PINAPAALALAHANAN ni Ingrid ang sarili na sasaktan niya ang paasang si Zeus. Ang magaling na lalaking nagsabing hindi aalis, hayun at nawala na lang sa kabilang bahay. Pinatay pa ang phone. Ang ending, mag-isa niyang hinarap sina Leida at Elton. Si Leida na halatang pinaghandaan mula ulo hanggang paa ang pagkikita nilang muli—magandang-maganda ang babae, mukhang gustong ipagdiinan na wala siyang binatbat kaya natural na ito ang nagustuhan ni Elton at hindi siya. At magpapakasal na nga talaga ang impakto at impakta! Naka-plaster na ngiting inaral niya sa salamin ang reaksiyon ni Ingrid. Tumango lang siya. Hindi nagtangkang magsalita dahil baka pumalpak siya. Hindi siya magaling magsinungaling sa salita. Una siyang kinausap ni Leida nang sarilinan. Nag-s

