(Lexie Monteverdi’s POV) Isang linggo na ang nakalipas mula noong fieldwork. Pero kahit tapos na ang mga interview, parang naiwan pa rin sa isip ko ‘yung bawat eksenang kasama ko si Elian — ‘yung mga simpleng tingin, ‘yung mga tahimik na sagot, at ‘yung mga salitang hindi niya kailanman tinapos. Minsan, kahit nakaharap ako sa laptop, bigla ko na lang maalala kung paano siya ngumiti sa ilalim ng araw. O kung paano niya ako tinawag sa tono na kalmado pero may bigat — parang bawat syllable ay may kasamang meaning na hindi ko pa kayang unawain. Ngayon, nandito ako sa study room ng hacienda. Nakapalibot sa akin ang mga papel, laptop, at recorder — parang maliit na giyera ng productivity at pagod. Gabi na, halos lahat ng ilaw sa paligid pinapatay na. Tahimik. Maliban sa tunog ng kuligli

