( Lexie Monteverdi's POV) Umuulan nang husto sa hacienda. Ang bawat patak ng ulan sa gazebo ay parang puso kong hindi mapakali, tumitibok sa ritmo na hindi ko kayang pigilan. Hindi ko alam na magiging ganun ang epekto ng litratong iyon sa akin, na tila isang lumang alaala na biglang nagising at nagdudulot ng kirot. “Labas lang ako, guys, papahangin,” paalam ko sa kanila. “Huh, ehh ang lamig-lamig na nga kasi naulan eh,” nagtatanong si Aira, sabay siko ni Zyra sa kaniya at pinandilatan ng mata. “Sige, Lex, wag kang papaulan ha,” paalala ni Zyra, may halong pang-aalalang kapatid. Lumabas ako mula sa study hall, dala ang init at bigat ng mga naipon kong emosyon. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang ulan, o ang bigat sa dibdib ko tuwing naiisip ko siya at si Lara. Hindi ko maipaliwa

