III. Mga Paano Kung

1598 Words
Hindi na natapos pa ang sinasabi ko dahil pinatahimik na ako ni Ellie sa pamamagitan ng isang halik sa labi. Muling nagliparan ang mga paru-paro sa'king sikmura at nanigas ako sa'ming kinatatayuan. "B-Bakit mo ginawa 'yon?" "Advance wedding gift ko sa'yo. Alagaan mo sana lagi ang sarili mo." ngumiti siya na may bahid padin ng luha. Gulong-gulo ako matapos ang mga pangyayaring iyon. "Ina, hindi ko po mahal si Miguelito." ilang araw ko ng paulit-ulit na bukambibig sakanya. "Ina pakiusap..." halos lumuhod na ako kay Ina pero imbis na awa at pag intindi ay isang malutong na sampal ang iginawad niya sa'kin. Hawak ko ang namamanhid sa sakit kong pisngi na mangiyak-ngiyak. Matalim niya akong tiningnan "Suwail kang anak!" at saka biglang humagulgol si Ina "Hindi mo na kami mahal, ako na Ina mo, na magulang mo! Ahuhuhuhu!" kuda niya pa habang humahagulgol. "Hindi naman po sa ganun Ina." sabi ko, pero dumating si Ama sa eksena at niyakap si Ina sabay senyas sa'kin na pumasok na muna ako sa'king silid. Sa huli ay sinunod ko din ang kagustuhan ng aking magulang. Nang makasal kami ni Miguelito ay gumuho ang mundo ko ng malaman kong nagdesisyon si Ellie na mag-Maynila kahit mag-isa lamang siya. Maski liham ay wala manlang siyang iniwan sa'kin. Duguan ang puso ko ng mga panahong 'yon. Halos isang taon akong nangulila sa paglayo ni Ellie. Mabuti na lamang natanggap na ako sa isang eskwelahan kaya itinuon ko sa pagtuturo ang buong atensyon ko Mabait naman si Miguelito at 'di nagtagal ay inamin ko sakanya ang tunay kong pagkatao. Iginalang niya iyon. Minahal ko din naman siya, ngunit hindi tulad ng pagmamahal ko kay Ellie. Naging matalik kaming magkaibigan at mag asawa narin kaya hindi naging mahirap para sa'kin na siya ay pakisamahan. Kapalit ng kabutihan niya sa'kin ay ginawa ko ang tungkulin ko bilang asawa niya kaya nagkaroon kami ng isang supling. Huminto na ako sa pagtuturo ng ako'y manganak at ibinaling ang atensyon ko sa unica ija naming si Mary Grace. Taong 1985 ng magdesisyon si Miguelito na manirahan kami sa Maynila sapagkat mas madami daw oportunidad at paaralan doon, lalo na't lumalaki na din si Mary Grace. Pagtungtong namin sa Manila ay nakaramdam ako ng kalayaang hindi ko inaakala. Kalayaan dahil sa wakas ay malayo na din ako sa aking Ina at Ama na bantay-sarado sa lahat ng kilos ko. Isang hapon ay medyo nahuli na ako ng pagsundo kay Mary Grace sa kanyang bagong eskwelahan sa Elementarya. "Nako 'nak pasensya na na-late ang Mama. Nawala sa isip ko ang oras eh." paliwanag ko ng isukbit ko sa balikat ko ang pink niyang bagpack. "Okay lang po Mama. Tara na." tugon ni Mary Grace na tumayo na sa pagkakaupo. Paalis na sana kami ng mapansin ko ang nag-iisa na lamang na batang lalaki sa waitingshed ng paaralan. Sa wari ko'y walong taong gulang din ang bata, kasing edad ni Mary Grace. "Kilala mo ba ang batang 'yon anak?" tanong ko. Umiling naman si Mary Grace ngunit sinabing ang alam lang niya ay taga ibang section ang bata. "Hello anong name mo? Naiwan ka ba ng school service mo?" tanong ko sa bata. "Prince." sabay iling "Susunduin ako ng Mommy ko." aniya. "Siguro late lang din ang Mommy niya." sabad ni Mary Grace. Dumidilim na din dahil sa mag a-alasais na kaya nagpasya akong samahan muna namin si Prince. Agad naman na naging magkaibigan ang dalawa kahit nung una ay nagkakahiyaan pa. Binilhan ko sila ng juice drink at biscuit para hindi malipasan ng gutom. Matapos ang kuwareta minutos ay bigla na lamang tumakbo si Prince papalapit sa dumating na babaeng umibis ng sasakyan. "Mommy!" Napako ang mga mata ko sa babaeng sinalubong pa ng yakap ni Prince. Maging siya ay natigilan ng magtagpo ang aming mga mata. "Madel? Ikaw nga!" nakangiting wika niya sa'kin. Hindi ko akalain na muli ko siyang masisilayan at maririnig ang tinig niyang sa wari ko'y limot ko na. Alanganin akong ngumiti na nahihiya. Agad namang napabaling ang tingin niya kay Mary Grace. "Anak mo?" tanong niya. "O-Oo, si Mary Grace. Anak namin ni... Miguelito." nauutal kong naisagot. Nakita kong naglaho ang ngiti sa kanyang labi ngunit agad niyang ibinalik ito at sinabing "Wow, that's great to hear." aniya kasabay ng pagbuga sa hangin. Tila may sasabihin pa sana siya ngunit hinatak na ni Prince ang laylayan ng suot niyang blazer. "Mommy lets go home?." "Ah yes baby, just a second." muli niyang ibinalik ang tingin sa akin. "Hatid ko na kayo." paanyaya niya. "Naku hindi na, walking distance lang naman ang bahay namin." sabi ko. "Ah ganun ba." nasabi na lamang niya. Pagkatapos ay humakbang siya papalapit sa kinatatayuan ko, para akong mauubusan ng hangin. Nang magkalapit na ang mga mukha namin ay idinampi niya ang kanyang pisngi sa pisngi ko. "Well then, I'll see you around." wika niya sabay ngiti. Na-estatwa dahil sa ginawa niya dahil sa pagbalik ng isang halik sa aking ala ala. Nang makasakay na sila sa sasakyan ay naglakad na din kaming pauwi ni Mary Grace. Nang gabing iyon ay hindi ko mawari kung bakit natakot akong sabihin kay Miguelito ang aksidenteng pagtatagpo namin ni Ellie. Sa isang restaurant. Sopistikada ang dating ni Ellie sa suot niyang puting blouse at slacks. Nakakapanibago din ang maigsi niyang gupit at nagkikislapang mga hikaw sa kabila niyang tenga. Maging ang mga kolorete nito sa mukha na noon ay nakikita ko lang sa mga modelo sa magasin ay gamit din niya. Habang ako ay naka-kaswal na puting blusa't pantalon na itim lamang. Hindi maikakaila na naging maganda ang Maynila para kay Ellie. "So gaano na kayo katagal ng husband mo dito sa Manila?" tanong niya habang kumakain kami ng in-order niyang Italian cuisine. "Magta-tatlong taon na din." sagot ko. Tiningnan niya ako mula taas pababa kaya medyo nailang tuloy ako't napayuko. "You look good. Simple and beautiful as ever." Papuri niya na hindi ko alam kung maniniwala ba ako kaya medyo natawa tuloy ako na inayos ang buhok kong lumuwag na sa pagkakapusod. "Naku nambola ka pa, eh ikaw nga itong maganda padin kahit trenta na. Ay!" bigla akong napatakip ng bibig matapos mabanggit ang edad namin. "Sorry." sabi ko. Natawa lang naman siya "Its fine, I don't mind at all." aniya pa. Kung sabagay, sa ganda niya ay mas hahangaan pa siya ng mga tao kapag nalaman ang edad niya. Medyo nalungkot naman siya ng malaman na huminto na ako sa pagtuturo. Dumalas ang mga ganoong pagkain namin sa labas, ngunit sa tuwing hihilingin niyang ihatid ako ng bahay ay palagi akong tumatanggi. Minsang pauwi na kami ay tumunog ang beeper ko. Malamang dahil hinahanap na ako ni Miguelito sapagkat ang paalam ko lang ay mamamalengke lang ako ng Sabadong 'yon. Pinili kong hindi nalang pansinin pa iyon at ibinalik ang beeper sa bag ko. Napansin naman ni Ellie ang ginawa ko habang nagda-drive siya "May kailangan ka bang tawagan? P'wede kitang ihinto sa phone booth." alok niya. "Hindi na, hindi naman yun importante." pagdadahilan ko. Napatingin siya sa relo niya, 01:36 PM "You know what, maaga pa naman. How about I'll take you somewhere?" "Ikaw." sagot ko lang at bigla na niyang iniliko ang sasakyan. Manghang-mangha ako sa napakalawak na parke na pinagdalhan sa'kin ni Ellie. Namumukadkad sa ganda ang mga bulaklak ng santan, yellow bell at bougainvillea. Dagdag ganda din ang mga tindero't tinderang may sari-saring inilalako. Bula, mani, kendi at kung anu-ano pa. Madami ding mga photographers na gumagala at nagtatanong sa mga taong nanduon kung nais nilang magpakuha ng litrato. Sa di kalayuan ay matatanaw ang rebulto ng pinakatanyag na Bayaning si Dr. Jose Rizal. Noon ay nababasa ko lamang sa libro ang makasaysayang parke na iyon. Naglatag si Ellie sa ilalim ng isang punong mayabong at naupo kami ng magkatabi. "I'm glad you like it here." aniya. Pagbaling ko kay Ellie ay duon ko lang napagtanto na kanina pa pala niya akong pinagmamasdan. Ang mga titig niya na muling gumagambala sa nananahimik ko ng damdamin. Kaya kinabig ko ang kanyang bewang at ikiniling naman niya ang kanyang ulo sa'king balikat. Napatingin ako sa paligid, sapat lamang ang mga tao at ang iba ay abala magpakuha ng mga larawan sa photographers. Hinayaan ko ang aming posisyon, ang samyo niya na para bang hinahatak ako pabalik sa aming kahapon. "Na-miss mo ako 'no?" sambit niya sa malambing na tinig sabay tusok sa biloy ko sa pisngi, tulad ng ginagawa niya noon. "Umalis ka kasi ng walang paalam." sabi ko sa mababang tono. "Hindi ah, nagpaalam ako." aniya, napakunot-noo akong nagtataka pero agad niyang itinuro ang labi niya "Remember my farewell kiss?" Noon ko lang naisip na iyon pala ang ibig sabihin ng ginawa niya. Medyo nahiya tuloy ako at natawa naman siya. Mayamaya ay umagaw ng atensyon namin ang ingay ng dalawang dalagang nasa gilid namin. Masaya ang mga ito na nagpapakuha ng larawan. Nakita kong bahagyang napangiti si Ellie, marahil ay naaalala din niya kami noong teenage years namin. Nagulat naman ako nang maghawakan ng kamay ang dalawang dalagita na tila ba magkasintahan, agad kong ibinaling sa iba ang atensyon ko. "Mga T-Bird." ani Ellie. Tumikhim ako "M-May sasabihin pala ako sa'yo." kinakabahan kong sabi. "Let me guess... T-Bird ka din." aniya na nakatawa sa'kin. Nabigla ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin "Hindi ka padin talaga nagbabago e 'no? Wala padin preno 'yang bibig mo." sabi ko ng nakangiti. Para naman siyang nahiya sa sinabi ko at tumahimik na ngingiti-ngiti lang din. "Tama ka, babae din ang hanap ko." pag amin ko sakanya. Nanlaki ang mata ni Ellie. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD