unat ng mga kamay. "Let's go. Tiyak kong lalaki ka na oras na mabanat ang mga buto mo," aya nito na may halong pang-aasar. Bubulyawan ko sana siya nang lumakad na siya palabas. Nagpapadyak muna ako sa inis bago sumunod sa kaniya. Paglabas ko ay nakita ko siyang nag-uunat ng braso at paa. Tumingin siya kaya umiwas ako ng tingin. "Let's go," aya nito at nagjogging na. Napahinga ako ng malalim at nanlalata na nagjogging. - Hinihingal na ako dahil ayaw pa niyang huminto. Nalagpasan na namin ang beach at ngayon ay balak pa ata niyang libutin ang buong isla.. Huminto ako at napahawak sa tuhod ko. Nanghihina ako dahil inaamin ko na ngayon na lang ulit ako nakapagjogging ng ganito. "Hurry! Malapit na tayong matapos. At babalik na tayo sa bahay," sabi niya nang mapansin siguro na hindi na ako sumusunod. Nasa tapat kami ng mga tindahan ng mga souvenir. May nakita akong bench kaya naupo ako. Napahinga siya ng malalim at umalis. Hindi ko na siya pinansin dahil habol ko talaga ang hininga ko. Pinahiran ko ang pawis ko sa noo gamit ang towel na dala ko. "Here," lahad ni Duke sa isang tubig na tila binili pa niya sa isang vending machine. Kinuha ko iyon at ininom. Habang siya ay naupo din sa tabi ko. Pasikat na ang araw kaya umiinit na rin. "Two years ago bumalik ako rito para sa isang misyon," sabi bigla ni Duke. "Huh?" hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating? "Bumalik ako rito at nakipagdate ako sa isang babae," sabi niya muli. Umiwas ako ng tingin dahil alam ko na kung ano ang sinasabi niya. "Ano namang pakialam ko? Hindi ko naman sinabing magkwento ka," sabi ko sa kaniya at tumayo. Pero pinigil niya ako at hinatak muli paupo. "Listen to me okay," sabi niya at nakaharap na siya sa akin. Binawi ko ang kamay ko at pinaling sa iba ang paningin ko. "Kaya lang ako nakipagdate para makahanap ng impormasyon para sa mga nagbabanta ng masama sa pamilya ko," sabi niya. Kaya napatingin ako sa kaniya. "Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung sino ang nasa likod ng mga nagpapadala ng threat kila Mommy at sa akin. Kaya ako umalis upang magsanay na makipaglaban at kaya kami lumipat dito sa BF Island. I want to protect my family like what Dad do," pagpapatuloy niya. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko alam kung maniniwala ba ako? Pero tingin ko ay nagsasabi siya ng totoo. Dahil narito nga sila Miss Ganda. At dito na sila tumira gaya ng kwento niya. Ako lang pala ang laging nag-iisip ng masama tungkol sa kaniya. Tumayo ako dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. "Tara na. Bumalik na tayo," sabi ko sa kaniya at naunang lumakad. Hindi ko naman siya pag-iisipan ng masama kung nagtiwala lang siya sa akin na sabihin iyon. Pero siguro iyon talaga ang kapalaran namin. Dahil kahit ano pang paliwanag niya ngayon ay wala na ding magbabago sa kasalukuyan. Tahimik lang kami habang pauwi sa bahay nila. Nakita ko sa labas ng bahay nila sila Bettina na nagbabike habang angkas si Benjamin. "Kuya! Ate!" masayang bati nila nang makita kami. Ngumiti ako at lumapit sa kanila. "Marunong ka palang magbike, Bettina," sabi ko sa kaniya. "Tinuruan ako ni Cha--" sabi niya at hindi niya natapos ang sasabihin nang mapatingin siya kay Duke. "Sino ang nagturo sa'yo, Bettina? At bakit mo angkas si Benjamin? Mamaya sumemplang kayo at pareho kayong magalosan," sermon agad ni Duke. "S-Si Charmaine ang nagturo sa akin. Tama! Tinuruan niya ako nung may group project kami," sabi niya tila hindi rin sigurado sa sinabi niya. "Tsk. Bumaba na kayo d'yan at pumasok sa loob," masungit na sabi ni Duke at pumasok na sa loob ng bahay nila. Napatingin ako sa kaniyang likod. "Napakasungit talaga niya! Ang aga-aga nanenermon," inis na sabi ni Bettina. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Alam ko na nagsisinungaling ka sa Kuya mo kung sino nga ba ang nagturo sa'yo. Pwede mo namang sabihin sa akin at pangako hindi makakarating iyon sa iba," sabi ko sa kaniya na tila namumutla. Hinaplos ko ang buhok ni Benjamin na nakayakap sa ate nito mula sa likod. Mabuti at marunong itong sumakay at kumapit. "Ate kasi.," panimula niya tila nahihirapan pang sabihin sa akin. "Hey Nestle!" bati ng pamilyar na boses. Kaya napalingon kami. Nakita namin si Xenon at Chad. "Hi," bati ko at tumingin sa kanila. Napansin ko na parang may tinitingnan si Chad. Kaya napalingon ako kay Bettina na nakababa na pala sila habang pinapasok nito ang bike. Tumingin muli ako kela Xenon. "Nasa loob si Duke," sabi ko sa kanila. Napatingin si Chad sa akin at tinaasan ko siya ng kilay dahil sa klase ng tingin niya kay Bettina. Nag-iwas siya ng tingin. Binggo! Tinalikuran ko na sila at naunang pumasok. Kailangan ko pang maligo dahil gaya ng sabi ni Duke ay may pasok na ako sa hotel bilang secretary. Nakita ko ang mga naghaharutang triplets habang si Bettina at Benjamin ay nanonood na ng t.v katabi si Drake na nagbabasa ng kung anong libro. Masiyado palang palabasa ito ng libro. "Hey kids! Nakahain na," tawag ni Miss Ganda na nakasuot ng apron na lumabas ng dining area. Tumingin siya sa akin. "Nestle, tara na rin," nakangiting aya niya. "Sige po. Magshoshower lang po ako," sabi ko. "Sige," sabi niya at tumingin sa likod ko. "Oh Xenon, Chad, tara at dito na rin kayo mag-breakfast," aya niya rin sa dalawa. Hindi ko na pinakinggan ang sagot ng dalawa at nagtungo na ako sa hagdan para umakyat. - DUKE Nakatingin ako sa salamin habang nakahubad ako. Kakatapos ko lang magshower kaya basa ang katawan ko. Pinahid ko ang hamog sa salamin dahil sa lamig ng tubig. Hindi ko alam kung paano ko susuyuin si Nestle. Wala na nga ba siyang pagtingin sa akin? Kaya kahit na inamin ko na sa kaniya ang tunay na nangyari two years ago ay tila wala na lang iyon sa kaniya. Si Khalil na ba talaga? Napahagod ako sa buhok kong basa dahil sa frustration. Hindi ko kayang malaman kung wala na nga ba siyang nararamdaman para sa akin. Parang naninikip ang dibdib ko sa kaalaman na hindi siya magiging akin. Lumabas ako ng banyo habang nagtatapis ng towel sa bewang. Pero napahinto ako sa pagtungo sa walk-in closet ko ng makarinig ako ng sigaw mula sa guest room kung nasaan si Nestle. Kaya agad akong lumabas ng kwarto at agad na tinungo ang kwarto niya. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Nilibot ko ang tingin at hinanap siya. Pero wala akong makitang Nestle. "Nestle!" tawag ko. Hindi ko siya narinig kaya lumakad pa ako hanggang sa matapat ako sa kama niya. Pero napatingin ako sa banyo ng makita siyang tumatakbo palabas ng banyo. Napanganga ako at biglang napalunok ng makita ang basa niyang katawan habang tanging towel lang din ang takip sa katawan niya. Takot na takot siya at agad na tumakbo sa gawi ko. Nabigla ako ng magtitili siyang napayakap sa akin na ngayon ko lang naalala na nakatowel lang din ako. Dahil sa pagkabigla at lakas ng pagdamba niya ay napahiga kami sa kama. Napalunok ako at hindi makagalaw sa sitwasyon. At tila ganun din siya. Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Nagkatinginan kami at nakita ko ang paglunok din niya. Napakaganda at lalo akong naaakit sa kaniya pag basa ang buhok niya. Tatayo sana siya nang hawakan ko ang bewang niya at pinagpalit ang posisyon namin. Nasa ibabaw niya ako habang nasa ilalim siya. "T-Teka--" sabi niya na gulat na gulat. Pero hindi ko na siya pinagsalita. Sinakop ko na ang labi niya na sabik na sabik. Pinadama ko sa kaniya ang nararamdaman ko para sa kaniya. Buong puso ko siyang hinalikan dahil ewan ko kung mahahalikan ko pa siya ng ganito. Nanlalaban pa siya pero habang tumatagal ay tumutugon na siya sa halik ko. Napangiti ako at mas nilaliman ang paghalik ko. Dama ko ang bilis ng t***k ng puso niya na gaya din ng sa akin. Umungol siya tila nauubusan ng hininga sa pagsakop ko sa labi niya. Bumitaw siya at lumanghap ng hangin. Pero gusto ko pa. Ayaw kong tumigil. Hinabol ko ang labi niya at muling sinakop. Pinasok ko ang dila ko dahil sa pagbuka ng bibig niya. Hinanap ko ang dila niya para tuksuhin siya. Sinipsip ko ang taas ng labi niya at muling pinasok ang dila. "Tok! Tok! Tok! Nestle! Tapos ka na ba? Kakain na!" Napahinto si Nestle sa pagtugon sa halik ko at nabigla ako ng itulak niya ako sa dibdib kaya naalis ako sa ibabaw niya at napahiga sa kama. "O-Opo! Baba na po!" tugon niya kay Mommy habang nakahawak sa towel sa katawan niya. "Okay!" sagot ni Mommy at narinig ko ang paglayo ng yapak nito. Natahimik kaming dalawa habang siya ay nakatalikod sa akin at nakahiga ako sa kama niya. Naipatong ko ang braso ko sa mata ko dahil tila may nagawa ako na tiyak na iiwasan niya muli ako. "Lumabas ka na," sabi niya. Inalis ko ang braso ko sa mata at naupo sa kama. Tumingin ako sa likod niya. Napahinga ako ng malalim at tumayo. "Kung ano man ang nangyari ngayon ay hindi ko pinagsisihan," sabi ko sa kaniya. "Pwes. Ako hindi! Nagagalit ako dahil nagtaksil ako kay Khalil. Maling-mali ito!" galit niyang sabi. "Aminin mo kasi na may nararamdaman ka pa sa akin. Hindi ka tutugon sa halik ko kung ayaw mo sa akin. Ginawa mo lang boyfriend si Khalil para makamove on ka sa akin. Pero ang totoo ay ako pa rin ang laman ng puso mo," seryoso kong sabi sa kaniya. Umiling-iling siya. "Lumabas ka na please!" hikbi niyang pagpapalabas sa akin. Napahagod ako ng buhok at sinipa ang kama. Tumalikod ako at lumapit sa pinto para lumabas. Pero saglit akong huminto para mag-iwan ng salita sa kaniya. "Sisiguraduhin ko sa'yo na ako lang ang mamahalin mo. Gagawin ko ang lahat para maamin mo sa sarili mo kung kanino ka nararapat," malamig kong pagbabanta sa kaniya at binuksan ang pinto at lumabas na. - NESTLE Napatakip ako ng mukha at humagulgol. Nagagalit ako dahil hinayaan kong halikan ako ni Duke. Naguguilty ako dahil pakiramdam ko nagtataksil ako kay Khalil. Napasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko na naman malaman kung paano haharapin ngayon si Duke. Oo tama siya. Ako ang may kasalanan. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ako nadala sa kaniya. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko mula nang maglapat ang labi naming dalawa. Alam ko sa sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kaniya. O pinapaniwala ko lang ba talaga ang sarili ko na wala na talaga? Umiling ako dahil sa naiisip ko. "Hindi! Si Khalil ang boyfriend ko kaya siya ang mahal ko. Hindi na dapat maulit pa iyon. Dahil kung mangyayari pa iyon ay aalis na ako rito para maiwasan siya," sabi ko sa sarili ko. Pinahid ko ang luha at nagtungo sa closet at kinuha ang susuotin ko sa trabaho. Isang blazer na white, sandong itim sa panloob at isang black pants suit. Light make up lang ang ayos ko sa mukha at kinulot ko ang dulo ng buhok ko. Napahinga ako ng malalim ng makita na wala na ang bakas ng pag-iyak ko. Ayoko naman na magtaka sila Miss Ganda kung bakit ako umiyak.. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko na dadalhin. Lumabas na ako at bumaba ng hagdan.. Tahimik na ang living room kaya tiyak na nasa dining area na ang mga ito. Tinungo ko ang dining area at bigla akong nahiya nang mapatingin silang lahat sa akin. "Halika, Nestle. Dito ka daw sa tabi ni Bettina," sabi ni Miss Ganda. Kaya tumango ako at ngumiti na lumapit sa sinabi nito. "Akala ko ay hindi ka pa bababa. Pupuntahan sana kita," sabi pa niya at naupo bago hinarap si Benjamin. "Ate, ang ganda mo talaga. Bagay sa'yo ang suot mo," bulong ni Bettina pagkaupo ko. "Salamat," nakangiti kong sabi. "Ang ganda mo kasi kaya titig na titig tuloy sa'yo si Kuya Duke," bungisngis nitong sabi. Hindi ako makangiti pero tumango na lang ako at hindi tumingin kay Duke na nasa tapat ko. Kumuha ako ng kanin dahil hindi ako sanay sa kinakain nilang bread, egg, ham and hotdog lang. Parang hindi ako mabubusog pag walang rice. Tahimik lang ako habang sila ay nagkukwentuhan habang kumakain. "Duke anak, wag mo masyadong pahirapan si Nestle ha. Hindi ibig sabihin na secretary mo siya ay sa kaniya mo iuutos ang lahat," paalala ni Miss Ganda kay Duke. Muntik pa akong mabulunan nang sa akin na naman natungo ang usapan. "Yes, Mom," sagot ni Duke habang umiinom ng tubig. Tapos na ata siya, pero ako hindi pa. Tumayo na siya kaya nag-angat ako ng tingin. "Hintayin kita sa labas," sabi niya sa akin at tumalikod na. Bakit tila malamig ang boses niya? Tumayo din si Chad at Xenon. "Kami din tita, aalis na," sabi ni Xenon na agad namang tinanguan ni Sir at Miss Ganda. "Ayyyieehh! Hintayin ka daw ni Kuya," tukso sa akin ni Bettina pagkaalis ng dalawa. Namula ako sa hiya dahil narito pa ang mga kapatid niya, si Miss Ganda at Sir. "Bettina, wag mong asarin ang Ate Nestle mo," suway ni Miss Ganda. "E, kasi naman Mom! Ang torpe ni Kuya. Naunahan tuloy siya," sabi muli ni Bettina. Uminom ako ng tubig at nagpaalam na aalis na. Tumango naman si Miss Ganda at Sir tila nauunawaan nila na naiilang ako. Paglabas ko ay nakita ko ang mga tauhan ni Sir Dimitri. Hinanap ko si Duke at ang dalawang kaibigan nito pero hindi ko nakita. "Miss, nasa loob na ng kotse si Sir. Pumasok na daw kayo," sabi ng isang tauhan tila ito ang magdadrive. Tumango ako at dahan-dahang lumapit. Pinagbuksan ako kaya nagpasalamat ako kay Kuya. Nakita ko si Duke na nakatingin lang sa bintana. Kaya hindi ko na siya pinansin. Nilabas ko ang cellphone ko para itext sila Nanay ng good morning. At pati na rin si Khalil. Nakalimutan ko silang itext kanina. Tiningnan ko ang text message na dumating. Text galing kay Khalil. 'I miss you, Hon.' text nito. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko dahil lalo akong kinakain ng guilt sa puso ko. Tinext ko siya at sinabi din na miss ko na siya. Nagring ang telepono ni Duke kaya napatingin ako sa kaniya. "Yes, hello?" malamig niyang sagot sa tawag sa kabilang linya. "Tsk. Hindi na sabi ako tumatanggap ng empleyado. Paalisin niyo at ayoko na maabutan ko pa yan," sabi ni Duke sa kausap at binaba na ang tawag. Tumingin na lang ako sa bintana at napansin na malapit na pala kami. Sabagay malapit lang naman talaga ang hotel mula sa bahay nila. Marami akong nakitang mga turista na tila mga bagong dating. Marami nga pala ang dumadayo rito sa isla nila. Nakakalula na siguro ang kinikita nila. Huminto ang sasakyan nang makarating kami sa entrance ng hotel. Naunang bumaba si Duke kaya kinuha ko na rin ang bag ko at bubuksan ko sana ng maunahan akong pagbuksan ni Duke. Kaya walang imik na bumaba ako. Sinara muna niya ang pinto at sabay namin na binagtas ang entrance ng hotel. Sa pagpasok namin ay nakita namin ang dalawang guwardya na may hinahatak palabas. Hindi pinansin ni Duke iyon tila sanay na makakita ng gano'n. "Duke! Duke!" sigaw na mula sa babaeng hinahatak nung mga gwardya. Napahinto si Duke at tumingin doon. Tumingin din ako doon at nakita ko ang isang babae na nakamalaking salamin sa mata. Nakamahabang palda. At nakapolo. Nakarubber shoes din siya na tila hindi match ang lahat ng suot niya. Nakapusod din ang buhok niya. Tumakbo siya sa gawi namin at nabigla ako nang yumakap ito kay Duke. "Duke, ayaw nila akong papasukin. Sabi ko kilala kita. Kailangan ko lang talaga ng trabaho para sa Lola ko na may sakit. Please! Tanggapin mo na ako," sabi nito na nagmamakaawa. Inalis ni Duke ang yakap nito at napahinga si Duke ng malalim. "Okay. Magtungo ka kay Shiela. HR department. Sa kaniya mo tanungin kung ano ang magiging trabaho mo," pagpapayag ni Duke. Heto siguro iyong sinasabi ng kausap niya sa telepono na nag-aapply at sinabi niya na wag tanggapin dahil hindi na kailangan. Pero ngayon bakit tila madali lang nito nahire ang babae. "Thank you talaga. Talagang hero kita. Salamat sa paglitas mo sa akin sa bar at ngayon ay tinanggap mo pa ako sa trabaho. Hayaan mo gagalingan ko ang trabaho ko," tuwang-tuwa at mahabang sabi ng babae. Ngumiti si Duke at ginulo ang buhok ng babae. Nag-iwas ako ng tingin at napahigpit ang hawak ko sa bag ko na nakasabit sa balikat ko. "Walang anuman. Sige mauna na kami," sabi ni Duke. "Let's go, Nestle," malamig na tawag sa akin ni Duke. Tumalikod na ito kaya naiwan ako sa babaeng ito. "Nestle pala ang pangalan mo. Ano ka ni Duke?" tanong niya sa akin. Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "Ah.. secretary lang niya ako. Sige mauna na ako," sagot ko at paalam sa kaniya. Ngumiti siya kaya kita ang brace niya sa ngipin. "Sige. Ako si Kimberly," nakangiti nitong sabi kaya tumango na lang ako at tumalikod pasunod kay Duke. Napabuga ako ng hangin dahil parang hindi ako makahinga. Naguguluhan ako sa pagkamalamig na trato sa akin ni Duke. Kung dahil iyon sa nangyari kanina ay wag niya sanang dalhin sa trabaho. Tapos doon kay Kimberly kung makangiti siya parang tuwang-tuwa pa siya. Eh ano bang pakialam mo Nestle?! Dapat nga matuwa ka dahil tila may babaeng nakapukaw ng atensyon nito. At baka hindi ka na niya guluhin pa. "Pumasok ka na at masasarahan ka na ng pinto," sabi ni Duke. Hindi ko namalayan na hindi pa pala ako sumasakay ng elevator at ang nakakahiya pa ay kitang-kita niya na nakatulala ako. Agad akong pumasok at palihim na pinalo ang noo sa katangahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD