"Tama ka, babae din ang hanap ko." pag amin ko sakanya. Nanlaki ang mata ni Ellie "Seryoso ba 'yan? K-Kailan pa?" sabay sabi ng "Joke only! Matagal ko ng alam 'no!" aniya na tinabig ang braso ko.
"Talaga?" hindi ako makapaniwala. Hindi padin makatingin sa mga mata ko si Ellie "Oo nga!" tila nahihiya ito na inipit ang bangs niya sa kanyang tenga "Crush kaya kita n'on." pagtatapat niya na nagpalapad ng ngiti ko. Muli niyang tinusok ang biloy sa pisngi ko "Pero noon pa 'yon!"
"Wala akong sinabing hanggang ngayon." natatawang sabi ko, pero ang totoo'y hindi ko mapigilang kiligin sa aking nalaman. Kung nalaman ko lang sana ng maaga.
Muli ngang nanumbalik ang aming pagkakaibigan ni Ellie at noon ko lang ulit naramdaman na ang sarap pala ng pakiramdam na may napagsasabihan ka ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili mo. Mga bagay na hindi ko kayang sabihin kay Miguelito dahil lalake siya at ayaw ko siyang masaktan pa.
"Umamin ka nga sa'kin Madel, may babae ka 'no?" aniya habang nagmamaneho na siya pabalik.
Hindi ko mapigilan matawa "Ano ba, may asawa na ako kaya hindi ko na iniisip pa 'yon."
"But have you done it with a woman?" Halos mapababa ako ng sasakyan sa tanong niya.
"Alam mo baka mabangga tayo, sa kalsada ka tumingin." pag iba ko ng paksa. Bigla niyang hininto sa gilid ang sasakyan at muling ibinalik ang atensyon sa'kin. Inalis niya ang seatbelt niya at lumapit sa'kin "Have. you. done it?" Nanlilisik na pag ulit niya ng tanong sa'kin.
"Hindi." natatakot na sagot ko.
Biglang nagkabituwin ang mga mata niya "Alright! Tuturuan kitang mambabae!" Tuwang-tuwa na sigaw niya at muling iniliko ang sasakyan.
"Matanda na ako para d'yan." sabi ko.
"Hindi ah! Life start at 30's!" aniya. Napakamot na lamang ako sa ulo. Pagbaba namin ay naghanap agad ako ng telephone booth para makatawag sa bahay at masabihan silang gagabihin na ako ng uwi dahil nayaya akong mambabae e-este' mag dinner sa labas ng isang kaibigan.
Dinala niya ako sa isang class na Night Club. Amoy sigarilyo at alak ang bumungad sa'kin. Pag baling ng tingin ko sa entablado ay gulat na gulat ako sa'king nakita. Sa ilalim ng mga nagsasayawang mga ilaw ay may tatlong seksing babaeng gumigiling habang dahan-dahang nag aalis ng kanilang saplot. Pinagkakaguluhan ito ng mga matatandang lalake sa harapan.
"Uwi na ako." sabi ko, pero hinatak ni Ellie ang braso ko.
"What? Kadarating lang natin eh. Here." sabay abot ng pineapple juice sa'kin. "Dun tayo oh." at hinatak na nga niya ako sa table na nasa pangalawang row sa unahan.
Uminom si Ellie ng beer at umorder ng pagkain namin, mayamaya ay bumaba sa entablado ang isa sa mga babaeng naka-two piece lang at sinayawan kami ni Ellie. Tatawa-tawa lang siya habang hindi ko naman alam ang dapat kong maramdaman sa paglingkis ng mga 'to. Inabutan ako ni Ellie ng isang daan. "Para saan 'to?" Biglang tumuwad ang babae sa harapan ko, labas na labas ang dalawang pisngi ng puwet nito na tanging butas lang ang tinatakpan ng tela. "Ilagay mo na." ani Ellie. "Hah?" 'di ko siya maintindihan. Nangingiti siyang lumapit sa dancer at hinatak ang string ng two piece nito. "C'mon, yung pera." ani Ellie. Ano?! I-iipit ko dun sa ano niya yung pera? Napasigaw ako sa isip ko, pero para matapos na ay inilagay ko nalang ng mabilis yung isang daan d'on at pagbitaw ni Ellie sa two piece nung dancer ay pinalo niya ang puwet nito.
"Baliw ka talaga." sabi ko sakanya pagkalabas namin sa Night Club. Tawa lang siya ng tawa, malamang dahil din sa nakainom ito.
"Dati pa akong baliw 'no!" sagot niya.
Natatakot akong magmaneho siya kaya niyaya ko muna siyang magkape para bumaba ang tama niya.
"Oh, eh' akala ko ba mambababae tayo? Nasaan na yung babae na iuuwi natin?" biro ko sakanya. Bigla niya akong hinampas sa braso at itinuro ang sarili niya "Ako yung babae mo diba?" Natawa lang ako at natawa din siya "Joke only!" aniya na humilig sa balikat ko. Bigla nalang kaming tumahimik habang pinapalamig ang mainit pang kape sa aming harapan. Malalim nadin ang gabi kaya halos iilan na lamang ang mga tao sa coffee shop.
"T-Bird din yata ako." nagulat ako sa sinabi niya.
"Alam mo, lasing ka nga." sabi ko pero tumingin siya sa mga mata ko ng diretso "Nagkakagusto ako sa babae at lalake, kaya ako hiniwalayan ng Dad ni Prince. Mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya, tinakpan niya ng palad ang mukha niya at umiyak na. Kinuha ko ang panyo ko at ibinigay sakanya.
"Thank You." sabay singa ng sipon aa aking panyo. Ang cute niya padin talaga.
Duon ko lang napagtanto na malungkot pala si Ellie dahil kahihiwalay lang nila ng Mister niya. Kaya naman sa tuwing yayayain niya akong lumabas ay hindi ako tumatanggi. Ayaw ko siyang nalulungkot kaya ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya.
Isang gabi ay umuwing lasing si Miguelito.
"Pa, bakit naman uminom ka? Hindi ba't ayaw mong umiinom lalo na't makikita ka ni Mary Grace?" wika ko sakanya habang hinaalalayan siya patungo sa kwarto namin. Hinubaran ko na siya ng damit pang itaas para bihisan ng bigla niya akong hinila pahiga ng kama at pinaibabawan. Pilit niya akong hinalikan sa labi at leeg. "Miguel ano ba!" sinampal ko siya at duon lang siya tumigil. Hawak niya ang pisngi niya "S-Sorry Ma... Sorry." Halos maiyak siya sa paghingi ng tawad. "Ayaw lang kitang mawala Ma." Kinuha niya ang dalawang kamay ko "Ano bang pinagsasasabi mo Miguel?" tanong ko sakanya. Tiningnan niya ako na may pagsusumamo "Pakiramdam ko kasi... may iba ng nagpapasaya sa'yo."
Nanlambot ang tuhod ko sa takot at kaba. Hinaplos ko ang mukha ni Miguelito "Dinadaya ka lang ng nararamdaman mo. Wala akong iba, kayo lang ni Mary Grace ang nagpapasaya sa'kin." Niyakap ko siya ng mahigpit. Totoo naman iyon, wala akong iba sapagkat magkaibigan lamang kami ni Ellie.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay iniwasan ko na munang makipagkita kay Ellie ng ilang linggo.
"Bakit ngayon ka lang?" ani Ellie pagsakay ko sa kotse niya.
"Busy sa bahay eh. Pasensya na."
"Okay lang 'no. Basta ikaw." sabay piga sa hita ko.
Pagkatapos namin kumain sa labas at manuod ng sine ay kinuha ni Ellie ang kamay ko, pero agad kong inalis ang kamay ko sa kamay niya. Nagyaya siya sa bahay niya, pumayag ako dahil malinis ang konsensya kong magkaibigan lang naman kami at wala akong planong sirain ang pamilya ko.
Simple lang ang bahay ni Ellie, ngunit elegante ang ayos. Una kong hinanap si Prince ngunit nasa ex husband niya daw ang bata ngayon. Binuksan niya ang malaking t.v niya at nagsalang ng pelikula sa VHS. Tinapik niya ang espasyo sa tabi ng inuupuan niyang mahabang sofa "Mag relax muna tayo, maganda ang movie na 'to." aniya. At umupo nga ako sa tabi niya, pero mayamaya ay nararamdaman ko ng unti-unti na niya akong sinisiksik sa puwesto ko, may iba na akong nararamdaman kaya tumayo na ako.
"Oh bakit?" tanong niya.
"Kailangan ko na sigurong umuwi." sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko "Maaga pa naman, at saka patapos na din itong pinapanuod natin eh." binaklas ko ang kamay niya "K-Kailangan ko na talagang umuwi Ellie." Tinaasan niya ako ng kilay "Bakit ba atat na atat kang umuwi? Alam mo kanina ka pa parang ilang na ilang sa'kin. May problema ba?" naiinis na tanong niya.
"Wala naman, pero kasi... alam mo naman kung ano ako 'di ba?" paliwanag ko sakanya ng malumanay.
"So what? Wala naman tayong maaamang ginagawa!"
Tumalikod ako na napasabunot sa'king sarili. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. "Pakiramdam ni Miguelito, iniiputan ko siya sa ulo." sabi ko sakanya pagharap ko.
"Are you?"
"Hindi." madiin kong saad. "Pero malapit na." bumaba ang tingin ko sa labi niya, napalunok ako. Tila isang mabangis na hayop na naglalaway sa pagkain niya. Napahilamos na lamang ako sa'king mukha. "Tang ina, pamilyado na akong tao." sabi ko sa sarili ko.
"I'm sorry..." hinaplos ni Ellie ang braso ko pero agad kong inalis ang kamay niya. "Wala akong balak na sirain kayo ng asawa mo, gusto ko lang sulitin ang mga oras kasama ka dahil... aalis na ako ng Pilipinas sa susunod na buwan."
Napa-amang ako sa'king narinig. Parang sinuntok ang dibdib ko ng malaman na muling malalayo sa piling ko si Ellie.
"A-ano? H-Hindi pwede. Bakit?!" tanong ko sakanyang litong-lito.
"So that Prince and I can start over."
Kinuha ko ang kamay niya "Puwede padin kayong magbagong buhay, hindi niyo kailangang umalis." Parang kanina lang ay iwas na iwas ako sakanya pero ngayon ako ang naghahabol para pigilan siyang pumunta sa Amerika. Sa huli ay hindi ko din siya napapayag na manatili.
Ang sakit pala.