CHAPTER 29

1867 Words

(Lexie Monteverdi’s POV) Malamig ang gabi, at ‘yung tunog ng ulan sa bubong parang may sariling ritmo—mabagal, malungkot, pero nakakapanatag. Nasa harap ako ng mesa nina Manang Linda, kumakain ng sinigang habang pinipilit kong huwag isipin lahat ng nangyari kanina sa hacienda. Ang dami kong gustong kalimutan pero parang ayaw kong makalimutan lahat… lalo na ‘yung mga salitang binitawan niya. ‘Yung paraan ng tingin niya. ‘Yung parang ako lang ang mundo niya kahit sandali lang. “Lexie, hija, dagdagan mo pa ‘yan. Halos di mo na nga hinahawakan ‘yung kanin mo,” sabi ni Manang habang abala sa kusina, inaayos ang kalan. Napangiti ako kahit papaano. Ang sarap ng pakiramdam na may nag-aalaga sa’yo kahit hindi mo naman kadugo. Lalo na ngayong parang gusto ko lang mapunta sa kahit anong lugar na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD