Isang magaan na halik ang gumising sa akin kaya agad na napadilat ako at kinusot ang mga mata at agad na naramdamang hindi na umaandar ang sasakyan ni Gelo. Napatingin ako sa paligid dahil sa sobrang haba at tagal ng byahe ay hindi ko naiwasang hindi makatulog. Pahinto-hinto kami dahil bukod sa traffic ay kinailangan din naming kumain at magmirienda. Inabot yata kami ng maghapon sa byahe pa lang kaya hiyang-hiya talaga akon dahil feeling ko dahil sa akin kaya kami naabutan ng sobrang higpit na traffic. “We’re here,” sabi ni Gelo kaya agad na napalingon ako sa kanya at tumango. Mabilisang inayos ko lang ang sarili ko at saka sumunod na sa kanya pababa. Alas kwatro na ng hapon kahit na mataas pa rin ang sikat ng araw pero hindi na gano’n kainit sa balat ang sikat. Pagpasok pa lang namin sa

