Load

1296 Words

“Mitz? Kakauwi mo lang?” Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Ate Mira na kalalabas lang galing kusina at halatang bagong gising lang dahil gulo-gulo pa ang buhok. Sabagay ay hindi pa halos sumisikat ang araw nang umalis ako kila Gelo kaya malamang ay tulog pa si Mama ngayon. “A-ah… may… may event sa LEF kaya kila Kira ako nakitulog,” mabilis na sagot ko na halos mautal pa kaya inis na inis ako sa sarili ko. Medyo nanginginig din ang tuhod ko dahil sa kung anong pagod na nararamdaman kaya halos hindi ako makalakad ng maayos. Idagdag pa ang sobrang pananakit ng mga hita ko at ang hapdi ng… nasa gitna ng mga hita ko! Agad na nag-init ang mga pisngi ko nang maalala ang nangyari kaninang pagkagising ko! Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Ate at mabilis ang mga hak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD