(Lexie Monteverdi's POV) Mabagal ang takbo ng hapon sa hacienda. Ramdam ko pa rin ‘yung init ng araw kahit sinasabayan na siya ng malamlam na simoy ng hangin. Sa terrace, tahimik lang. Naririnig ko lang ‘yung mahihinang tawa ng mga volunteers sa likod at ‘yung pag-ugong ng mga kuliglig sa malayo—parang soundtrack ng isang lumang pelikula. Nakaupo ako sa bench, may hawak na notebook at lapis. Sa tabi ko, si Aira abala sa pag-sketch ng layout ng community area, habang si Zyra naman halos malunod sa laptop niya, sobrang focus sa mga shots na kinuha niya kaninang umaga. “Lex,” sabi ni Zyra, hindi pa rin lumilingon. “May nasusulat ka na ba diyan o tinutulugan mo lang ‘yung notebook mo?” “Uy, nag-iisip ako!” depensa ko agad. “Hindi ko kasi alam kung paano ko uumpisahan ‘yung interview part.

