(Lexie Monteverdi’s POV) Tanghali na, at ramdam ko na ‘yung init ng araw na parang gusto kong magtago sa ilalim ng kahit anong lilim. Pero sabi nga ni Elian kanina — “Mas okay na magpayong kaysa magkasakit.” Ayan tuloy, hawak ko ngayon ‘yung payong na bigay niya, habang sinusulat ko ‘yung notes ko sa maliit kong notebook. Pawis na pawis na ‘yung ballpen ko sa kakasulat, pero ayaw ko pa ring tumigil. “Salamat, hija,” sabi ni lola na huling in-interview ko. “Ang sipag mo ha, kahit mainit, nagtatanong ka pa rin.” Ngumiti ako. “Part po kasi ng school project namin, pero masaya po ako na nakakausap kayo. Ang dami kong natututunan.” “Ah, ganun ba. Mabuti naman.” Ngumiti lang siya, sabay abot ng maliit na mangga mula sa basket niya. “O, kainin mo ‘yan. Para may energy ka pa.” Nagpasalamat

