(Elian’s POV) Minsan, hindi mo kailangan ng matinding eksena para mapagtanto kung gaano kalalim ‘yung nararamdaman mo. Minsan, sapat na ‘yung simpleng umagang tahimik — at isang tao lang ang dahilan kung bakit parang ang gaan ng mundo. Pagkababa ko kanina sa dining hall, hindi ko in-expect na andun na agad si Lexie. Naka-tali ‘yung buhok niya, may konting eyebags, pero ewan ko — parang mas lalo siyang gumanda sa simpleng paraan na ‘di niya alam. At nang ngumiti siya, parang may sumabog na something sa loob ko na matagal ko nang pilit kinakalma. Pinilit kong maging casual. “Good morning.” Pero ang totoo, gusto kong sabihin: Good morning, pero sana ikaw rin ‘yung unang nakikita ko araw-araw. --- All throughout breakfast, nag-aasaran sina Rafa at Kiell. Usual banter, pero ibang klas

