(Lexie Monteverdi’s POV) Ang tahimik ng hapon sa hacienda—‘yung klase ng katahimikan na hindi nakakainip, pero parang may inaantay. Umuugoy ‘yung mga kurtina sa study hall, hinahaplos ng hangin na amoy lupa’t kape. Sa labas, makulimlim na; bawat hampas ng hangin sa mga dahon ng mangga, parang may gustong sabihin pero ayaw pa. Nasa mahaba kaming mesa—ako, Aira, Zyra, Elian, at Rafa. Si Kiell naman, nasa veranda, nakasandal habang nagsusulat sa maliit na notebook. Parang laging may sariling mundo ‘yung tatlong lalaki—kalma, pero laging may iniisip. “Guys,” reklamo ni Aira, hawak ‘yung papel na puro corrections. “Kung may research Olympics lang, sure akong mag-gold ‘tong team natin—sa pagod.” “Sa antok siguro,” sabat ni Zyra, nag-stretch. “Tatlong gabi na akong tulog-puyat. Pati dreams

