LEVI's POV
Maaga akong dumating sa church since I play the saxophone for the Musical Worship. For those who are interested to know me, I am Levi Hudson. My favorite instrument is saxophone. I’ve been playing it since I was little so you can say that I know the instrument by heart.
When I arrived, wala pang masyadong tao sa simbahan. I decided to do warm ups first. Sa totoo lang, saxophone is really hard most especially because it would cause you lots of air from your lungs. Kailangan kasi siyang hipan para tumunog. Buti namaster ko na ito kaya madali na para sa akin. Pero may mga araw pa rin na nahihirapan ako.
“Good morning, Lev! Doing warm up?” bati ni Kaira sa akin na kararating lang. A worship leader and also a friend of mine.
“Good morning. Yeah”
“I see. Sige iwan na muna kita jan.” sabi niya tas umalis na rin.
Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga tao. Pero may isang tao akong hinihintay makita pero di ko mahagilap. Baka late na naman yun.
Nang magsimula na ang Musical Worship, bigla siyang dumating kasama ang parents niya. I smiled in my heart at that. Natatawa talaga ako sa poker face niya, di ko malaman kung anong iniisip niya. But when you come close to her, makikita mo naman na hindi siya poker. I witnessed that because she has been my saxophone student for like 6 months. Sayang at hindi na siya nagpatuloy. Naging busy na kasi siya sa school noon. So kahit ayaw ko man, wala rin akong magagawa. When she stopped coming, dun ko na realize na nakuha na pala niya ang atensyon ko. I suddenly find myself looking out for her everytime she’s near me. Sa una naisip ko, baka little sister lang ang nararamdaman ko para sa kanya but then I thought of Hannah, my ex-girlfriends younger sis. And I don’t seek her like I seek Avich. Ooops! That was supposed to be a secret but I guess I can’t keep her a secret for long.
When the Sunday service was over, I immediately excused myself from Van who was talking non stop to me. Kailangan ko kasing makausap si Avich. I scanned the crowds na unti - unti nang lumakad palabas ng church. There I saw her walk away with her parents.
Lumakad ako at tinawag siya pero hindi naman siya lumingon. Seems like hindi niya ako narinig dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Kung sundan ko kaya?
I decided against it and went to Kuya Marv. My biological brother and our youth pastor. “Kuya, I went to her but seems like hindi niya ako naririnig.”
"Sino? Si Avich ba? Ba't di mo hinabol?" Tanging tanong niya na nakapagtaas ng isa kong kilay.
"She seems out of it. "
"Out of it?" Kuya asked with a frown.
"Actually, kanina ko pa siya napapansin sa service.." salita ako ng salita, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ng nakakaloko si Kuya sa akin.
"Uy Lev, baka si Avich na yung bread of life mo sa Sunday ah, hindi na si Je-sus. " sabi niya sa akin still wearing a teasing smile.
I looked at him with a defensive frown and said. "Kuya, stop talking nonsense."
He gave me a snort and said. "Naku, di mo ko maloloko, Lev. May ganung moments rin ako nung kaedad kita. Saka ano pang dinedeny mo jan eh alam ko na naman ang pagtingin mo dun? Anyways, siguro magbibigay nalang ako ng message kay Ate Marga."
I decided to ignore the first things he said. "Okay." Tumango si Kuya sa akin at umalis na.
Isa kasi kami sa naimbitahan ng house of prayer para sa worship burn for the entire month. Worship burn is about worshiping God non stop by singing to Him, playing instruments to Him and such. At ngayon, we need people in our worship team to join the activity on our assigned schedule. And since Avich is one of the members of our team, nagbabakasakali kaming baka gusto niyang mag volunteer. Si Kaira lang kasi ang nagcommit sa mga singers kaya we were hoping na sana sumali rin siya.
"Uy Lev, Love Banquet na next week di ba? SIYA ba ang iimbitahan mong makadate? Liligawan mo na ba SIYA pagkatapos? hehe" sabi ni Van na bigla nalang sumulpot sa likuran ko.
"Tss. Leave me alone." sabi ko at tinungo ang stage para tumulong sa pagligpit ng mga instruments at iba pa.
"Come on man! Ilang taon pa kayong magpapasulya-sulyap sa isa't-isa huh? Hanggang may magsawa sa inyo?"
I sighed. "Alam mo na kung bakit. She's still studying. I don't want to be a distraction to her."
"Pssh. What if magkagusto yun sa iba?"
Hearing that, bigla akong natigilan. I didn't make it obvious to Van though and continued what I was doing.
"Kung para sa akin, para sa akin. Because what God prepared for me will never be snatched away from His hands. And He will give it to me at the right time."
I will wait for God this time. Because the last time I didn't, I lost everything.
…
Monday morning came and I woke up with a start. I then did my daily devotion and took a bath afterwards. When I was done, I went downstairs to eat breakfast.
"Good morning, Nana! Si Mom and Dad? Hindi pa bumababa?" ani ko kay Nana Lila.
Si Nana Lila ay aming kasambahay na tinuring na naming pamilya. Bata pa lang kasi kami ni Kuya Marv, nagtatrabaho na siya sa amin. Itinuring ko na rin siyang parang Lola ko.
"Hindi pa, Iho. Gusto mo tawagin ko para makapag-almusal kayo ng sabay?"
"Ah, hindi na ho. Baka tulog pa yun. Sabay na po kayo sakin, Nana. Para naman may kasabay ako kumain rito."
"O siya sige, Iho. Hindi na ko mahihiya kasi ilang beses mo na din naman akong inaya kumain " sabi ni Nana na may halong biro.
Natawa ako sinabi niya.
"Eh, matanong ko lang Iho, kelan ka ba mag-aasawa?"
Hearing her question, a person's face entered my mind, making me smile as I chewed my food.
"Naku, base sa mukha mo mukhang malapit na ah"
I'm sure malayo pa yun. haha
"God's will po." tanging sabi ko sa kanya when my mouth is empty.
After eating breakfast and everything, I rode on my motorcycle going towards my workplace. It was a Music Academy. The place where I started teaching sax and other instruments as per Kuya' s recommendation after I returned to the Philippines. Nagstudy kasi ako ng Music kaya I know how to play different instruments. But sax was my favorite among all.
At first, I was against it. After all, I have so many memories with the said instrument. Memories I wanted to forget. I want to forget all about it because of a certain person. But as I surrendered myself to the Lord, I realized that I should not quit just because of that person. Most especially, not because of a person who cheated on me with another guy. Ilang taon na rin nang nagsimula akong magturo and I never once regretted it. Though masakit sa una dahil palagi kong naaalala ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko but God gave me hope. He renewed my passion and was able to help my students love music and play instruments. Yung iba kasi sa kanila hindi gusto ang music. Pero dahil isa yun sa mga subject nila, kailangan nilang pumasok.
When I arrived at my workplace, I prepared everything I needed for my class. As I did, I heard my phone ring.
"Hello?"
'Good morning lil bro! Nasa work ka na ba?'
"Yes kuya. Bakit?"
"Nagreply na sakin si Ate Marga. Hindi daw sasali si Avich."
Ah, bakit naman?
"I see. Yun lang ba itinawag mo? You could've just sent me a message."
"You know I prefer calling over typing a message. haha "
"Tss."
"Hindi ka ba curious kung bakit ayaw niya sumali?"
Curious ako. Pero hindi na ito kailangang malaman pa ng kapatid ko. Baka asarin na naman ako nito.
"She must have had some reasons."
"Haha yun din ang naisip ko. Anyways, that's all lil bro! God bless at ingat sila sa kagwapuhan mo. haha" then he hung up the call.
Umiling nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Avich's POV
After school, I went directly to church. Ngayon kasi ang araw ng aming All Girls Small Group. Si Ate Ali ang aming group leader. Asawa ni Kuya Marv.
To be honest, ayaw ko sana umattend ngayon. It's because of what I realized nung Sunday. I feel that I was being a hypocrite. Kasi I keep on listening to all the things ate Ali was discussing as well as the Sunday sermons but I am unable to do them perfectly. I was struggling so much wanting not to sin but over and over, I kept doing it. I kept doing it until I got tired of struggling and just chose to live in sin.
Surely, this is not the first time I felt like not wanting to come. And I never fail to follow what I feel. So ilang beses na din akong hindi umattend ng small group. But hindi ko alam kung anong nangyari kasi before I knew it, I was heading towards church. And here I am.
Pagdating ko, wala pang ibang taong dumating. Medyo napaaga kasi ako. Kaya I picked up my notebook at nagsketch.
I kept on doing stroke after stroke until what was formed was a bride. But instead of a happy bride, it was a sad one. Oh, that's not right. It's a neutral looking bride.
Huh..
Moments later, someone arrived and it was Ate Kaira.
"Hi Avich!" masiglang bati niya sakin.
"Hello po."
"Ganda ng drawing natin ah! Ang talented mo pala, inday. Magaling na nga na singer, magaling pa magdrawing! Ako hanggang stick man lang kaya ko. haha"
Tumawa lang ako dun sa sinabi niya.
"Pwede ka bang makausap sandali?"
I paused for a moment before saying. "Ano po yun?"
"Tungkol sana sa gaganaping worship burn for a month. Sasali ka di ba? Wala ka kasi nung inannounce yung tungkol dun. Kaya I decided to approach you. I thought na baka interesado ka. Every 7pm to 9pm yung shift natin. Kelan ba uwi mo pagkatapos ng school? "
"4:30 po."
"Oh nice nice! So makakasa-"
"Uh ate, alam ko na yun." pag-interrupt ko sa kanya. "Nagtext kasi si Kuya Marv kay Mama about dun. Nagdecline na ako."
"Bakit naman? May problema ba? Busy ba sa school?"
I didn't say anything at first. Was contemplating kung sasang-ayon nalang ako sa kanya para hindi na siya magtanong ulit o sasabihin ko ang totoong rason. Pero nanaig yung wag magsinungaling sa isip ko. "Hindi po yun."
"Ano yun? You know you can tell me anything, Avich. Pero if hindi ka komportable magshare sakin, okay lang din. You can just talk directly to ate Ali. After all, siya naman ang leader natin." sabi niya with a smile.
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya. After all, matagal ko na rin namang nakasama si Ate Kai kahit hindi kami ganun kaclose. Hindi kasi ako close talaga sa mga taga church. Mostly, mas bata sakin ang kaclose ko gaya ni Francine.
Pero looking back, it seemed like mapagkakatiwalaan naman si Ate. She's a true worshipper at walang bakas na bad example sa kanya. Kaya napagdesisyunan ko na sabihin sa kanya ang tungkol sa problema ko.
"Kasi ate, I.. I have been feeling unworthy to sing for God. I have been struggling with sin and I told no one about it because I'm afraid that they would think badly of me. I prayed so much, so many times I cried out to God. Pero it was useless because before I knew it, I committed sin again. It was such a frustrating cycle that I ended up getting tired of struggling and decided to quit. And now, I'm living in sin."
There was sympathy in the eyes of Ate Kaira as she was listening to me.
"I see. It is good that you pray fervently to the Lord, Avich. But I think there is one thing you failed to do after you pray."
I frowned at that. "Ano po yun?"
"Complete surrender."
Huh?
"Complete surrender is when you pray to God for the Holy Spirit to work in your life. The Holy Spirit is the only one who can truly transform us pero kung hindi natin siya hahayaang gawin ang trabaho niya, walang magbabago sa buhay natin."
"Holy Spirit doing work?" nalilitong tanong ko. Bago kasi yun sa utak ko.
"Yes. After we receive Jesus as our LOrd and Savior, we receive the Holy Spirit. The Spirit of Jesus. The one who is able to cleanse us, sanctifying us by His blood. And once we receive Him, He will want to work inside of us in order for us to grow in the will of God. And that doesn't happen overtime or in a day. It's a daily process. That is why, since we are still living in the flesh, we must choose not to surrender to our flesh but surrender to the Holy Spirit. Daily, or even moment by moment basis, we have to pray for the Holy Spirit to work within us. But if we surrender to the flesh, then we hinder the Holy Spirit's work within us hence we yield to temptation. But if we let the Holy Spirit work within us, we will not sin. After all, it is God's spirit that prevents us from sinning against Him."
After hearing ate speak, medyo naliwanagan ako. "So in other words, the Holy Spirit is a person who is living inside us, right?"
"Yes dear. He is. I mean, isn't He part of the Trinity? Char, napa english ako. haha"
Oo nga no? Akala ko kasi para lang siyang gust of fire power ganun. No exact form, no exact shape. Parang yung ipoproduce na malaking power gaya nung kamihami-wave. I mean, sa pentecost ganun kasi yung pagdescribe sa kanya. eh.
"Thank you for telling me, ate. Naliwanagan ako. hehe Pero, paano ko po siya kakausapin? Pano ko malalaman kung nakikinig siya sakin?"
Ate Kaira gave me a smile and said, "If you have faith, then you will see that He is listening, Avich."
Napatungo ako.
“Actually, may libro ako. Papahiramin kita. It’s something that helped me a lot in my walk with the Holy Spirit.”
“Talaga po? Sige po, pahiram ako.”
“Sige dalhin ko yun next time magkita tayo.”
Hindi ko alam pero parang na eexcite ako. “Thank you po.”
“Balik tayo sa tanong ko, sasali ka na ba?” Excited na tanong ni Ate.
“P-Po?”
…
5:30 PM palang ay pumunta na ako sa church. Even though 7PM palang ang shift namin sa worship burn, I decided to just go in advance lest maabutan na naman ako ng pagkatamad ko at magdecide na hindi nalang umalis ng bahay. Nasanay na kasi akong nasa bahay lang pag walang activity sa church like bible study or prayer meeting. Pagkarating ko ay nakita kong nandun na si Ate Kaira. She raised her face and smiled when she saw me.
"Hi Avich! Mabuti nagbago isip mo! Praise God talaga!" maligaya niyang sabi.
We hugged each other before ako umupo sa tabi niya.
"Oo nga po eh. I think it's a good break na rin sa routine ko."
"Routine mo?"
"Mn. Palagi lang kasi akong nasa bahay after school."
"Really? Hindi ka ba nagmomall or window shopping with your friends? Nga pala, ito na yung libro.”
“Thanks ate! Babalik ko din pagtapos na ako.”
“Wag kang magmadali. 40 chapters yan. Basahin mo 1 chapter per day. Ang laki ng pinagbago ko dahil jan.”
“Ah, sige po.” Nilagay ko sa bag ko ang libro.
"Hi Kai! Uy Avich, buti nagvolunteer ka rin!" sabi ng kararating lang na si Kuya Ariel. Kasama niya si Kuya France.
Binigyan ko lang siya ng ngiti dahil dun.
"Hello sa inyo!" bati ni ate Kaira sa kanila.
Pagkatapos ng batian ay nagpatuloy kami ni Ate Kai sa pag-uusap.
While nagpatuloy kami ni Ate Kai sa pag-uusap, naglaro naman ng ML ang dalawang lalaking dumating.
"Hmm.. naglalaro din pala sila ng mobile games?" di ko naiwasang magtanong.
"Oo. Past time daw nila."
Eh, di ba bawal yun? I mean, pagchristian ka, di ba dapat nakatutok ka lang sa pagbibliya? Or else magkakasala ka. Alam ko nasa bible yun eh. Nasa Joshua ata. Meditate on this book of law ganun.
"Eh ate diba-"
"Uy France, si Levi dumating na." rinig kong sabi ni Kuya Ariel na nagpalingon sa akin sa kinaroroonan ng sinabi niya.
Pagtingin ko, nakita ko si Kuya Levi na nagpark ng kanyang motor.
Ang gwapooooo!!
"Si Levi nga. Ha? Ano nga ulit yun, Avich?"
Medyo nawala sa isipan ko ang gusto kong itanong kay ate. Pero buti nalang at naalala ko pa ng lumingon ako pabalik sa kanya. "Eh, di ba ate bawal maglaro ng games ang mga Christian? Eh, bakit sila naglalaro niyan?"
Ate gave me a smile and then said. "True. After all, may mga demonic spirits ang mobile games na nanghahalina sa mga manlalaro causing them to love it more than God. But hindi naman natin sila mapipigil, Avich. We can just warn them pero si Lord lang ang makakapagconvict ng puso ng tao."
In my peripheral view, I saw Levi coming towards us.
"Oo nga din naman…" sabi ko kay ate, trying so hard to ignore the feelings stirring inside of me dahil sa taong papalapit sa kinaroroonan namin.
"Uy Lev! Kumusta bro?" rinig kong sabi ni kuya France.
"Mm. Hi Lev!" bati ni Ate Kai kay Levi nung malapit na siya while I was too shy to even say hi to him. So I just pretended na may kukunin sa bag ko.
"Hi Kaira, Avich!" sabi niya kaya kinabahan ako. I looked at him tapos bumati na rin.
“Hi kuya” ngumiti siya sa akin tapos nag excuse sa amin. Pinuntahan sina kuya Ariel. Shems, kuya naman eh.. Ba’t ang gwapo mo ngumiti????
"Uy Kai, Avich, kain daw tayo. Libre ni rich boy Lev." biglang sabi ni kuya Ariel sa amin.
Manlilibre siya?! Ang bait naman.
"Talaga? Sayang, kumain na ako before nagpunta dito eh. Avich, ikaw ba?"
"Kumain na rin ako sa bahay" at kahit hindi pa ako kumain, hindi pa rin ako sasama! Baka ipahiya ko lang sarili ko in front of Levi pag nagkataon.
"Narinig niyo yun. Kayo nalang boys. Enjoy!"
"Kain na lang kayo ulit! haha" ani Kuya Ariel. Natawa nalang kaming dalawa sa kanya.
"Wag na ipilit bro. Makikita mo rin naman si Kaira mamaya eh haha Tara na." ani Kuya France at inakbayan si Kuya Ariel para lumakad na sila.
"Tumahimik ka nga jan, France! Hindi ganun yun ah"
Tumango lang sa amin si Levi bago sumunod sa kanila. I tried so hard to ignore the feeling na nanghihinayang ako sa pag-alis niya.
"May crush po ba sa inyo si Kuya Ariel?"
Matagal ko na rin kasing napapansin na panay tukso ni kuya France kay Kuya Ariel pag dumating si Ate Kaira.
"Haha ewan. Pero wag nating pag-usapan yan.”
Levi's POV
I entered the church after I parked my motor. When I did, I was quite surprised to see Avich speaking with Kaira. After all, sinabi na ni Kuya sa akin na nagdecline siya. Hindi naman siguro ako pinaprank ni Kuya, di ba?
"Uy Lev! Kumusta bro?" bati ni France sakin nung papalapit na ako sa kanila.
“Good.”
“Hi Lev!” bati ni Kaira sa akin habang may kinukuha raw si Avich na kung ano sa bag niya.
“Hi Kaira, Avich!” bati ko sa kanila.
Nilingon ako ng bata tapos naghi rin siya. Ngumiti lang ako sa kanya tapos nag excuse sa kanila. Lumapit kina Ariel.
"Kumain na kayo? Ako kasi hindi pa." sabi ko habang nilalapag ang bag ko sa silya malapit kay Ariel.
"Haha manglilibre ka ba?" ani Ariel.
"Pwede naman."
"Naks! Iba talaga rich people haha"
"Tss."
"Uy Kai, Avich, kain daw tayo. Libre ni rich boy Lev"
When he said that, I looked at Avich's expression. She looked quite surprised at that. Seems like I got her attention.
"Talaga? Sayang, kumain na ako before nagpunta dito eh. Avich, ikaw ba?"
"Kumain na rin ako sa bahay."
Well, that sounds disappointing.
"Narinig niyo yun. Kayo nalang boys. Enjoy!"
"Kain na lang kayo ulit! haha" ani Ariel na nagpatawa sa dalawang babae.
I hate to admit it but sumasang-ayon ako sa sinabi niya.
"Wag na ipilit bro. Makikita mo rin naman si Kaira mamaya eh haha Tara na" ani France at inakbayan si Ariel para lumakad.
"Tumahimik ka nga jan France! Hindi ganun yun ah"
I gave the two girls a nod before following them.
…
"Buti nagvolunteer si Avich. Para naman di OP si Kaira. Siya lang kasi babae na nag volunteer" sabi ni Ariel habang kumakain kami.
"Yiee nag-aalala"
"Heh! Alam mo naman si Kai di masyadong interactive yun sa mga lalaki. Nakikipagusap lang sa lalaki yun kung kailangan. Kaya masaya lang ako na may makakausap siya along our journey sa worship burn."
"Tama ka naman. Dapat yan ang tinutularan ng ating mga kababaihan. Pag ganun, siguro mas focus sila lahat sa gawain ng Diyos. Hindi puro kilig ang inaatupag."
"Dapat ganun din tayong mga lalaki no."
"Oo nga, oo nga. Tingnan mo si Levi, perfect example yan."
Tss.
"Oo nga eh. Kahit sinong babaeng lumalapit dyan, naglalagay pa rin ng boundaries yan."
"Wait, speaking of daming lumalapit, pansin niyo si Avich?"
I looked at France at that.
"Oh bakit? Anyare kay Avich, France?"
"Minsan kasi napapansin ko siyang panay ang sulyap kay Levi."
"Huh? Teka, napansin ko rin yun! Nung isang araw nga-"
"Guys, it would be good if we don't talk about this." I interrupted them.
Hindi ko kasi gusto ang mga ganitong conversation. Naaalala ko yung parehong pinag-uusapan ng mga naging kaibigan ko noon. Where in they talk about girls, specifically talk dirty about them just because the girl showed interest towards a friend of mine or sometimes, sa kin.
Although I'm sure na hindi pareho kina France ang mga previous friends ko, kasi mga unbeliever naman yun, I still feel uncomfortable hearing it. Lalong-lalo na, dahil si Avich ang pinag-uusapan nila.
I admit na napapansin ko nga yung panay na pagsulyap sa akin ni Avich. Eh pano, God made such amazing eyes that enabled me to have a peripheral view. But they didn't need to know that.
"Sorry bro hehe. Ang cute kasi nung bata. Pasulyap-sulyap ganun. Pero in fairness, hindi siya lumalapit sayo para makipag flirt. Parang kuntento na siyang makita ka ganun. Yieeehh respect!!"
"Oo nga no? Ikaw ba Lev, ano pakiramdam mo ron? Nakuha mo yung attention ng aming munting Avich! Alam mo bang marami nagkacrush ron? Ilan lang ang naglakas loob manligaw kasi mukha palang, para ka ng sinabihan ng 'BACK OFF'! haha"
"Pero nags-smile naman siya minsan. Mostly sa mga kaclose niya no?"
"Oo."
I decided not to say anything at nagpatuloy na lang sa pag kain.
…
Sumakay na kami sa van at exactly 6:30PM para pumunta sa house of prayer. Nasa front portion ang mga babae while nasa likod naman kaming mga lalaki.
Kanya-kanyang kwentuhan sila while I put on my earphones to hear some worship music. Nakakatulong kasi ito para warm up sa gagawing 2hours of worship namin mamaya. While I listened to the music, I also closed my eyes.
"Ano po bang mga kakantahin natin mamaya ate?" rinig kong tanong ni Avich.
Hindi kasi ganun kalakas ang music ko kaya naririnig ko pa rin ang mga usapan sa paligid ko.
"Various. Eto, naglista pala ako. Wag kang mag-alala. Feeling ko naman alam mo lahat yan."
"Hmm.. oo nga. Ate, nakapunta ka na ba ron sa house of prayer na pupuntahan natin?"
"Oo. Sobrang bait ng mga tao run. Napakaspirit-filled pa!"
"Talaga? Speaking of spirit-filled, naalala ko yung sinabi mo about sa Holy Spirit ate. I tried to call on Him, pero hindi ko alam.. parang nahihiya ako?"
I smiled at that.
So she is still at that stage huh.
" Lumalakas lang ang loob ko kapag nakasabay ako sa isang youtube video kung pano makipag-usap sa Holy Spirit. Pero kung wala yun, nahihiya ako mag initiate. Yun bang napakalinis niya tas nararamdaman mo nalang, sobrang dumi mo ganun. haha"
Ah, so she is seeing the revelation of God's holiness in her life. Wow, that's good. That's good. I can't help but remember Isaiah's first encounter with God. When he said, 'I am a man of unclean lips.’
"Wag kang mahiya, Vich. Instead, thank God because HE is revealing Himself to You. Specifically, His holiness. Normal lang na maramdaman natin yun. Na marumi tayo. Perfect kasi si God, while tayo, halos every step of the way nagkakasala tayo. Kaya naman as we are being shone by His light, mas nakikita natin ang darkness sa mga puso natin na hindi natin nakikita noon kasi we are still living in darkness. The life of sin."
"Ah.. ganun pala yun?"
"Oo. Ganito nalang, di ba God is our heavenly father?"
"Opo."
"So think of the Holy Spirit the same as what you think of the Heavenly Father. Kasi they are one. Once you think that, baka malessen ang pagkahiya mo. Also, you can pray na sana wag kang mahiya everytime na gusto mong tumawag sa Kanya. Pag nagpray ka ng ganun, I'm sure na tutulungan ka Niya."
"Wow ate, nakapafull of wisdom mo naman. Thank you po sa advice." sabi ni Avich na klarong-klaro ang pagkamangha niya kay Kaira.
"And, it is good to see you grow Avich. Naaalala ko yung sarili ko sayo haha"
After a few moments, dumating na rin kami sa aming destinasyon…