SEDUCING MY HOMOPHOBIC ROOMMATE
Nandito kami ngayon ng kaibigan kong si Astrid sa isang cafeteria malapit lang din sa tinitirahan kong apartment. Wala naman kaming pasok ngayon, so we can laze as much as we want.
"Bakla, nagpa quiz ba si sir kahapon?" pagtapik nito sa akin kaya napalingon naman ako.
"Hindi naman, bakit ka pala absent kahapon? Wala tuloy akong kasama."
"Tinamad lang talaga akong pumasok, tsaka hindi rin maganda ang pakiramdam ko kahapon, medyo masakit 'yung ulo ko" wika niya.
"Alam mo, lagi nalang sumasakit 'yang ulo mo, baka naman sungay na 'yan," biro ko kaya pareho namin kaming napatawa.
"B–Bakla..." saad nito habang nakahawak sa kaniyang tiyan.
"Bakit, ano 'yun?" I replied, waiting for her answer.
"Bakla, sobrang sakit ng tiyan ko, kailangan ko na mag-cr."
I softly chuckled, hindi ko na rin napigilan pa at napatawa na ako nang malakas. She really looked helpless, ang lakas kasing kumain.
"Ang takaw-takaw mo kasi, inubos mo ba naman lahat ng inorder natin, paanong hindi sasakit tiyan mo niyan"
"Bakla, hindi ko na talaga kaya, lalabas na talaga," natatarantang saad niya, looking at me with her pleading expression.
"Bilisan mo na nga, mag cr ka na doon, hihintayin nalang kita dito."
"Ayoko dito, ang daming tao, doon nalang sa apartment mo, malapit lang naman dito 'yun 'di ba?" she asked, her hands still resting on her stomach.
Hindi pwede...hindi niya pwedeng malaman na magkasama kami ni Dylan sa iisang room.
"Astrid, ano kasi...hindi ka pwede doon," I mumbled, gently biting my lower lips, hoping she wouldn't insist.
"Sige na, ngayon lang naman, hindi ko na talaga kayang pigilan 'to" she fastened her eyes on me. "Pease, pumayag ka na."
Do I have a choice? Kung hindi ba naman kasi saksakan ng kaartehan ang babaeng 'to.
"Sige na nga lang, halika na, lahat ng kaartehan na sa'yo na talaga," napipilitan kong pagpayag.
Nagbayad na kami ng mga inorder namin at agad na sumakay sa kotse ko. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dylan kapag nakita niyang kasama ko si Astrid.
Makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na kami sa apartment ko. Patakbong pumasok si Astrid sa loob at dire-diretso nagtungo sa banyo. She didn't even notice Dylan na nakaupo sa sofa.
"W–Was that Astrid? The hell, Kaii. Anong ginagawa niya dito, 'di ba may usapan tayo?" he stood up, approaching me with those mocking eyes.
"Well...she needs to use bathroom kaya siya nandito, b–bakit bawal ba 'yun?"
His face went serious. His jaw tightened. I had no choice but to just look down because I literally can't face him.
"You freaking gay, hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan," he fiercely insulted me. "Tumabi ka nga diyan," he then pushed me, just enough to assert his dominance.
Naglakad ito papalabas at padabog na isinara ang pinto. The wall almost cracked dahil sa lakas nito.
Habang hinihintay na matapos si Astrid ay naupo na lang muna ako sa sofa. Kasalanan ko naman talaga, we have a deal pero hindi ako tumupad.
"Kaii...tapos na ako," sigaw ni Astrid na papalapit sa akin.
"Buti naman, ano okay ka na ba, masakit pa ba tiyan mo?" I asked in a concerned voice.
"Okay na'ko," she smiled. "Sino nga pala 'yung lalaking nakaupo dito kanina, si Dylan ba 'yun?"
I froze for a while habang nag-iisip ng isasagot sa kaniya. I thought he didn't notice Dylan but I was wrong. Hindi, hindi niya pwedeng malaman na si Dylan iyon.
"Kaii, tinatanong kita, magtititigan nalang ba tayo dito?" tinapik nito ang balikat ko.
I let out a heavy sigh and fixed my eyes on her. "Promise me... na secret lang natin 'to. Dylan and I are living here together," I uttered.
"T–Talaga, pero kailan pa? Bakit 'di mo naman sinabi sa akin na magkasama pala kayo dito," dagdag tanong pa niya, bakas sa mukha ang gulat at pagtataka.
"Mahabang kuwento, hindi mo na gugustuhing marinig pa." tipid kong sagot.
I don't have time to explain how that bully came into my life. Mas lalo lang akong naiinis kung maalala ko kung paano siya pumasok sa room ko na para bang wala lang, like it's his.
Hindi pa nga muna umuwi si Astrid dahil gusto niya pa daw makita si Dylan. She wants to see that bully, she indeed likes him kaya naman nanuod nalang muna kami, wala na rin naman akong ibang gagawin.
After how many hours, it's already 8 pm pero hindi pa bumabalik si Dylan. Naiinip na rin si Astrid kaya naisipan na nitong umuwi.
I decided to give her a ride, hindi naman kalayuan ang bahay nila from my apartment. Ilang saglit lang ay nakarating agad kami.
"Bakla, salamat pala, babalik nalang ako next time kapag may oras," ani niya nang makababa na.
"Anong salamat? Akin na bayad mo, sobrang mahal kaya ng gas tapos salamat lang."
"Para namang hindi tayo magkaibigan niyan," hirit pa nito kaya napahagikgik kaming pareho.
Tuluyan na nga siyang pumasok sa kanilang bahay. Ako naman ay nagmaneho na rin pabalik ng apartment. When I arrived, dali-dali na akong pumasok.
"Where have you been?" bungad ni Dylan na ikinagulat ko, he was standing besides the door, his arms crossed.
"H–Hinatid ko lang naman si Astrid, bakit?" wika ko habang nakahawak sa aking dibdib.
"It's already late, sana naman maisip mo na may roommate ka dito," he said firmly.
"Alam ko naman 'yun, hindi mo na kailangan pang sabihin, tsaka bakit mo ba ako inaantay, namiss mo na ba agad guluhin ang buhay ko?"
He didn't answer. He just silently walked to his bed. Dumiretso muna ako sa cr para maghilamos. Nang matapos ako ay pinatay ko na ang ilaw at agad na nahiga sa sofa.
"Kaii...why did you turn off the lights? I can't see anything, paandarin mo nga 'yan." reklamo nito.
"Hindi ko na problema 'yan, pilitin mo nalang makatulog," I said, covering myself with my blanket.
Tumayo ito mula sa pagkakahiga at muling pinaandar ang ilaw. I also stood up. I approached the switch and turned it off but he immediately grabbed my hand and turned it on once again.
"Ano ba naman 'yan, patayin mo nga sabi, hindi ako makatulog," sinubukan ko siyang itulak papalayo.
His grip tightened. He leaned closer and placed his other hand against the wall, pinning me. Our faces almost touch and his breath hitting my face.
His face suddenly became soft. "Kaii...can we just sleep with lights on, please," he whispered softly, his voice low and deep yet seductive.
I couldn't look at him directly. I tried to escape but he wouldn't release me. Mas lalo lang itong nagiging agresibo.
"F–Fine...we will sleep with lights on kaya bitawan mo na ako," papayag ko, I heard him chuckled, clearly amused by my frustration.
"Look at you, you're blushing, don't tell me, may gusto ka sa'kin," he gently brushed my hair and leaned even closer. "Do you like me, Kaii?"
I gazed at him, darting from his lips to his eyes. I saw that he was grinning, which I find attractive.
"f**k, stop staring at me like that, it's creeping me out," he said, full of disgust.
Napayuko nalang ako at inalis ang tingin sa kaniya. He was giggling proudly that he won against me.
"You know what? Gay like you are really so easily swayed," nandidiring ani niya. "Do you really think that I'm into gay like you?"
I helplessly glanced at him. He then released his grip, so I immediately ran outside to calm myself.
"Ang tanga ko...why did I let him do that," napasabunot nalang ako sa aking buhok.
Why did I act that way? I knew he was tricking me. I shouldn't have let him do that. Am I falling for my enemy?
To be continue...